“Eeya,” tawag nga ngayon ni Armando kay Eeya na kasalukuyan ngayong nakasakay sa likuran niya. “Nais mo pa rin bang malaman kung anong natuklasan ko noong pumunta tayo sa taon kung saan naroon ang batang Python at Amalia?” At hindi nga umimik si Eeya na tila ba nga nagmumukhang walang kausap ngayon si Armando. “Eeya,” tawag ngang muli nito na dahilan para tuluyan na ngang mapahinga ng malalim si Eeya tumingin nga ngayon sa kalangitan habang dala-dala nga ngayon ang pagtataka at halo-halong emosyon kung bakit nanumbalik ang pilay niyang halos tatlong taon na ngang naghilom. “Akala ko ba ay wala kang nililihim na kahit anong bagay sa akin? Ano ‘to nakonsensya ka sa kalagayan ko kaya sasabihin mo sa akin ngayon?” sunod-sunod ngang sarkastikong tanong ni Eeya na ngayon ngay ipinikit ang