~Hulyo 16, 1890~ “Kung gayon ay matanda na talaga ako sa panahon ninyo? Masyado ba talaga akong masungit? Paano naman nangyari iyon?” sunod-sunod na tanong ni Fidel ngayon sa dalawang bata. “Nakakatakot nga po kayo dahil nong una po tayong nagkita ay talaga pong pinalayas niyo pa kami ni Python at hindi lang ‘yon dahil muntikan niyo na rin po kaya kaming paluin,” paliwanag ni Eeya dahilan para mapakunot ang noo ni Fidel. “Kung sakali ngang makita kita sa taon na iyon ay hindi na kita susungitan sapagkat nasabi mo na sa akin ngayon na ganoon nga ang mangyayari kaya iiwasan na nating mangyari iyan,” pabiro ngang saad ni Fidel. Bago pa man makapagsalitang muli si Eeya ay napukaw ang atensyon nilang apat nang marinig na may paparating na kabayo sa parola. Dahilan ito para agad-agad na map