~Hunyo 14, 1890~
-Alemanya-
Sa isang madilim na pasilyo ay kasalukuyang naglalakad ang isang binata dala-dala ang kaniyang lampara patungo sa isang kwarto.
Kasalukuyang hawak-hawak na nga niya ang busol ng pintuan ngunit bago pa man nga niya buksan ito ay inilibot muna niya ang kaniyang paningin.
At nang masigurong walang tao ay agaran na nga niyang binuksan ito at walang pasubaling pumasok sa loob ng kwarto.
“Leider, Gisela, wollte ich wegen dem, was du getan hast, angegriffen werden. (Naku naman Gisela, kamuntikan na akong atakihin dahil sa ginawa mo)”
Gulat na gulat ngang usal ng binata sa dalagang nagbato ng kutsilyo sa direksyon niya. Ngunit laking pasasalamat nga nito nang agad niyang nailagan ang kutsilyo na siyang tumama ngang sapol sa pintuan.
May hawak-hawak pa nga ngayong maliit na kutsilyo ang dalaga na siya ngang sunod pa niya sanang ibabato ngunit natigilan ito nang mapagtanto kung sino ang pumasok.
“Du hast Fidel nicht einmal gesagt, dass du zu dieser Zeit kommst, (Ni hindi ka naman kasi nagpapasabi Fidel na pupunta ka ng ganitong oras)” pakli nga ngayon ni Gisela na siya ngang ibinaba na ang hawak na kutsilyo.
“Ich habe dir gesagt, ich würde heute gehen, (Ang sabi ko naman sa iyo ay pupunta ako sa araw na ito)” saad naman ng binata na siya ngang kinuha na ang maliit na kutsilyo na siyang nakatusok sa pintuan. O ang kutsilyo ngang kamuntikan nang tumama sa kaniya kung hindi lamang niya ito naiwasan ng tuluyan.
“Warum bist du zu einer solchen Zeit hierher gekommen? (Bakit ka ba kasi pumarito ng ganitong oras?)” tanong ngayon ni Gisela na siya na ngang binuksan ang mga de electric na lampara sa kaniyang kwarto dahilan upang patayin na nga ngayon ni Fidel ang apoy mula sa lamparang hawak niya.
Ngunit saglit ngang napatigil si Gisela nang unti-unti na niyang makita ang mukha ni Fidel dahil sa liwanag na nagmula sa kaniyang mga lampara.
“Fidel, du hast eine Narbe, (Fidel, may galos ka)” nag-aalalang saad ni Gisela na siya ngang nagmadaling lapitan ang binata at hinawakan nga ang pisngi nito habang masinsinang tinignan ang mga sugat nito sa mukha lalong lalo na sa kaliwang mata nito na halos nangingitim na ngayon.
“Sind sie es, die dir das angetan haben? (Sila na naman ba ang may gawa sa iyo nito?)”
At dahilan nga ang katanungang iyon ni Gisela para mapasinghap ngayon si Fidel at mapaiwas ng tingin.
“Fidel, sag mir, was hast du noch getan, damit sie dir das antun? (Fidel sabihin mo nga sa akin kung anong bagay na naman ba ang ginawa mo upang gawin nila iyan sa iyo?)” tanong nga ngayon ni Gisela na siya ngang dala-dala ang pag-aalala para sa kalagayan ng binata.
“Erinnerst du dich an das Telefon, das ich gemacht habe? (Naaalala mo ba ang telepono na ginawa ko?)”
At dahilan nga ang sinambit ni Fidel para manlumo nga ngayon ang dalaga at siya ngang diretsong tinignan si Fidel.
“Now I know,” saad ng dalaga na siya ngang napasinghap nang maalala ang tinutukoy ni Fidel. “Fidel, habe ich dir nicht gesagt, dass sie dir nicht sofort glauben würden, wenn du ihnen vom Telefon erzählst? (Fidel, hindi ba sinabi ko naman sa iyo na hindi sila agad-agad na maniniwala kung sabihin mo sa kanila ang patungkol sa telepono?)”
“Aber Gisela, glaubst du mir nicht? (Pero Gisela, hindi ba, naniniwala ka naman sa akin?)” tanong ni Fidel sa dalaga sabay hawak sa magkabilaang braso nito na dahilan upang mapahinga ng malalim si Gisela at tiyaka nga hinawakan ang magkabilaang pisngi ni Fidel.
“Natürlich Fidel. Aber sie— man kann sie nicht sofort überzeugen, Fidel, weil es für sie schwer ist, einem Mitstudenten der Physik zu glauben, der nicht ihre Rasse ist. (Oo naman Fidel naniniwala ako. Ngunit sila— hindi mo sila agad na mapapaniwala Fidel. Dahil mahirap para sa kanila na paniwalaan ang isang kapwa nila estudyanteng pisiko na siyang hindi naman nila kalahi.)”
Ngayon ngay unti-unti na ngang binitawan ni Fidel ang braso ng dalaga na tila baga nga nawalan ito ng pagasa dahil sa isinagot nito sa kaniya.
“Dann wird es zu spät für mich sein, mich ihnen zu beweisen, (Kung gayon ay malabo na ngang mangyari na mapatunayan ko ang sarili ko sa kanila)” saad ni Fidel habang dala-dala nga ang malungkot na ekspresyon sa kaniyang mga mata na siya rin naman ngang napansin ni Gisela dahilan upang hawakan nito ang kaliwang kamay ng binata.
“Fidel,” tawag nga ng dalaga rito na siya ngang hinawakan ang kanang pisngi ni Fidel upang iharap ang tingin nito sa kaniya. “Sie müssen sich ihnen nicht beweisen. Wichtig ist, dass Sie mit mir einen Abschluss in Physik machen können. (Hindi mo naman kailangang patunayan ang sarili mo sa kanila. Ang importante ay ang makapagtapos ka sa larangan ng pisiko kasama ko.)”
At dahilan nga ito upang unti-unting mapangiti si Fidel at tuluyan na ngang niyakap ang dalaga.
“Ich bin dankbar, dass ich eine Freundin wie dich habe, Gisela, (Nagpapasalamat ako na may kaibigan akong kagaya mo Gisela)” saad ngayon ni Fidel na siya ngang kumawala na kalaunan sa pagkakayakap.
“Darf ich wissen, was du hier meinst, Fidel? (Maaari ko bang malaman kung anong sadya mo rito Fidel?)”
Pag-iiba nga ngayon ni Gisela sa usapan na siyang dahilan para mapatango nga si Fidel nang maalala nga ang tunay na sadya nito.
“Haben Sie noch unseren ersten Prototyp? (Mayroon ka pa ba ng kauna-unahang prototype natin ng telepono?)” tanong nga ngayon ni Fidel dito na siyang dahilan upang matigilan saglit si Gisela na kalaunan ngay naglakad na nga ngayon ito papunta sa isang kabinet malapit sa kama niya.
At matapos nga ang ilang minutong paghahanap ay inilabas nga nito ang nakatuping papel na siyang agaran nga niyang inilapag sa mesa malapit sa kama nito.
“Ist es das, worauf Sie sich beziehen? (Heto ba ang iyong tinutukoy?)”
Ngayon ngay mabusising inusisa ni Fidel ang guhit ng isang telepono na may nakasulat ngang mga pangalan bawat parteng mayroon ito.
“Das ist es, (Ito na nga iyon)” sagot ni Fidel na siya na ngang muling itinupi ang papel at inilagay naman na nga ngayon sa kaniyang bag.
“Warten Sie, Fidel, was machen Sie mit dem Prototyp? (Teka lang Fidel, anong gagawin mo riyan sa prototype?)” nagtataka ngang tanong ngayon ni Gisela kay Fidel dahilan upang matigilan ito.
“Abgesehen von meinem Gesicht sind sogar das Telefon, das ich gemacht habe, kaputt gegangen, (Bukod sa mukha ko ay maging ang teleponong ginawa ko ay sinira rin nila)” sagot ni Fidel na siyang dahilan para manggalaiti nga ngayon sa inis si Gisel nang malaman ang sinapit ni Fidel sa mga kaeskwela nilang kapwa niya Alemanyan.
“Bist du sicher, dass du ihnen Fidel nicht vorenthalten willst? (Sigurado ka bang ayaw mong bawian sila Fidel?)”
“Ich verschwende nur meine Zeit, Gisela. Anstatt sie zu belästigen, werde ich einfach ein anderes Telefon effektiver machen als das, das ich zuvor gemacht habe, (Masasayang lamang ang oras ko Gisela kung papatulan ko pa sila. Kaya kaysa abalahin ko sila ay gagawa nalang akong muli ng panibagong telepono na mas epektibo kaysa sa nauna kong ginawa)” sagot ni Fidel na ngayon ngay hinalikan na si Gisela sa pisngi upang magpaalam na nga. “Vielen Dank Gisela. (Maraming Salamat Gisela)”
At tuluyan na ngang sinindihan muli ni Fidel ang kaniyang lampara bago pa man nga siya lumabas sa kwarto ng dalaga.
“Sei vorsichtig, Fidel, (Mag-iingat ka Fidel)” Habol ni Gisela nang medyo nakalayo na ang binata.
-Pilipinas-
“Buenos Días Manang Corazon, (Magandang Umaga Manang Corazon)” bungad ni Senyora Felimona De Ayala sa kanilang kasambahay na siya ngang nagbukas ng bintana ng kwarto ni Felimona sanhin ng unti-unting pagmulat niya ng kaniyang mga mata.
“Senyora, mabuti at gising ka na at baka mamaya pa ay mahuli ka na naman sa umagahan,” saad nga ng matanda rito na siya na ngang nilapag ang susuoting damit ng dalaga sa araw na ito.
Isa itong ternong baro’t saya na kulay rosas na siyang gawa sa mamamahaling tela na galing pa sa Europa.
“M—manang, anong oras na ho ba?” tanong nga ni Felimona na kasalukuyan na ngang bumabangon sa pagkakahiga at masiglang pumunta sa bintana at siyang sininghap ang napakalamig na ihip ng hangin.
“Malapit nang mag-alas syete ng umaga Senyora,” sagot ng matanda na kasalukuyang nasa banyo at inihahanda na nga ang panligo ng dalaga.
“Hindi ba parang gumaganda talaga ang takbo ng oras sa tuwing nakikita mong sumisikat ang araw manang?” nakangiting tanong ngayon ni Felimona habang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw.
“At mas gaganda pa ang iyong araw sa oras na maligo ka na Senyora upang hindi ka mahuli sa umagahan ninyo,” sagot nga ni Manang Corazon na siyang dahilan para mas lalong mapangiti si Felimona at ibaling na nga ang tingin sa matanda na kasalukuyang nasa likod na niya ngayon.
“Hindi manang, maganda na ang araw ko nang oras na makita kita,” biro nga ni Felimona na siyang dahilan nga para mawala ang pagmamadali ng matanda lalo pa ng yakapin siya ngayon ng mahigpit ni Felimona. “Halos ilang buwan ko rin po kayong hindi nakita at nayakap manang. At lagi-lagi ko talaga kayong hinahanap-hanap sa tuwing magigising ako ng umaga sa Maynila.”
“At gayon din ako Senyora Felimona,” nakangiti ngang saad ng matanda na ngayon ngay kapwa na sila kumawala sa pagkakayakap. “O’ siya, maligo ka na nang hindi ka mahuli sa umagahan ninyo.”
“Naku manang, lagi ko ring hinahanap iyang pagpipilit niyo sa aking maligo na agad pagkagising pa lang,” saad ni Felimona na ngayon ngay tumango na sa utos ng matanda at tuluyan na ngang pumasok sa paliguan.
Makalipas nga ang ilang minuto ng paliligo ni Felimona ay tinulungan nga ito ng matanda na isuot na ang baro’t sayang isusuot niya sa araw na ito.
At habang isinasara nga ni Manang Corazon ang likuran ng baro ni Felimona ay natigilan nga ang dalaga nang makita ang nakahandang kwintas niya sa mesa.
Agad ngang napangiti ito at binuksan ang palawit ng kwintas dahilan upang masilayan niya ang litrato ng kaniyang ina na si Donya Imilia De Ayala.
“Buenos dias mama, (Magandang umaga ina)” nakangiting saad nito na siya na ngang marahang hinalikan ang litrato ng kaniyang ina.