~1950~ "Manang, nasaan ang papá?" bungad ni Armando nang makauwi siya galling sa pabrika ni Caloy. Kasama niya ngayon sina Eeya, Amalia at Python na pumunta sa kanilang bahay. Ngunit ang tatlo ay kasalukuyang nasa labas ng kanilang bahay at inaantay ang kaniyang paglabas mula rito. "Ay hindi pa po siya nakakauwi Señor, marahil ay nasa pagamutan pa po ang inyong ama. Hindi po ba kayo nagpunta roon bago man lang kayo pumarito?" sagot at tanong ni Manang Bet na siyang isa sa mga kasambahay ng mansyon ng mga Tuason at siya na ring nag-alaga kay Armando noong maliit pa ito. "Ano bang kailanga—“ "S—sige po manang, puntahan ko na lamang po siya sa pagamutan. Salamat ho," nagmamadaling sambit ni Armando na tumakbo palabas ng kanilang mansyon. "Anong problema ng batang iyon at tila nagmamad