Irene Halos lakad takbo ang aking ginagawa nang makarating sa loob ng ospital. Sunod-sunod ang pagbati sa akin ng mga nurse at doktor, dahil sa dalas kong pumunta rito, karamihan sa kanila ay kilala na ako. Ngunit naisin ko mang bumati pabalik sa kanila, hindi ko magawa, nais ko lang ngayon ay agarang makapunta sa silid ng aking ina. Sa aking pagdating sa kanyang silid, nagmadali akong buksan ang pinto, dahilan upang makita ko ang gulat sa mukha ni nanay. Natigilan siya sa ginagawang pagtimpla ng kape nang ako ay pumasok sa loob. "Hija, anong ginagawa mo rito?" pagtataka niya. "Mahaba pong kwento. Sumama po kayo sa 'kin," nagmamadali kong wika. Nagtungo ako sa kanyang damitan at saka inempake ang mga damit sa malaking bag na nandoon. Iyon ay ang bag ni nanay noong dinala ko siya rito