~Hunyo 17, 1890~
Pilipinas
“Felimona, mabuti at dinalaw mo ako,” bungad nga ngayon ni Senyorita Dahlia Tuason na siya ngang agad na niyakap si Felimona pagkapasok na pagkapasok pa lamang nito sa kaniyang kwarto.
“Kamusta ka na Dahlia?” tanong ni Felimona na siyang kumawala na sa pagkakayakap sa kaniya ni Dahlia.
“Heto, laging ninanais ng aking puso na makalabas dito sa aking kwarto at muling masilayan ang kagandahan ng buong San Nicolas,” sagot ni Dahlia habang unti-unting naglakad papunta sa kaniyang bintana kung saan kita nga ang dagat ng San Nicolas na siyang malapit lamang sa kanilang bahay.
Pansin nga ngayon ni Felimona ang kalungkutan ng kaniyang kaibigan na halos isang taon nang hindi nakakalabas ng kanilang bahay dahil sa naging sakit nito sa puso na siyang nagiging dahilan ng mabilis niyang pagkapagod.
Mas lalong lumala nga ang sakit nito noong siya ay nasa labing siyam na taong gulang kung kailan nagpasya na nga ang Don Enrico at Donya Selveste Tuason na hindi na siya payagan sa paglabas at dapat ay manatili na lamang nga ito sa kanilang bahay upang magpahinga.
“D—dahlia,” tawag nga ngayon ni Felimona sa dalaga na siyang ngang agad din namang nilingon si Felimona na siyang kasalukuyan na ngang nakaupo sa kaniyang kama. “M—may nais sana akong sabihin sa iyo.”
At dahilan nga ito upang matigilan at marahang maglakad si Dahlia paupo sa tabi ni Felimona.
“Ano itong bagay na nais mong sabihin sa akin Felimona?” tanong nga ngayon ni Dahlia na siya ngang kunot noong nakatingin sa kaniyang kaibigan.
“Bago ko pa man sabihin sa iyo ang lahat-lahat ay nais ko sanang ipangako mo sa akin na huwag ka munang magagalit agad-agad at hihintayin mo muna na masabi kong buo ito,” sagot ni Felimona na hawak na nga ngayon ang magkabilaang kamay ng kaniyang matalik na kaibigan na siyang dahilan para mas lalong mapakunot ng noo si Dahlia. “Dahlia, ipangako mo sa akin.”
At kalaunan ngay napasinghap na lamang nga si Dahlia na siyang unti-unting tinanguan ang kaniyang kaibigan.
Bago pa man nga sabihin ni Felimona ang nais niyang sabihin ay mas hinigpitan pa nga niya ngayon ang pagkakahawak sa kamay ni Dahlia na siyang mas lalong ipinagtaka ng dalaga.
“Hindi na ako papasok sa kumbento,” saad nga ngayon ni Felimona na siyang dahilan para unti-unti ngang mapangiti si Dahlia.
“Pinayagan ka na ng Don Valentino?” nakangiting tanong ni Dahlia rito dahilan upang mapatango si Felimona ngunit unti-unti ngang napawi ang ngiti ni Dahlia at muli ngang ikunot ang kaniyang noo. “N—ngunit bakit parang hindi ka masaya at takot na takot kang sabihin ito sa akin? B—bakit parang inasahan mo na magagalit ako patungkol dito? Felimona, masaya ako para sa iyo at wala akong dapat ikagalit dito sapagkat masaya ako na natupad na ang kahilingan mo na hindi pumasok sa kumbento.”
Ngunit ngayon ngay napaiwas ng tingin si Felimona kay Dahlia bago pa man nga niya sabihin ang pinaka pakay niyang sabihin dito.
“Ngunit hindi pa rin ako pinayagan ng ama na mag-medisina,” saad ngayon ni Felimona na siyang dahilan upang kumunot muli ang noo ni Dahlia dahil sa pagtataka.
“Bagkus ay binigyan na naman niya ako ng panibagong problema,” patuloy ni Felimona na siyang dahilan para mapawi ang ngiti ni Dahlia at maguluhan nga sa sinabi ng kaniyang kaibigan. “D—dahlia, ipapakasal na ako ng ama.”
At dahilan nga ang sinabing iyon ni Felimona para manlumo ngayon si Dahlia na siyang tila ba nararamdaman kung gaano magiging isang malaking problema yaon sa kaniyang kaibigan. Dahil mula pagkabata ay lagi nang sinasabi nito na ayaw niyang mag-asawa.
Ngunit nanatili pa rin ang pagtataka nito sa mukha nang maisip ngang muli ang paunang sinabi ni Felimona.
“T—teka, hindi ko pa rin maintindihan Felimona kung bakit inuna mo kaninang sabihin na huwag akong magalit? Gayong hindi naman ako nagagalit bagkus ay nalulungkot ako sa magiging kalagayan mo ngayon dahil ipagpipilitan sa iyong ipagawa ang bagay na kailanman ay hindi mo naman ninais na gawin,” saad nga ngayon ni Dahlia na siyang dahilan para mapabuntong hininga at mapapikit ngayon si Felimona.
“Dahil ang taong nakatakdang ikakasal sa akin—ay si Senyor Fidel Salazar.”
At nang unti-unting iminulat nga ngayon ni Felimona ang kaniyang mga mata ay tumambad nga sa kaniya ang gulat na gulat na mukha ni Dahlia na siya ngang tulala ngayon at hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
“D—dahlia, wala akong intensyon na siya ang pakasalan ko bagkus ang aking ama ang siyang nagtakda nito. At mukhang nakausap na nga niya ang Don Federico patungkol dito,” saad nga ngayon ni Felimona na siya ngang dahilan para mapasinghap ngayon si Dahlia at siya ngang hinawakan si Felimona sa magkabilaang kamay nito.
“Ngunit nais mo bang ipakasal sa kaniya Felimona?” Diretsahang katanungan ngayon ni Dahlia sa kaniyang kaibigan habang walang kurap na nakatingin ito sa kaniya.
Agarang umiling si Felimona bilang tugon kay Dahlia.
“Dahlia, alam mo kung gaano ko kaayaw ang maging isang esposa (asawa) sa isang lalaki na kailanman ay hindi ko pa naman nakikilala. At lalong-lalo naman kay Senyor Fidel na siyang alam kong nakarelasyon mo noon,” paliwanag ni Felimona na siyang dahilan upang mawala ang tensyon sa mga mata ni Dahlia.
“At tiyaka alam ko naman Dahlia na may gusto ka pa rin sa Senyor Fidel kaya hindi ko gugustuhin na masaktan ka sa sandaling maipakasal ako sa kaniya.”
At dahilan nga ang mga sinabi ni Felimona upang unti-unting mapangiti nga ngayon si Dahlia at yakapin si Felimona.
“Tunay ka nga talagang kaibigan Felimona,” saad nga ni Dahlia na siyang unti-unti na ngang kumawala sa pagkakayakap.
“Kung ayaw nating pareho na ikasal ka kay Fidel ay narapat lamang na gumawa tayo ng paraan upang hindi matuloy ang kasal ninyo Felimona,” saad nga ngayon ni Dahlia na siyang dahilan upang matuon ngayon ang buong atensyon ni Felimona sa kaniya.
“A—anong naiisip mong paraan Dahlia?”
“Matalik na magkaibigan ang iyong ama at ang Don Federico kaya ang unang pumasok sa isip ng Don Valentino na lalaking ipakasal sa iyo ay ang anak nito para mangyaring mas mapatibay pa ang samahan ng dalawa sa negosyo,” saad nga ngayon ni Dahlia na siyang dahilan din naman upang mapatango si Felimona bilang pagsang-ayon. “At kung negosyo ang dahilan ay maaaring yaon din ang susi upang matigilan natin ang kasal.”
At dahilan nga ito upang mapakunot ang noo ni Felimona at magtaka nga sa nais na ipahiwatig ni Dahlia.
“Sisirain natin ang relasyon ng iyong ama at ng Don Federico para tuluyang baguhin ang isipan ng iyong ama at mangyaring matigilan ang kasal ninyo ni Fidel,” sagot nga ngayon ni Dahlia na siyang nagpatigil kay Felimona.
“A—at upang mangyari yaon ay kailangan muna nating humanap ng butas sa relasyon ng ama at ng Don Federico,” marahang patuloy nga ni Felimona sa naging sagot ni Dahlia.
Kapwa nga sila napangiti ngayon nang mapagkonekonekta ang mga plano nila. At pareho nga silang positibo at umaasa ngayon na gagana ang planong yaon.
“At madali lamang nating magagawa iyon sapagkat ang aking ama ay kasosyo rin nila. Kaya isang pasok lamang sa opisina ng aking ama na siyang lagi rin naman wala rito sa bahay ay siguradong makakahanap tayo ng impormasyon patungkol sa butas na yaon,” saad ngayon ni Dahlia dahilan upang mapatango si Felimona at mapangiti nga ngayon ng pagkalaki-laki.
“Perfecta,” sambitla ni Felimona.