~Hunyo 22, 1890~ Batangas “Paalam na Senyora Felimona,” ani ni Rafael habang narito na nga sila ngayon sa dalampasigan kung saan nila ihahatid sina Delfin, Fidel, at Felimona patungo sa bangkang sinakyan nila papunta sa islang ito. “At sa abot ng aking makakaya ay susubukan kong makatulong sa problemang iyong inihayag sa akin. Kung makakabalik nga ako ng maaga rito sa Batangas sa makalawa ay sinisuguro kong magtutungo ako sa inyo at ibabalita ang sasabihin ng aking abuelo patungkol dito.” At dahilan nga ang sinabi ng binata upang unti-unti ngang mapangiti si Felimona at hindi nga napagilan ang sariling yakapin ang binata na siya rin naman ngang tinanggap ang yakap. “Maraming Salamat Senyor Rafael.” “Tiyaka ka na lamang magpasalamat Senyora kung mangyaring matulungan na kita,” tugon ni