Irene Patuloy ang pagtingin ko sa kisame, pakiramdam ko ay buong araw lang akong nakatingin dito at hindi ko magawang magpahinga. Ang sabi sa akin ng doktor, kailangan kong ipahinga ang aking katawan dahil maaaring manghina ang katawan ko kung hindi ko aalagaan ang sarili, ngunit pakiramdam ko ay hindi ko kayang magpahinga dahil sa mga bagay na aking iniisip. Hindi ko maiwasang ikuwestyon ang mga bagay na nangyayari sa akin dahil sa dinami-rami ng mga tao, bakit ako? bakit ako pa ang nakararanas ng ganito? Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi nang hindi ko namamalayan. Hindi ko alam kung ilang butil na ng luha ang aking iniyak. Hindi ko alam kung nakailang litro na ba ako simula nang pumasok ako sa buhay na ito. "Irene?" Napatingin ako sa pinto ng silid na aking kinaroroonan

