~Hunyo 14, 1890~
-Pilipinas-
“Buenos días papá. (Magandang Umaga ama)”
Ngayon ay kasalukuyang nag-uumpisa nang kumakain ang ama ni Felimona na si Don Valentino De Ayala at ang nakatatandang kapatid nito na si Senyor Santiago De Ayala.
Ngunit sa kabila ng mga ngiti at bati ni Felimona sa kaniyang ama ay nakatanggap lamang ito ng isang napakalamig na tingin mula sa Don dahilan para mapabuntong hininga na lamang si Felimona at nagpasya na lamang ngang maupo sa upuan na katapat ng kaniyang kuya Santiago.
“Buenos dias kuya Santiago, (Magandang Kuya Santiago)” bati nga ngayon ni Felimona sa kaniyang kapatid nang abutan siya nito ng kanin.
Nakangiting tinanguan ni Santiago si Felimona bilang tugon sa pagbati nito.
“Llegas tarde de nuevo Felimona para cenar, (Huli ka na naman sa hapagkainan Felimona)” saad ngayon ng Don Valentino habang abala sa pag-inom ng kaniyang kape. “Kailan ka ba matututong aralin ang salitang disiplina Felimona?”
At dahilan nga ang sarkastikong tanong na iyon ng Don para unti-unting mawala ang ngiti ni Felimona sa labi at siya ngang unti-unting ibinaling ang tingin sa kaniyang ama na kasalukuyang nakatuon ang atensyon sa kaniya.
“P—patawad po ama, napuyat ho kasi ako kagabi kaya—“
“Iyan na lamang ba lagi ang idadahilan mo sa akin? Talagang kahit ipadala kita sa Maynila upang makapag-aral ng pagmamadre roon ay hindi ka pa rin talaga natututong disiplinahin ang sarili mo at gawin ang mga ipinag-uutos ko sa iyo. Sa tingin mo ba talaga Felimona ay hindi ko malalaman ang ginawa mong paglayas sa kumbento?” putol nga ng Don Valentino sa pagpapaliwanag ni Felimona dahilan para matigilan si Felimona at mapaiwas ng tingin sa kaniyang ama.
“Ama, ginawa ko lamang iyon dahil ayaw kong magmadre,” sagot nga ngayon ni Felimona na siyang dahilan para tignan siya at pandilatan ni Santiago. “Gusto ko hong mag-doktor ama at alam kong alam niyo iyon ngunit patuloy niyong ipinagsisiksikan sa akin na—“
“Felimona,” putol sa kaniya ni Santiago ngunit hindi nga lang niya ito tinignan at nanatiling diretso ang tingin niya sa kanilang ama.
“Doktor? ¿En serio? (Seryoso ka ba?) Sa tingin mo ba ay papayagan kitang gawin yaon? Alam mong tanging lalaki lamang ang maaaring mag-doktor Felimona!”
At dahilan nga ang pagsigaw ng Don para maski nga ang mga katulong nila ay mapukaw na rin ang atensyon sa kanila.
“Ama, kaya ko rin namang mag-aral ng pagmemedisina ha? Bakit ba tanging lalaki lamang ang maaaring mag-doktor?” sunod-sunod ngang sambit ngayon ni Felimona na siyang dahilan para tumayo na nga ngayon ang Don mula sa pagkakaupo na siyang dahilan para agad din ngang mapatayo ngayon si Santiago at hinahanda na nga ang sariling pigilan ang ano mang pwedeng gawin ng kaniyang ama kay Felimona.
“Dahil yaon ang nararapat Felimona! Ang pag-aaral ng mga bagay na iyan ay tanging para sa lalaki lamang at kayong mga babae—tanging dalawang bagay lamang ang pagpipilian niyong kinabukasan. Ang pagsisilbi sa simbahan o ang pagsisilbi sa inyong mga asawa na kailanman ay hindi nagawa ng inyong ina!”
At dahilan nga ang pagsigaw ng Don upang agad na pumagitan si Santiago sa pagitan ng kaniyang ama at ni Felimona.
“Ama tama na, hindi ata tama na pag-usapan natin ang mga bagay na iyan dito sa hapagkainan,” pigil ni Santiago.
“Ama, minahal kayo ng ina ngunit iyang sarado niyong pag-iisip ang siyang nagtulak sa kaniya palayo sa pamilya natin,” sagot ni Felimona na siyang dahilan para akmang lalapitan na nga ng Don ang dalaga upang sampalin ngunit dahil nga kay Santiago ay agad din ngang napigilan ito.
“¡Usted es grosero! (Bastos ka!)” Hindi nga makapaniwalang bulalas ngayon ng Don Valentino na siyang kasalukuyang hawak-hawak ni Santiago upang mapigilan ito sa paglapit kay Felimona. “Wala kang utang na loob Felimona!”
“Ama, nagsasabi lamang ho ako ng totoo—“
“Kung ayaw mong mag-madre ay sige pagbibigyan kita,” putol muli ng Don kay Felimona na dahilan upang kapwa silang matigilan ni Santiago at nakakunot nga ngayong tinignan ang kanilang ama. “Ngunit tulad ng sabi ko kanina ay dalawa lamang ang maaaring lugaran ng isang babaeng katulad mo, ang mag-madre ka o—ang mag-asawa ka.”
At dahilan nga ang sinabing iyon ng Don para tuluyang mapatayo si Felimona mula sa pagkakaupo at halos hindi nga makapaniwalang tinignan ngayon ang kaniyang ama.
“A—ama anong ibig mong sabihin?”
“Ang sabi mo ayaw mong mag-madre hindi ba? Pagbibigyan kita. Ngunit ipapakasal nalang kita nang matuto kang rumespeto at disiplinahin ang sarili mo,” sagot nga ng Don na siyang dahilan para mapailing ng ilang beses si Felimona.
“Ama, hindi mo gagawin iyon,” saad ngayon ni Felimona na siya ngang diretsong nakatingin ngayon sa mga mata ng Don Valentino.
“Bakit hindi? Ubos na ang pasensya ko sa iyo Felimona! Siguro naman ngayon ay hindi ka na makakatakas at tuluyan ka ng matututo sa oras na maipakasal kita,” diretsahan ngang saad ng Don.
“Ama, hindi ba parang masyado pang maaga para kay Felimona ang bagay na iyan? Labing pitong taong gulang pa lamang ang kapatid ko ama,” singit nga ngayon ni Santiago sa usapan ng dalawa ngunit walang pasubaling umiling ang Don bilang tutol sa suhesyon niya.
“Isagani,” tawag nga ngayon ng Don sa gwardiyang malapit sa hapagkainan nila na siyang dali-daili rin namang nilapitan ang Don. “Ipahanda mo na sa kutsero ang kalesa at pupuntahan natin ang Don Federico Salazar matapos kong mag-ayos saglit sa itaas.”
At dahilan nga ang sinambit ng Don para agad-agad ngang manlaki ang mata ni Felimona sa gulat at panlulumo dahil mukhang seryoso nga ang kanilang ama na ipapakasal siya sa isang estrangherong binata.
“Ama, hindi mo kailangang gawin ito. Babalik na lamang ako sa kumbento kaysa sa ipakasal mo ako sa isang estrangherong lalaki na ngayon ko lamang makikilala,” pagmamakaawa nga ni Felimona na kasalukuyang hawak na ngayon ang kanang kamay ng Don.
“Felimona, hinding-hindi ka matututo kung hindi ko ito gagawin,” sagot ng Don. “At sino ba nagsabi sa iyong sa isang estranghero kita ipapakasal mahal kong anak?”
At dahilan nga ang sinabi nito upang mapakunot ng noo ang dalaga.
“Ama, kanino mo ipapakasal ang kapatid ko?” tanong nga ngayon ni Santiago na bago pa man nga sagutin ng Don ay inalis nga muna niya ang nakahawak na kamay ni Felimona sa kanang kamay niya.
“Sa kaisa-isang anak ng Don Federico Salazar,” sagot ng Don na siyang dahilan para mas manghina ngayon ang tuhod ni Felimona dahil sa gulat.
“K—kay Senyor Fidel Salazar niyo ako ipapakasal ama?” unti-unti ngang panganglaro ni Felimona na siya rin namang tinanguhan ng Don. “Ama, binabawi ko na ho lahat ng sinabi ko, parang awa niyo na ho ama ibalik niyo nalang ako sa kumbento at magmamadre na lamang ako kaysa sa pakasalan ko ang lalaking iyon.”
“Buo na ang desisyon ko Felimona. At alam kong kapwa niyo alam na wala na kayong magagawa para tutulan o pigilan ito,” saad nga ng Don na siya ngang tuluyan nang naglakad paalis na akmang pipigilan pa sana ni Felimona ngunit agad nang nahawakan ni Santiago ang pulso nito upang siya ay mapigilan.
“Felimona, huwag mo nang subukan pang tutulan ang ama dahil baka mas lumala lang ang sitwasyon,” saad nga ni Santiago dahilan upang mapabuntong hininga si Felimona at tuluyan na mapapikit saglit dahil sa inis.
“Kuya Santiago ayaw kong magpakasal. Ayaw kong magkaroon ng asawa, ayaw kong magkaroon ng isang taong magpapasya ng gagawin ko sa araw-araw,” sunod-sunod ngang saad ngayon ni Felimona na siyang dahilan upang mapasinghap ngayon si Santiago.
“Ang sabihin mo ay ayaw mong mangyari sa iyo ang naging kinahihinatnan ng relasyon ng ama at ina,” saad ni Santiago na siyang dahilan para unti-unti ngang mapatango ngayon si Felimona na siyang dahilan para hawakan ngayon ni Santiago ang magkabilaang pisngi nito at sunod nga itong niyakap. “Naiintindihan kita Felimona ngunit nais ko ring alalahanin mong hindi lahat ng lalaki ay katulad ng ama. Malay natin kung matino pa lang lalaki si Senyor Fidel?”
“Kuya, isang Salazar si Fidel at alam kong alam mo ang sinapit ng Donya Margaret sa kamay ni Don Federico Salazar,” pangangatwiran ni Felimona na kumawala na nga sa pagkakayakap. “At isa pa hindi lang naman yaon ang prinoproblema ko.”
“At anong bagay pa ang prinoproblema mo Felimona?” tanong ni Santiago na siyang dahilan para nga mapapikit saglit si Felimona bago pa man nga masagot ang kaniyang kuya.
“Si Fidel Salazar ay ang dating nobyo ni Dahlia,” sagot ni Felimona na siyang dahilan para mapakamot nga ngayon si Santiago sa kaniyang ibabang baba.
“Kung gayon ay nasa komplikadong sitwasyon ka nga Felimona,” saad nga ni Santiago na dahilan upang manlumong muli si Felimona na siyang napapikit na lamang nga dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon.
“Senyora Felimona, ayos ka lamang ba?”
At tila baga nga naginhawaan ngayon si Felimona nang marinig ang pagtawag sa kaniya ni Manang Corazon na siyang nagmadali nga ngayong lapitan ang kaniyang alaga.
“Manang,” tawag ni Felimona sa kaniya na siyang agad na ngang niyakap ang matanda.
“A—anong nangyari Senyor Santiago?” nagtatakang tanong ni Manang Corazon dahil hindi nito nasaksihan ang nangyari sapagkat abala ito sa kusina nang sandaling nagsisigawan ang mag-ama.
“Nagpasya ho ang ama na hindi na ituloy ang pagmamadre ni Felimona,” sagot nga ni Santiago na siyang dahilan para matuwa ang matanda ngunit nag-alangan ngang mapangiti dahil sa pagtataka kung bakit malungkot ang kaniyang alaga gayong nangyari na nga ang nais nitong mangyari na makatakas sa kumbento.
“Ngunit manang nagpasya rin naman ang ama na ipakasal si Felimona sa anak ni Don Federico Salazar,” patuloy nga ni Santiago na siyang dahilan para manlaki ang mata ng matanda dahil sa gulat na tuluyan na ngang napakawala sa pagkakayakap sa kaniyang alaga at tiyaka nga hinawakan ngayon ang magkabilaang braso nito.
“Felimona, totoo ba ang sinabi ni Santiago?” paniniguro ng matanda na tinanguan ni Felimona bilang sagot dahilan para ang matanda na nga ang siyang yumakap naman nga ngayon sa dalaga.
“Naibigay nga ang matagal kong kahilingan ngunit kapalit naman ng isang bagay na mas ayaw kong gawin,” buntong hiningang usal ni Felimona
~Hunyo 16, 1890~
-Alemanya-
Ngayon ngay sa kabila ng magulong kwarto ni Fidel ay abala ito sa paggawa ng proyektong halos magdamag na nga niyang ginagawa.
At dahil sa pagiging abala nito ay ni hindi na nga niya namalayan ang pagpasok ni Gisela sa kaniyang kwarto na ngayon ay ibinaba na ang dala nitong bag sa lamesa malapit sa pintuan ng kwarto ni Fidel.
At nang makita nga niyang abala ngayon si Fidel sa paglalagay ng mga materyales upang mabuo ang telepono ay hindi na nga siya nagsubok pang tawagin ito kundi ay naupo na lamang siya sa upuan malapit sa pinaglapagan nito ng kaniyang bag.
Ngunit natigilan ang dalaga nang may nakita siya ngayong sulat sa sahig malapit sa pintuan na siyang agad din naman nga niyang pinulot upang matignan kung para kanino ito.
“Fidel, es sieht so aus, als hätte dein Freund einen Brief auf die Philippinen geschickt, (Fidel, mukhang nagpadala ng sulat ang iyong kaibigan mula sa Pilipinas)” saad nga ni Gisela na siyang hawak-hawak ang sulat at naglalakad palapit kay Fidel.
“Kannst du das einfach für mich lesen, Gisela? (Maaari mo bang basahin na lamang ito para sa akin Gisela?)” tanong nga ni Fidel na siyang hindi man lang nga iniaalis ang atensyon sa teleponong ginagawa niya.
“Sicher, (Sure)” tugon ng dalaga na siya ngang kumuha ng maliit na kutsilyo upang mabuksan ang sobre. “Aber erwarte, dass ich eine Stunde brauche, um es zu lesen. (Ngunit asahan mo na—na aabutin ako ng isang oras para basahin ito)”
Nagpasya nga ang dalaga na ibigay na ang sulat kay Fidel dahil naramdaman na nitong nakasulat sa lengwahe nila Fidel ang laman ng sulat batay na lamang sa unang linya sa sulat.
“Sie lesen das, weil ich das Gefühl habe, dass es wichtig erscheint, (Basahin mo na dahil nararamdaman kong mukhang mukhang mahalaga ito)” saad ni Gisela na dahilan upang mapasinghap nga si Fidel at nagpasyang bitawan na nga ang hawak nitong screwdriver.
At nang buklatin nga ni Fidel ang sulat at tuluyang basahin ito ay unti-unting nanlaki ngayon ang mga mata niya dahil sa gulat dahilan para mapakunot ng noo si Gisela dahil sa pagtataka kung anong laman ng sulat.
“Was hat dein Freund Fidel gesagt? (Anong sabi ng iyong kaibigan Fidel?)” tanong nga ni Gisela na dahilan para unti-unti ngang ibaling ni Fidel ang atensyon niya rito.
“Mein Vater schickt mich nach Hause in unsere Stadt, (Pinapauwi na ako ng aking ama sa aming bayan)” unti-unting sagot ni Fidel. “Und wenn ich diesmal nicht wieder nach Hause gehe, wird er selbst nach Cavite oder in die Stadt auf den Philippinen gehen, von der er weiß, wo ich bin. (At kung hindi raw ako ulit uuwi sa pagkakataon na ito—ay siya na mismo ang pupunta sa Cavite o ang bayan sa Pilipinas na siyang alam niyang kinaroroonan ko)”
“Was? P—pwie bist du auf dem Gebiet der Physik gelandet? (Ano? P—papaano na ang pagtatapos mo ng kursong pisik?)” gulat ngang tanong ngayon ni Gisela na siyang dahilan para mapakamot nga ngayon si Fidel ng kaniyang ulo.
“Ich weiß es auch nicht, aber er sagte hier, dass ich heiraten würde, also musste ich nach Hause gehen, um die Frau kennenzulernen, die ich besser heiraten würde, (Hindi ko rin alam, pero ang sabi sa sulat ay ikakasal daw ako kaya kailangan kong umuwi para makilala ng masinsinan ang babaeng papakasalan ko,)” saad nga ni Fidel na dahilan para matigilan ngayon si Gisela.
“Wirst Du heiraten Habe ich gedacht, du wärst von deiner Ex-Freundin getrennt? (Ikakasal ka? Akala ko ba ay hiwalay ka na sa dati mong nobya?)”
“Ich werde ihn nicht heiraten, sondern Miss Felimona, (Hindi ako sa kaniya ikakasal kundi kay Binibining Felimona De Ayala ako ikakasal)” sagot ni Fidel na siyang dahilan para mapatakip ngayon si Gisela ng kaniyang bunganga dahil sa gulat.
“Felimona? Der beste Freund deiner Ex-Freundin? (Felimona? Ang matalik na kaibigan ng iyong dating kasintahan?)” gulat na tanong ni Gisela na siyang hindi nga maiwasang mapangiti ngayon nang maalala niya ang kwento ni Fidel patungkol dito.
At tumango rin naman nga si Fidel bilang sagot sa kaniya.
“A—aber ich musste die Ehe verhindern, damit ich hierher nach Deutschland zurückkehren konnte, bevor wir überhaupt Physiker waren. (N—ngunit kailangan kong pigilan ang kasal upang makabalik ako rito sa Alemanya bago pa man ang pagtatapos natin sa kursong pisiko)
“Bist du sicher, dass du die Ehe beenden kannst? (Sigurado ka bang gusto mong pigilan ang kasal?)” makahulugang tanong ngayon ni Gisela na siyang dahilan para matigilan saglit si Fidel ngunit kalaunan ay marahang tumango bilang sagot dito.
“Ja, ich bin sicher, Gisela. Und ich bin mir ziemlich sicher, dass Felimona das auch getan hat – sie wollte auch die Ehe beenden, damit es mir nicht schwer fällt, mich mit ihr zu verschwören, um sie zu stoppen, (Oo sigurado ako Gisela. At tiyaka sigurado naman akong gayon din si Felimona—nais niya rin mapigilan ang kasal kaya hindi na ako mahihirapan na makipagsabwatan sa kaniya sa pagpigil nito)” sagot ni Fidel na ngayon ngay ibinaling na nga ang atensyon sa mga kagamitan niya sa lamesa at sinimulan na ngang itago ito sa kani-kanilang mga lalagyan.
“Ich muss die Schule beenden und ein vollwertiger Physiker werden. Und diese Hochzeit wäre nur ein Hindernis für meinen Plan und meinen Traum. (Kailangan kong matapos sa pag-aaral at maging ganap na isang pisiko. At ang kasal na iyon ay magiging hadlang lamang sa plano at pangarap ko.)”