~Pebrero 24, 1880~ “E---eya?” tawag nga ngayon ni Armando kay Eeya na ngayon ngay unti-unti nang nagkakamalay. “Anong nangyari? Nasaan tayo?” sunod-sunod ngang tanong ngayon ni Eeya ngunit natigilan nga siya nang tila ba ibinaba ni Armando ang tingin niya sa lupa. “Armando?” “Eeya, naaalala ko na ang lahat-lahat nang nangyari noong gabing pumunta tayo sa bahay ng mga De Ayala at sinubukan ngang pigilan ang paggamit niya sa pangalawang orasan,” unti-unti ngang sagot ni Armando ngayon dahilan para mapahinga ngayon ng malalim si Eeya at diretsong tinignan si Armando sa mata. “Kung gayon ay naaalala mo rin ba kung saan pinunta ng Don Valentino sina Python at Amalia?” tanong nga ngayon ni Eeya sa kaniya dahilan para unti-unti ngang tumango ito ngayon na dahilan para agad ngang mapangiti