Unang Bahagi: Kabanata 5

2017 Words
~2016~ Agarang pinatakbo ni Python ang kaniyang bisikleta nang matapos na ang kanilang klase upang puntahan nga ang parola na tinutukoy ni Eeya. Kagabi ay dinownload na rin niya agad ang application na sinend ni Eeya sa kaniya na ikinagulat nga niya dahil talaga ngang nadedetect nito kung saan siya naroon ngayon at itinuturo rin nito ang daan papunta sa Cielo Lighthouse nang walang ginagamit na wifi or data connection. At malayo palang nga ang lighthouse ay kita na niya ito dahil sa kataasan nito na kita halos sa buong San Nicolas. "Hello Python!" At kamuntikan na ngang natumba si Python nang mabilisang tumakbo palapit sa kaniya ang humanoid robot ni Eeya na si Kalala. "You are thirty minutes and twenty-two seconds late," bungad ni Eeya na kakalabas lang ng lighthouse at ngayon ay nakasuot ng pagkakapalkapal na salamin at taas kilay ngang diretsong tinignan si Python dahil sa hindi niya pagdating sa tamang oras. "S—sorry?" nag-aalangang sagot ni Python na pilit nilalayuan si Kalala dahil tila baga nacurious ito sa bisikletang dala ni Python kaya sinusubukan niya itong hablutin ngayon kay Python. "Tara na?" tanong ni Python na binitawan na nga ang bisikleta na dahilan para matumba nalang nga ito sa lupa at tiyaka nga siya nagmadaling pumasok na sa loob ng lighthouse. "Minsan pang malate ka ay hindi na talaga kita tutulungan," pagtataray ni Eeya na nakasunod ngayon kay Python paakyat sa tuktok ng lighthouse. "Thirty minutes lang naman akong late ha," sagot ni Python na ngayon ay naunahan na nga siya ni Eeya at Kalala sa pag-akyat. Dahil sa taas ng lighthouse ay ramdam na ni Python ang pagod lalo pa't buhat buhat pa niya ang sattelite receiver at iba't iba pang gamit na gagamitin nila sa gagawin nilang eksperimento ni Eeya. "Thirty minutes and twenty-two seconds late," pagbibigay diin nga ni Eeya na medyo inis pa rin kay Python. "Teka nga lang, matagal pa ba bago tayo makaakyat? Kanina pa tayo umaakyat pataas pero bakit parang hindi tayo umuusad?" sunod-sunod na tanong ni Python na ngayon ay napaupo na nga sa hagdan dahil sa pagod. "Medyo malayo pa ata," sarkastikong sagot ni Eeya sabay turo sa taas na siyang dahilan para mapatingin rito si Python at magulat kung gaano pa karaming hagdan pataas ang kanilang aakyatin para makarating sa pinakatuktok na bahagi ng lighthouse. "Wala bang elevator dito?" tanong ni Python na medyo nalula pa nga dahil sa pagtingin sa itaas pero umiling lang si Eeya bilang sagot kaya naman napasimangot nalang si Python at sabay punas ng kaniyang pawis. "Kaya tumayo ka na diyan please? Para naman maaga tayong makataas at makauwi," saad ni Eeya na tumuloy na nga sa paglalakad pataas. "Bakit ba kasi ang taas nito?" tanong muli ni Python na siyang dahilan para mapairap ng tuluyan si Eeya at tignan nga na naman si Python. "Are you freaking serious? Hindi mo alam ang history ng lighthouse na ito? Kahit kaya grade one alam kung anong history nito," pakli ni Eeya ngunit umiling nga si Python bilang sagot kaya naman napahawak nalang sa kaniyang noo si Eeya na tila ba dismayado kay Python. "Kalala, kindly search the history of Cielo Lighthouse." "Itinayo sa San Nicolas, Pangasinan ang Cielo Lighthouse noong taong 1960 ng isang hindi kilalang arkitekto bilang regalo sa kaniyang kasintahan. Sa lugar na ito namatay ang mismong kasintahan ng arkitekto nang magpahulog ito sa hindi malamang dahilan. At dahil sa insidenteng ito ay umalis ang arkitekto sa bayan ng San Nicolas at nagpakalayo-layo at tuluyan nang hindi nakita." "How tragic right?" tanong ni Eeya matapos ipaliwanag ng humanoid robot ang history patungkol sa Cielo Lighthouse na siya ngang dahilan para tumango si Python. "Pero what if siya rin pala ang pumatay sa kasintahan niya?" biglaang tanong ni Python habang sabay na silang naglalakad ngayon ni Eeya. Dahilan ang sinabi nito para mapatigil at humarap sa kaniya si Eeya. "Exactly! Iyan din tinanong ko sa teacher ko dati pero tinawanan lang nila ako. Even my dad, sabi niya bunga lang raw ito ng kakapanuod ko ng mga unsolved cases sa Youtube," sagot nga ni Eeya na napairap pa nga sa kawalan nang maalala ang pangyayaring iyon. "Nanunuod ka rin non?" tanong ni Python dahil maski siya ay nanunuod din non. At dahilan nga ito para mapangiti si Eeya dahil mukhang may mapag-uusapan na sila ngayon ni Python bukod sa barahan. At patuloy lang na nagkwentuhan ang dalawa na parehong hindi namalayan na nasa tuktok na pala sila ng Cielo Lighthouse. At manghang-mangha nga ngayon si Python dahil sa taas ng lighthouse na siyang dahilan para kitang-kita na niya halos ang buong San Nicolas at maging ang dagat na kaharap nito. "Halika na dito, at iset-up mo na 'yong satellite phone mo," utos ni Eeya na kasalukuyan ngang nagtatype ng codes sa kaniyang laptop At napansin nga ni Python ang bilis nito sa pagtatype dahilan upang mamangha siya rito. “Sigurado akong mas malinaw na ang masasagap na signal ng satellite mo dahil sa taas nitong lighthouse.” At kinabit na nga ni Python ang mga wires at ang iba pa niyang dala na kagamitan. At may kung anong device naman ang inilabas ni Eeya na siyang prinoprogram niya kanina sabay saksak nito sa telepono ni Python. "Teka, ano 'yan?" nagtatakang tanong ni Python sabay turo sa bagay na isinasaksak ni Eeya sa telepono ni Python. "This is a navigator. Idedetect natin kung saang satellite nanggagaling ang signal na nasasagap ng telepono mo. Dahil maaaring galing lang naman ito sa ibang bayan o bansa. At hindi lang location ang madedetect nito kundi maging ang time, date at iba pang data ng signal na masasagap niya," paliwanag ni Eeya na tuwang-tuwa ngayon sa nagawa niyang navigator. At tumango nga ng tuluyan si Python sa naging paliwanag ni Eeya. "By the way, sino bang kakausapin mo? Kung taga dito lang siya sa Earth ay pwede mo namang gamitin ang internet?" kunot noong tanong ni Eeya dahilan para matigilan saglit si Python sa kaniyang ginagawa. “A—ang mama ko," simpleng sagot ni Python habang inaayos na muli ang satellite phone. "And where is she exactly?" tanong muli ni Eeya. "Nasa Mars ang mama ko," sagot ni Python na dahilan para biglang natahimik at natulala si Eeya dahil sa isinagot ni Python. "Nagjojoke ka ba?" paniniguro niya na dahilan para umiling si Python bilang sagot. "My mom is an astronaut. Umalis siya dahil sa Mars Mission," sagot ni Python dahilan para mapatango nga si Eeya at abot langit nga ngayong ngumiti dahil sa pagkamangha. "Sobrang cool siguro ng mom mo ano?" natutuwa ngang tanong ni Eeya. "I don't know. Four years old palang ako noong iwanan niya kami nila papa. At ni hindi ko na nga maalala kung anong itsura niya," sagot naman ni Python. "I mean she is cool in a way na astronaut siya. Bihira lang kaya ang Filipino na astronaut," panganglaro ni Eeya pero natahimik nalang si Python dahil hindi na nga niya alam kung ano bang isasagot niya rito. "Done! Try na nating itest," pambabasag ni Eeya sa sandaling katahimikan na namayani sa kanilang dalawa ni Python. At tumango nga naman si Python kasabay ng pagbukas niya ng telepono. At natuwa nga ang dalawa dahil mukhang may nasasagap na ngang signal ang telepono. "Hello?" tawag ni Python sa telepono. "Sino ito?" At abot langit ngayon ang ngiti ng dalawa dahil sa sobrang linaw ng boses ng kabilang linya na tila ba nag-uusap sila sa tipikal na telepono. Pero saglit silang natahimik nang mapagtantong hindi boses matanda ang kanilang narinig bagkus boses bata rin lang tulad nila. “Sagutin mo,” usal ni Eeya kay Python na itinulak ang telepono dahil nagtatangkang ipasa ito ni Python sa kaniya. “This is literally not my mom,” pabulong na sagot ni Python kay Eeya dahilan para mapahawak nga si Eeya sa kaniyang noo. "Papá, ikaw ba ang aking kausap?" tanong muli ng kabilang linya na dahilan para magtinginan ang dalawa at magturuan nga kung sino ang sasagot sa tawag. ”Just freaking answer it,” inis na bulong ni Eeya na ngayon ay mukhang nafrafrustrate na sa pagpapasa ni Python sa kaniya ng telepono. "Ah, h—hello?" nauutal na sagot ni Python na ikinainis ni Eeya. "Senyorita, tawag ka ng iyong mamá." Muli nilang rinig galing sa kabilang linya at kasunod nito ang pagbaba ng ng telepono ng kabilang linya dahila upang tuluyang maputol ang tawag. "Who the hell is that?" tanong ni Python kay Eeya pero inirapan nga siya nito bago mapabuntong hininga. "Teka nga at icheck ko kung saan nanggaling ang signal," sagot ni Eeya na ngayon ay kinuha ang kaniyang laptop para makita ang nairecord ng kaniyang navigator. Pero saglit siyang natahimik na ipinagtaka ni Python dahil ngayon ngay mukhang gulat na gulat ito sa nakita niya sa laptop. "What is it? Taga saan siya?" sunod-sunod na tanong ni Python. "S—she or—he is exactly from where we are right now," sagot ni Eeya na siyang nagpagulo sa isip ni Python at dahilan pa kunin niya mula kay Eeya ang laptop. Pero hindi tulad ni Eeya ay natawa lamang ito sa kaniyang nakita. "June 28, 1950? 7:12 pm?" basa ni Python mula sa laptop na sinabayan pa niya ng tawa na dahilan para mainis sa kaniya si Eeya at hablutin ang laptop mula rito. "Baka naman nagkalokoloko lang 'yang device mo?" "Imposible dahil tinest ko na ito ng ilang beses sa kahit anong telepono at accurate lang mga readings na lumalabas. Ngayon lang nangyari ito," paliwanag ni Eeya. "Naniniwala ka talaga na galing sa 1950 ang tawag? Are you kidding me Eeya?" sarkastikong tanong ni Python na halatadong hindi makapaniwala sa nadetect ng navigator ni Eeya. "Why not? I mean this could be possible if we can prove it. And this can be a proof," saad ni Eeya sabay pakita ng laptop niya. "Stop it Eeya. Mabuti pa at umuwi na tayo dahil gabi na rin naman," saad ni Python na sinimulan nang mag-aayos ng kaniyang mga gamit pero si Eeya ay nanatiling tulala at tila malalim pa rin ang iniisip. "Paano kung galing talaga siya sa 1950? Kita mo naman hindi ba?” “Kita ang alin?” kunot noong tanong ni Python. “Na parang sinauna 'yong accent niya and the way she or he pronounced the word papa was totally different. Iyong tipong parang sa 1950 talaga siya nanggaling," paliwanag ni Eeya. "Nandito tayo para kausapin ang mama ko. Hindi para gumawa ng kung ano anong experimento na malabo namang maging totoo. Baka talaga sira lang iyang device mo Eeya," sagot ni Python dahilan para mapailing si Eeya bilang hindi pagsang-ayon dito. "Pero—" At ni hindi na nga natuloy pa ni Eeya ang sasabihin niya nang biglang tumunog muli ang telepono. "Ginoo?" tanong ng nasa kabilang linya na dahilan para agarang kunin ni Eeya ang telepono na ngayon ay hawak ni Python. "Hello? Kung sino ka man ay magpakilala ka!" bulalas ni Eeya na ikinagulat ni Python. "Teka, sino ho itong kausap ko?" tanong ng kabilang linya dahilan para maubos ang pasensya ni Eeya na nag-aasam ngang mapatunayan kay Python na may posibilidad ang mga pinagsasabi niyang galing nga sa taong 1950 ang tawag. "Sabing magpakilala ka!" sigaw muli ni Eeya na dahilan para hablutin na ni Python ang telepono mula sa kaniya. "P—pasensya na binibini. Ako si Amalia Elizabeth de Ayala. Nais ko sanang makausap ang aking ama na si Don Carlos de Ayala," sagot ng kabilang linya na medyo nagtataka na nga sa inaasal ng kausap niya. "O—okay Amalia,” buntong hiningang saad ni Python. “A—anong araw na ngayon?" "P—po?" nagtataka naman na tanong ng kabilang linya. At ni hindi na nakatiis pa si Eeya at hinablot na muli ang telepono mula kay Python. "Sagutin mo nalang ang tanong namin Amalia. Anong araw na ngayon?!" "N—ngayon po ay ika-28 ng Hunyo taong 1950," sagot ni Amalia na dahilan para kapwa matigilan at magtinginan ang dalawa na parehong gulat na gulat sa kanilang narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD