Flashback ~Hunyo 19, 1950~ ~Amalia ~ “Pasensya na Senyorita ngunit hindi pa tayo nakakasiguro sa iyong mga sinasabi na siyang posibilidad na nangyari sa iyong papá kaya at mahirap na kung pati kabilang probinsya ay ipapahanap natin siya dahil siguradong magiging malaking antala ito para sa kanila. At isa pa ang mga hinihingi niyong impormasyon sa amin ay kailanman ay hindi namin ibibigay sa inyo sapagkat masyado pa kayong bata para sa mga bagay na ito at mananatiling sa pulisya lamang ang mga impormasyong ito.” Ilang lingo nang nawawala ang aking papa at magpahanggang ngayon ngay tila ayaw pa rin akong paniwalaan ni Hepe Cruz na may posibilidad ngang nawawala ang aking papá. “Pero hepe Cruz paano nga kung tama akong may nangyari na ngang masama sa aking papá? Kailangan din namin ng