~Hunyo 3, 1893~ “Nailigtas nga si Miguelito ngunit sina Armando at Eeya naman nga ngayon ang nawawala,” saad nga ngayon ni Felimona na kasalukuyan nga ngayong nasa itaas ng sasakyan. Ngayon ngay halos magdidilim na ang paligid at malapit na sumapit ang gabi. At sina Miguelito at Hepe Cruz naman nga ngayon ay parehong naidlip sa loob ng sasakyan. “Huwag kang mag-alala,gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang mahanap natin silang apat,” saad nga ngayon ni Fidel na hindi lamang man nga napansin ni Felimona paakyat na nga ito sa itaas ng sasakyan at papunta sa tabi niya. “Maaari ba akong umupo sa iyong tabi Binibining Felimona?” At unti-unti ngang tumango ang dalaga bilang sagot sa katanungan nito na dahilan para mapangiti ng pagkalaki-laki ngayon si Fidel at tuluyan na ngang umupo s