Unang Bahagi: Kabanata 1

2844 Words
~2016~ Abala ngayon ang pamilya nila Python sa pag-aayos ng kanilang mga gamit. Dahil bukas na bukas din ay aalis na sila ng Maynila at babalik na sila sa probinsya kung saan lumaki ang kaniyang ama. At habang nag-aayos nga ng mga gamit si Python ay panay ang pagpapaalam sa kaniya ng kaniyang matalik na kaibigan na si Andrew. Na siyang nalulungkot nga ng sobra dahil sa magaganap na paglipat ng kaniyang matalik na kaibigan. "Bakit pa kasi kailangan niyong bumalik sa probinsya Python? Mas marami kayang opportunity dito sa Manila kaysa sa probinsya. At tiyaka isa pa, maaari namang ipasok ng papa ko ang papa mo sa kompanya nila kung trabaho lang naman ang hanap niya. Bakit pa kasi kayo aalis ha?” sunod-sunod ngang sambit ni Andrew kasabay nang pagbagsak niya ng kaniyang katawan sa kama ni Python. “Paano na 'yong mga plano nating gumawa ng AI robots kung wala ka na rito sa Manila?” buntong hiningang tanong nito habang nakatitig nga sa kisame ng kwarto ni Python. "Sa katunayan hindi ko rin alam kay papa at lola eh," sagot ni Python na abala nga ngayon sa pag-aayos ng mga gamit niya. “Sabi nila kailangan daw para sa bagong trabaho ni papa. Pero kung ako lang namang ang masusunod Andrew, mas pipiliin ko talagang mag-stay dito sa Manila.” Habang abala nga siya sa pagliligpit ay bigla siyang natigilan nang makita niya si Kohny na siyang unang robot na ginawa nilang magkasama ni Andrew noong nasa walong taong gulang pa lamang sila. "Naaalala mo ba ito Andrew?" tanong niya sabay pakita kay Andrew nong robot. At bigla naman ngang napabangon si Andrew mula sa pagkakahiga dahil sa tuwa nang makita muli ang robot. "Akala ko ba ay nawawala si Kohny ha?" nakangiting tanong ni Andrew na ngayon ay hawak na ang robot na siya niyang ibinaba sa sahig at isinindi. Khony: This is Khony 2002, how are you? At dahilan nga ito para halos sabay na mapangiti ang dalawa nang madiskubreng gumagana pa nga ang robot. Kasunod pa nga nito ang panlalaki ng kanilang mga mata nang bigla na lamang umandar ang robot na siyang sinesense kung saan naroon ngayon ang dalawang bata. Dahilan upang halos sabay silang tumayo ngayon at makipaghabulan sa robot. At makalipas nga ang ilang minutong paglalaro ay sabay silang napabagsak sa kama dahil sa pagod sa kakahalakhak at kakatakbo habang nagpapahabol sa robot. "Paano na niyan Python kung aalis ka na?" biglang tanong ni Andrew habang nakatanaw sila ngayon ni Python sa ceiling ng kwarto na gawa sa glass kaya naman kitang kita nila ngayon ang kulay asul na kalangitan. "Huwag kang mag-alala Andrew dahil pwede naman tayong mag-videocall kung sakaling naroon na ako sa probinsya," sagot ni Python pero sa gulat nga niya nang bigla na lamang umiyak si Andrew ng pagkalakas-lakas. "Hoy Andrew akala ko ba ay walang iyakang mangyayari ha?" tanong nga ni Python na napatayo pa dahil sa pagkagulat. "P—paano na ako ngayon sa school? Mag-isa nalang akong pagtritripan ng mga senior high school," patuloy ni Andrew na umiiyak pa rin nga ng pagkalakas-lakas dahilan para tuluyan na ngang mapakamot ng ulo si Python. "Hoy, magtigil ka nga diyan," saad nga ni Python na hindi maiwasang matawa dahil sa itsura ng kaibigan. “Kung hindi ka titigil diyan ay hindi ako uuwi rito sa bakasyon.” At ang pananakot ngang iyon ni Python kay Andrew ang siyang naging dahilan para tumigil ito at magtigil sa paghikbi. "B—basta huwag mo akong kakalimutan Python?" paniniguro nga ngayon ni Andrew. “Subukan mo lang na kalimutan itong pogi mong bestfriend at hindi talaga ako magdadalawang-isip na hindi ka na tulungan sa mga Science Projects mo.” "At sino ba kasi nagsabing kakalimutan kita ha?" “Eh, ikaw na kaya ang kaisa-isang kaibigan ko mula pagkabata,” patuloy nga ni Python na siyang hindi na nga nagdalawang isip pang yakapin ang kaniyang kaibigan. "Nga pala, nasaan na 'yong hinihingi ko sa iyo?" "Nasa labas na at naisiksik ko na rin sa likod ng sasakyan niyo nang hindi ako nahuhuli ni tito Rafael," sagot ni Andrew na dahilan para matuwa nga si Python at kumawala sa pagkakayakap. "Ichat mo lang ako kung matapos mo man 'yong project na gagawin mo sa satellite phone ha?” Nakangiti ngang tumango nga si Python bilang sagot dito.   “Huwag kang mag-alala Python, sigurado naman akong gagana ang teleponong gagawin mo. At baka nga makausap mo na ang mama mo sa pagkakataong ito."  “Sana nga Andrew,” buntong hiningang tugon nito. _________________________ Sa ilang minuto nalang ay aalis na sila Python at tuluyan na ngang iiwanan ang Maynila. Inaantay nalang nga nila ngayon ang panghuling box na kinuha pa ng papa niya sa second floor ng bahay. "Mag-iingat po kayo roon ha lola," paalam ni Andrew sa lola ni Python na naging close na rin niya dahil halos araw-araw nga siya laging nakatambay sa bahay nila Python simula pagkabata. At tumango nga ang matanda bilang sagot sa kaniya at tiyaka ito niyakap ng mahigpit. “Mag-iingat ka rin rito Andrew,” saad nga ng matanda sa bata bago pa man siya kumawala sa pagkakayakap. "Ingatan mo si Khony ha Andrew?" pagpapaalala naman nga ni Python sa kaniyang kaibigan na tinanguan naman siya bilang sagot. Iniwan na niya ang robot kay Andrew para naman kahit wala na siya ay nanduon pa rin si Khony bilang pagpapaalala na laging nasa tabi niya lang si Python kahit pa na malayo sila sa isa’t isa. "Oo naman, ako pa ba?" pabirong tugon ni Andrew na siyang itinaas nga ang hawak na robot. "Nay, Python, tara na po!" Ngunit natigilan nga ang tatlo nang lumabas na mula sa bahay ang ama ni Python dahilan upang buntong hiningang tignan ngayon ni Python si Andrew. “Mukhang ito na nga ang pinakahihintay nating pamamaalam Andrew,” saad ni Python kasabay ng mapait niyang ngiti na sumisimbolo sa kalungkutang nararamdaman niya. Ibinigay na nga nito ang huling yakap sa kaniyang kaibigan bago pa man ito pumasok ng tuluyan sa kotse kasama ang kaniyang lola. _________________________ Apat na oras din ang naging byahe nila Python papunta ng San Nicolas. At magdidilim na rin nga nang makarating sila. Kumpara sa dati nilang bahay sa Maynila ay mas maliit ng kaonti ngayon ang bahay na tutuluyan nila. At medyo luma na rin ito dahil sa kapansin-pansing istraktura at mga lumang kagamitan sa loob nito. "Pagpasensyahan mo na apo at maliit lang itong bahay," saad ng lola ni Python na siyang nagmamay-ari nga ng bahay. Tumango naman at ngumiti si Python bilang tugon. Ang bahay nila ay malapit lang sa taniman ng mga tubo at medyo marami ring puno ang nakapalibot dito. May mga kapitbahay sila ngunit may kalayuan ang mga bahay ng mga ito. Mas pinili ni Python ang kwarto sa itaas ng bahay para mas malaki ang tiyansang gumana ang satellite phone at satellite receiver. Mga bagay na itinakas pa ni Andrew mula sa tatay niyang nagtratrabaho sa isang Telecommunication Company. "Sana nga gumana ito," bulong niya sa sarili habang nakahiga na sa kama dahil sa pagod sa byahe. Napag-alaman niya na walang wifi sa bayan na tinitirhan nila ngayon at bihira rin daw makasagap ng signal dito dahil liblib ang San Nicolas at malapit din sa dagat. Kaya medyo mahihirapan ngayon si Python para gawin ang binabalak niyang project. Ang project na makausap ang mama niya na isa sa mga ipinadalang astronaut sa Mars. Bata pa lang si Python nang iwanan sila ng kaniyang ina at ang sabi nga ng papa niya ay mas pinili raw niyang sundan ang pangarap niya kaysa sa pamilya niya. Kaya hindi na raw dapat inaalala pa ang ala-ala ng mama niya. Apat na taong gulang pa lamang si Python nang iwanan sila ng mama niya na siyang nakatanggap nga raw ng tawag sa pinagtratrabahuan niya na kasama raw siya sa isang misyon para manirahan sa Mars. Agaran namang tinanggap ito ng mama niya dahil matagal na niyang inaasam-asam ang opurtunidad na ito. Simula pagkabata ay nais na talagang makausap ni Python ang mama niya. At ang tanging paggawa lamang ng telepono na nakakatransmit at nakakareceive ng signal sa kahit sa anong sattelite ang naisip niyang paraan. At dahil nga sa pagod ay nakatulog na si Python nang hindi man lang nakapagpapalit ng kaniyang damit. _________________________ "Hello Andrew?" Kagigising palang ay sinusubukan na ulit ni Python kung gagana ba ang sinet-up niya last week na telepono. Isang linggo na rin niyang sinusubukan na tawagan si Andrew ngunit mukhang hindi pa rin ito gumagana at wala pa rin itong makuhang kahit na anong signal. "Python apo, bumaba ka na riyan nang makahanda ka na para sa interview mo," tawag ng kaniyang lola na ngayon ay abala sa pag-aayos ng kanilang umagahan. At agaran namang bumaba si Python at nadatnan nga niyang nakaayos na ang papa niya ngunit siya ay nakapantulog pa rin nga. "Anong oras na Python at ni hindi ka pa nakakabihis? Paghihintayin mo ba ang mga mag-iinterview sa'yo?" bungad ng kaniyang ama na ngayon ay iritable nga nang makitang hindi pa nakahanda ang anak niya. “Alam mo naman kung gaano kaimportante sa atin ito Python hindi ba?” "S—sorry po pa. Mag-aayos na po ako at mabilis lang po akong maliligo," sagot ni Python na mabilisan ngang tumakbo papunta sa cr dala ang damit na inihanda ng kaniyang lola. At pagkaraan lang nga ng limang minuto ay nakaligo na ito at nakaayos na rin na ikinagulat nga ng kaniyang lola. "Hay naku Python, mana ka talaga sa mama mong si Terriana—“ saad ng matanda na natigilan nga at nagulat din sa nasabi niya. Sapagkat alam nga niyang ayaw ng kaniyang anak na binabanggit ang pangalan ng kaniyang asawa na matagal na silang iniwan. At ngayon ay tila mas nadagdagan pa nga ang pagka-iritable ni Rafael nang banggitin ng matanda ang pangalang yaon. "Halika na nga Python at mas mabuti pa kung sa daan ka nalang mag-almusal," utos ng papa ni Python na lumabas na nga nang hindi man lang nagpapaalam sa kaniyang ina. Sumunod naman si Python ngunit hinalikan muna nga niya ang kaniyang lola bago lumabas ng bahay. _________________________ "Kailangan mong makuha itong scholarship na ito Python dahil kung hindi ay sa public school ang bagsak mo," paalala ni Rafael sa kaniyang anak habang nakapila sila sa mga magulang na nagbabakasakali ngang makakuha ng scholarship para sa kani-kanilang mga anak upang makapasok sa San Nicolas Science High School. Isang paaralan ng mga high school students na kakakitaan ng galing sa Science, Research, at Innovation. Hindi na kayang ipasok ni Rafael ang kaniyang anak sa mga ganitong private school nang hindi umaasa sa scholarship. At nang dahil nga ito sa pagbagsak ng bangkong pinagtratrabahuan niya na pagmamay-ari nila ng kaniyang kaibigan sa Maynila. Halos nawala ang lahat ng ipinundar niyang pera na siyang ininvest nga niya sa bangkong ito. Kaya’t ngayon ay nahihirapan siyang ibigay ang mga pangangailangan ng kaniyang anak. “Python, maiwan muna kita rito at may itatanong lang ako sa nagbabantay sa pintuan ng interview room.” At napansin nga ni Rafael na tila iba ang inaatupag ng anak niya at hindi siya narinig nito. “Python, nakikinig ka ba?” tanong nga ni Rafael sa kaniyang anak na tanging tango lang nga ang naisagot ngayon dahil sa pagiging abala niya sa paglalaro ng kaniyang mobile phone. Kaya napasinghap na lamang si Rafael at tuluyan na ngang iniwan muna si Python. Saglit lamang na napasulyap si Python nang umalis ang kaniyang tatay ngunit kalaunan ay bumalik na ulit ito sa paglalaro. Ngunit nang may isang bagay ang tumama sa kaniya ay natigilan siya at kunot noong ibinaling ang tingin dito. Isa itong robot na may itsurang tao. Manghang-mangha ngayon si Python sa robot dahil kung gumalaw ay parang tao talaga. "Hi," sambitla ng robot na may parang boses ni Siri. “H—hello?" nag aalangang sagot ni Python na abot langit ngayon ang ngiti dahil sa pagkamangha. "I am Kalala nice to meet you," saad ng robot sabay abot ng kaniyang kamay na siya namang tinanggap ni Python. "Kalala, off!" sigaw ng isang batang babae na kaedaran ni Python. At nagulat nga si Python nang awtomatikong nagpatay ang robot. "P—papaanong?" nagtatakang tanong ni Python na ngayon ay sinubukan ngang hawakan ang robot ngunit nagulat siya nang tapikin ng batang babae ang kaniyang kamay palayo sa robot. "Humanoid Robot," sagot ng babae na walang ka-effort effort na binuhat ang robot at inilagay sa isang box. "Maaari ko bang malaman kung saan mo ito binili?" tanong ni Python na halatang curious na curious nga ngayon sa kaniyang nasaksihan. "Ginawa ko," sagot ng babae na siyang nakapameywang nga ngayon at kalaunan ngay binuhat na ang box kung saan naroon ang robot. At akmang aalis na nga ito ngunit natigilan siya nang hawakan ni Python ang kamay niya. "W—wait—“ "What?" iritableng tanong ng babae na mukhang naiirita na at gustong makaalis. "How did you—" “Python!” At hindi na nga natuloy pa ni Python ang itatanong niya nang tawagin siya ng papa niya dahil susunod na sila na iinterviewhin. Kaya naman umalis na agad ang babae nang hindi pa siya natatanong ni Python. _________________________ "Let me be honest with you sir. Malabo pong maaprobahan ang scholarship ng anak niyo dahil sa grade niya," paliwanag ng interviewer na dahilan para mapakunot ng noo si Rafael. “Mataas naman ang Science niya. Pero hindi po kasi pasado ang ibang subject niya.” "Akala ko po ba ay Science school ito? Eh, bakit kailangan pang mataas ang ibang subject ng anak ko bukod sa Science?" tanong nga ni Rafael dahil sa pagnanais na makapasa ang kaniyang anak sa scholarship. "Nasa rule po kasi iyon sir. Pasensya na po talaga," saad ng interviewer na dahilan para mapahinga nga ng malalim si Rafael dahil sa inis at tinignan nga si Python na tila dismayado rito. _________________________ "Bakit ba naman kasi ang baba ng iba mong subjects? Sinabi kasing mag-aral ka pero iba lagi ang inaatupag mo!" sigaw ni Rafael na ngayon ay nag-aalab na sa galit at inis dahil sa naging resulta ng scholarship ni Python. Kung hindi siya pinigilan ng lola ni Python ay baka kanina pa niya nasuntok o nasampal ang bata. Ngayon ay kasalukuyang nakaluhod si Python at nakataas pa ang dalawa niyang kamay bilang pagpaparusa sa kaniya ni Rafael. Halos mangawit na siya ngayon dahil halos isang oras na rin na ganun ang posisyon niya. "Sorry po talaga pa," pagmamakaawa ni Python na ngayon ay hindi na mapigilang umiyak dahil sa sakit ng tuhod at kamay niya. "Simula ngayon ay hinding-hindi ka na lalabas ng bahay at mag-aaral ka lang sa kwarto mo! At huwag na huwag mo ring susubukan na gumawa ng kahit na anong putek na project na yan ha?!" sigaw muli ng papa niya na ngayon ay pwersahan nga siyang hinila papasok sa kaniyang kwarto na siyang ikinagulat ng lola ni Python na wala namang nagawa dahil mas malakas si Rafael kaysa sa kaniya. Tuluyan na ngang isinarado ang kwarto ni Python nang hindi nga ito makalabas bilang parusa sa kaniya ng kaniyang amang si Rafael. "S—susmaryusep Rafael! Anong ginagawa mo sa anak mo?" Sunod-sunod ngang sigaw ng ina ni Rafael na ngayon ay hindi na rin mapigilang umiyak dahil sa awa niya sa kaniyang apo. Ngayon ay rinig na rinig ni Python ang pag-aaway ng lola at papa niya sa labas ng kwarto niya kaya hindi niya maiwasang mapapikit ngayon at umiyak. Kalaunan ay napabuntong hininga ito at iminulat ang kaniyang mga mata dahilan upang makita niya ang ginawa niyang telepono na ngayon ay nasa tapat niyang mesa. "M—mama, are you there?” “Kamusta ka na ma?” “M—miss na miss na po kita at gustong-gusto ko na po kayong makita at makausap. Iba ka kaya kay papa? Mas maiintindihan mo kaya ako kaysa sa kaniya?” Sunod-sunod ngang sambit ni Python sa telepono habang pinupunasan ang mga luha niya sa pisngi. Nagbabakasakali siyang marinig siya ng mama niya pero ilang araw na ang nakalipas ay wala pa ring sagot sa mga tawag na pinapadala niya. At dahil nga sa halo-halong emosyon ay naibato niya ng tuluyan ang teleponong hawak niya at muntikan na nga itong masira sa lakas ng pagkakabato niya. "Tama si papa eh! Hindi na dapat ako umasa na babalik ka dahil maski nga mga tawag ko ni hindi mo kayang sagutin— ang balikan pa kaya kami? Iniwan mo kami at hindi mo kami mahal mama!" Sunod-sunod na sigaw nito kasabay ng kaniyang pagtangis. Dumaan ang ilang minuto ay tuluyan na ngang nakatulog si Python dahil sa pagod. At nagka wasak wasak na nga ang mga parte ng telepono dahil sa pagkakabato niya pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang itong tumunog na tila nakakasagap ito ng signal.  Pero dahil nga tulog na siya ay hindi na niya ito narinig. "Se_ño_rito?"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD