~Hulyo 16, 1890~ Makalipas ang apat na oras ay hindi pa rin gumagana ang improvised satellite na ginawa ni Eeya sa tulong at gabay ni Fidel. Hindi nito malaman kung saan ba nagkamali at wala pa ring nasasagap na signal ang telepono at ni wala ngang tunog ang lumalabas mula rito. “Bakit wala pa rin? Naikabit ko naman ang mga wires ng maayos ha?” kunot-noong tanong ni Eeya na ngayon ngay gulong-gulo ang buhok dahil sa halos apat na oras na iginugol nila sa pagpapagana ng telepono. “Baka may mali sa nagawa natin o baka naman imahinasyon niyo lang talaga ni Armando ang lahat,” ani Fidel na siyang napangisi pa nga ngayon dahilan para samaan siya ng tingin ng tatlo lalo na ni Felimona. “Kung gayon ay maaari ka ng umalis Senyor Fidel. Tutal mukhang may mali nga sa nagawa at wala atang gamit