Irene Nangninisik ang mata at nanginginig sa galit na nakatingin sa akin si Third. Hindi ko alam at wala akong ideya kung ano ang ginawa kong mali at nagkakaganito siya. "Ano bang sinasabi mo, Third? Ako si Clara," pagkumbinsi ko at pagpilit ko pa sa kanya. "That's bullsh*t, Clara!" Tila tumalon palabas ng dibdib ang aking puso nang marinig ang malakas na paghampas ni Third sa lamesa. Mabilis pa akong napapikit dahil sa kanyang pagsigaw. "Alam nating dalawa na hindi ka magkaka-anak, dahil may infertility problem ka!" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang bagay na sinabi ni Third. Pakiramdam ko ay binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan at tumigil ang mundo na aming ginagalawan. Kaya pala mahigpit na ipinagbilin sa akin ni Clara noon na huwag kong kalilimutan ang pag-inom