~2016~
Isang linggo na rin ang nakakalipas mula noong naibagsak ni Python ang scholarship niya sa San Nicolas Science High School.
Walang nagawa ang papa niya kundi ipasok siya sa pampublikong paaralan. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Rafael na makuha ni Python ang scholarship kaya kahit anong paraan na maisip niya para lang mapataas ang grado ng anak niya ay gagawin niya.
Habang nakabisikletang pauwi si Python galing sa eskwelahan ay nagtaka siya nang bigla siyang salubungin ng papa niya sa kanilang gate na mukhang maganda ang mood. Dahil sa kadahilanang nakangiti ito ngayon at mukhang may importanteng sasabihin kay Python.
"Bilisan mo at magpalit ka na," bungad ng papa niya. “Darating ngayon ang magtututor sa'yo. At siguradong mas tataas ngayon ang mga grado mo.”
"T—tutor po?" nagtatakang tanong ni Python habang bumababa mula sa kaniyang bisikleta.
Ngayon ay hinihingal ito dahil sa pagod na dala ng pagpepedal niya ng bisikleta mula sa eskwelahang pinapasukan niya hanggang sa bahay nila.
Wala siyang magawa dahil naibenta na ng papa niya ang kahuli-huliang sasakyan nila. At isa pa, medyo madalang din ang tricycle kung dumaan sa kanilang bahay.
"Hindi ako papayag na ma-stuck ka sa public school na 'yon kaya kinausap ko si Pareng Lino na itutor ka nong anak niya na top 1 ng San Nicolas Science Elementary School at siya ngang nangunguna ngayon sa San Nicolas Science High School," paliwanag ni Rafael sa kaniyang anak na dahilan para mapaiwas ng tingin si Python dahil alam niyang ayaw na ayaw ng papa niya na humingi ng pabor sa iba pero mukhang nilunok nito ang pride niya para sa kinabukasan ni Python.
Natigil ang pag-uusap ng mag-ama nang biglang may bumusina mula sa labas ng kanilang gate.
"Dali at magpalit ka na! Nakakahiya sa bisita kung makita ka nilang ganyan," saad ng papa ni Python dahilan para mabilisan siyang tumakbo paloob ng kanilang bahay at magpalit na nga ng mas disenteng damit.
"Kumpare," tawag ni Rafael sa lalaking kakababa lang mula sa kotse kasabay ng kaniyang anak na babae na kaedaran nga ni Python.
"Rafael, kamusta na?" bati ni Lino na dati niyang matalik na kaibigan.
"Ayos na ayos lang. Salamat at nareceive mo 'yong message ko sa f*******:," saad ni Rafael habang pinapapasok na nga ang mag-ama sa loob ng kanilang tahanan.
"Buti nga at nakita ng secretary ko eh," saad ni Lino na sinabayan pa nga niya ng napakasarkastikong tawa na napansin nga ni Rafael.
"Nga pala, ito pala si Eeya, ang anak kong programmer at top 1 ng San Nicolas Science Elementary School. At isa pa, siya rin nga ang kaisa-isang estudyante na may hawak ng premium scholarship sa San Nicolas Science High School dahil sa taas ng general average niya," pagpapakilala ni Lino sa kaniyang anak na sinabayan ulit niya ng kaniyang sarkastikong pagngisi na tila ba nangiinsulto.
Napansin ngang muli ni Rafael ito ngunit wala siyang magawa dahil nga may kailangan siya dito ay kailangan niya talagang lunukin ang pride niya at pakisamahan ang dating kaibigan.
"Rinig ko nga pare. At mukhang maswerte ka nga talaga diyan sa anak mo," sagot ni Rafael na tulad ni Lino ay sinabayan niya rin ng pekeng pagngisi.
At mukhang pansin nga ni Eeya kung paano magplastikan ang papa niya at ng tito Rafael niya dahilan para mapairap siya ngayon sa kawalan.
"Oh, nasaan na pala ang anak mo?" pag-iiba ni Lino sa usapan dahil lumipas na ang ilang minuto ay hanggang ngayon hindi pa rin bumababa si Python mula sa kaniyang kwarto.
"Ma," pasimpleng tawag ni Rafael sa kaniyang ina.
“Nasaan na ba si Python?” bulong nito na halatadong iritable na.
“Teka lamang at tatawagin ko saglit,” sagot nga ng kaniyang nanay.
_________________________
Habang nagpapalit nga si Python ng kaniyang t-shirt ay bigla siyang nagulat nang tumunog bigla ang satellite phone niya na isang linggo nang nakatambak sa isang karton.
At dahil sa gulat ay agad nga niyang kinalkal ang karton. At tama nga ang hinala niya na ang teleponong iyon ang tumutunog at mukhang nakakasagap ito ng signal ngayon dahilan para matuwa at mapaupo si Python.
Simula noong araw na ibinato niya ang teleponong ito ay inakala niyang sira na ito at ni hindi na niya pinag-aksayahan ng oras upang ayusin ito dahil nawalan na nga siya ng pag-asa na makakausap pa niya ang kaniyang ina.
Pero nang marinig ang pagtunog ng telepono ay tila ba mukhang bumabalik na naman ang pag-asa niya na makausap ang kaniyang ina.
"¿Dón- est-as? T- prom- que- vol." Putol-putol na saad ng kabilang linya dahilan para magulat ng husto si Python.
"H—hello?" nag-aalangang tugon ni Python sa kabilang linya dahil halos hindi siya makapaniwalang may nasagap na signal ang teleponong ginawa niya.
Hinihintay niyang may sumagot muli sa kabilang linya ngunit tanging tunog lang na parang nawawalan na ng signal ang telepono ang sunod na narinig niya.
"Apo, lumabas ka na riyan. Nandito na ang mga bisita," tawag ng lola niya mula sa labas ng kwarto pero nag-aalangan na lumabas ito dahil baka may masagap ulit na signal ang telepono sa sandaling umalis siya.
"Teka lang po la!" sagot niya habang iniaayos ang ibang wires ng telepono.
"Bilisan mo riyan dahil baka magalit na naman ang papa mo," saad ng lola niya bago nga ito umalis sa pintuan.
"Hello ma?" saad ni Python sa kabilang linya.
Naniniwala siya na ang nasagap na signal ay nanggaling sa mama niya. Kaya naman pumunta siya sa secret compartment ng kaniyang ceiling upang maisayos ang satellite reciever na ikinabit niya sa kaniyang bubong.
At pagkaraan ng ilang minuto ay biglang may nasagap na naman ang telepono na signal ngunit medyo mas malinaw na ito kumpara sa nauna.
"Pa- por- fa- vor respón—“
"Bakit parang ibang lenguahe ang itinutugon ng kabilang linya?" nagtatakang tanong ni Python sa sarili dahil kahit medyo malinaw na ang kabilang linya ay hindi pa rin niya maintindihan ang sinasabi nito.
"Ma, hindi po kita maintindihan. Naririnig niyo po ba ako?" sagot at tanong ni Python na nagbabakasakaling mareceive ng kabilang linya ang sinabi niya.
_________________________
"Asan na siya ma?" tanong ni Rafael sa nanay niya na siyang inutusan niyang magtawag kay Python.
“Tinawag ko na siya,” bulong ng matanda.
"Matagal pa ba ang anak mo Rafael? Mukhang may pinagmanahan ata ang unico hijo mo ha," sarkastikong saad ni Lino habang dala dala ang mapang-asar niyang ngisi.
Medyo napipikon na rin si Rafael sa mga banat ng kaniyang dating kaibigan at sasagutin na sana niya ito pero biglang nagsalita si Eeya na napansin nga ang lumalaking tensyon sa pagitan ng kaniyang papa at ni Rafael.
"Ako nalang po ang magtatawag sa kaniya tito," saad niya na hindi na hinintay ang sagot ng kaniyang papa at ni Rafael bagkus ay naglakad na ng mabilis papunta sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang kwarto ni Python.
_________________________
"Ma, can you answer me please?" rinig ni Eeya mula sa loob ng kwarto ni Python.
"Pa-pa kaw- n-ba-yan?” rinig niya muli na dahilan para akalain niyang may kausap si Python sa isang walkie-talkie.
Dahil sa pagtataka ni Eeya ay sinubukan niyang buksan ang pintuan ng kwarto ni Python ngunit nakalock ito kaya naman ginamit niya ang lock picking skill niya na natutunan pa niya sa internet para lang mabuksan ito.
At hindi rin naman nga siya nabigo at tuluyan ngang nabuksan ang pintuan ni Python.
Pagbukas ng pinto ay wala siyang nadatnan na Python sa loob ng kwarto.
"Ma, ako ito si Python," rinig niyang muli na hula niya ay nangga-galing sa butas mula sa ceiling ng kwarto ni Python na mukhang kailangan mo pang umakyat sa itaas ng aparador para makapunta rito.
"Hoy batang lalaki na anak ni tito Rafael! Bumaba ka na nga diyan dahil kanina ka pa namin hinihintay sa baba," saad nga ni Eeya pero mukhang hindi siya naririnig ni Python dahil sa maingay na tunog ng telepono na kumukuha ngayon ng signal.
"Nakakabwisit naman ito oh," iritableng sambit ni Eeya na wala na hindi na nga nakapagtimpi at pumunta na sa tuktok ng aparador at pumasok sa secret compartment.
Napakunot nga ang noo nito dahil sa pagtataka nang makita si Python na parang may isinasaayos na isang bagay.
"Hoy! Kanina ka pa namin inaantay sa baba. Huwag ka ngang magpa-special diyan at bumaba ka na. Para naman hindi lang ako iyong tinataasan ng presyon sa baba!" sunod-sunod ngang saad ni Eeya na halos napasigaw na nga para masigurong marinig siya ni Python.
At hindi nga siya nabigo dahil nakuha niya nga ang atensyon ni Python.
"E—excuse me? Sino ka? At paano ka nakapasok dito sa kwarto ko?" sunod-sunod na tanong ni Python pero nagtaka nga ito nang titigan siya ng batang babae habang nakakunot ang noo nito.
"Teka, you look so familiar to me," saad ni Eeya habang palapit na nga ng palapit kay Python.
"O’, right! Ikaw 'yong batang nagtanong about kay Kalala last week," patuloy ni Eeya na ngayon ay nabaling na ang atensyon sa teleponong hawak ni Python at sa antenna na nakatusok palabas sa bubong.
"Satellite phone ba iyan?" tanong nga nito at tumango naman si Python bilang sagot.
"Really? At saan mo naman ito nakuha? At bakit may antenna at satellite receiver ka pa eh hindi na kaya kailangan iyon once you have a satellite receiver," sunod-sunod na saad niya sabay kuha ng teleponong hawak ni Python na siyang ikinagulat ni Python.
"Teka nga, paano ka ba nakapunta dito? Ang pagkakaalala ko ay naisara ko ang pintuan ng room ko," saad ni Python sabay hablot ng telepono.
"I know how to do lock picking," sagot ni Eeya na ngayon ay ang antenna naman ang inusisa.
"Don't you dare touch that!" pigil ni Python sa kaniya pero hindi siya pinansin ni Eeya at patuloy pa rin sa pahawak ng antenna.
At nang pipigilan pa nga sana siya ni Python ay kapwa silang natigilan nang biglang nagtawag ang papa ni Python mula sa baba.
"Python? Eeya?" tawag muli ni Rafael mula sa baba kaya naman wala nang nagawa ang dalawa kundi bumaba na mula sa compartment.
"What the hell are you two doing there?" gulat na tanong ni Lino dahil sa paglabas mula sa ceiling ni Python kasama ng kaniyang anak.
"Python just toured me around daddy," marahang saad ni Eeya dahilan upang mawala ang gulat ni Lino.
"Mukhang close na kayo ha," saad ni Rafael habang nakangiti. "So, ano pare? Pwede na bang itutor ni Eeya si Python bukas?"
"Oo naman, para naman tumaas taas ang grado nitong si Python," sagot ni Lino na dahilan para matahimik at mainis si Rafael sa pagiging mapagmataas ni Lino.
"Mabuti pa't bumaba na po tayo dahil mukhang naihanda na po ni lola ang pagkain," yaya ni Python na kaparehas ni Eeya ay ramdam na rin ang tensyon mula sa kanilang mga tatay.
"Mabuti pa nga," sagot ni Lino kaya tuluyan nang bumaba ang apat.
_________________________
Mga alas-syete na nang mapatapos silang makakain.
At dahil nga masyadong intense at parang kung saan saan na napupunta ang usapan nila Rafael at Lino ay nagyaya na agad na umuwi si Eeya nang matapos silang makakain.
Nang tuluyan nang makaalis ang mag-ama ay laking gulat na lamang ni Python nang magmessage agad sa kaniya si Eeya sa Google Mail na siyang ipinagtaka niya dahil ni hindi niya nga nabanggit rito ang email address niya.
From: seeya@gmail.com
To: python87miguel@gmail.com
Huwag mo nang tanungin kung paano ko nakuha ang ang sss account mo dahil masyadong kumplikado para ipaliwanag.
Kung gusto mong mas gumana yang satellite phone mo ay magkita tayo bukas ng 5:00 pm SHARP sa Cielo Lighthouse. Alam kong hindi mo alam kung saan yon kaya naman may inattach na akong map app. Click mo nalang ito then download it. (Don't worry it is safe, as in walang virus)
Thank me later okay?
Ps. May kapalit lahat ng ito no!