Flashback ~July 5, 2016~ “Hoy, Python, bakit ba ayaw mong pumayag? Malaking opportunity itong sasayangin mo Python," reklamo ni Eeya na dahilan para mapabuntong hininga si Python dahil sa kakulitan ni Eeya. "Akala ko ba ay itututor mo ako sa English?" sarkastikong tanong ni Python para tumigil na si Eeya. "Pero kasi—," patuloy ni Eeya pero sinubuan siya ni Python ng pandesal sa bunganga para hindi na siya tuluyang dumaldal pa. At agaran namang ibinuga ito ni Eeya na ngayon ay inis na inis na kay Python pero pinipigilan niyang magalit dahil may kailangan siya rito. "Ang boring ng english, araling panlipunan nalang pala ituturo ko," saad ni Eeya na siyang dahilan para mapakamot ng tuluyan sa ulo si Python. "Edi, mas boring naman ang history," tutol ni Python na dahilan para mapai