Armando’s Mission to Solve the Sequence of Time ~Hunyo 19, 1950~ Ngayon ngay nakaupong lumitaw si Armando sa bakuran ng mga De Ayala at dahil nga sa ilang beses niyang paggamit ng orasan ay sanay na nga ang katawan nito at hindi na nararamdaman ang pagkahilo na siyang dulot ng pag-ikot ng mundo sa tuwing ginagamit niya ang orasan. “Ang telepono,” saad nga ngayon ni Armando sa sarili na siya ngang ibinaling ang tingin sa bintana ng kwarto ni Felimona. “Kailangan kong kunin ito at sirain bago pa man mangyaring magamit ito ng batang ako at ng batang Amalia.” At ngayon ngay dali-dali na nga itong tumayo at akmang magmamadali na nga sana sa pagpasok sa loob ng bahay ng mga De Ayala nang biglang lumabas nga ngayon mula sa bahay ang tatlong lalaki na nakasuot nga ngayon ng itim na balabal