~Hulyo 4, 1950~ “Helda, anak? Ayos ka lamang ba?” sunod-sunod nga ngayong tanong ng babae na dahilan para mabaling sa kaniya ang atensyon ngayon ni Eeya. “S---sino ho kayo?” unti-unti ngang tanong ngayon ni Eeya na siyang dahilan para unti-unting matigilan ang babae ngunit kalaunan ngay napangiti ito at nilapitan muli si Eeya sabay na hinawakan ang magkabilaang pisngi nito. “Anak, may sakit ka ba? Oh, sadyang binibiro mo lamang ako ha,” sagot nga ngayon ng babae dahilan para mapakunot ang noo ni Eeya at tinignan ngang muli kung saan naroon ang Don Carlos kanina at mas mapakunot pa nga ang noo niya nang mapagtantong wala na ang Don. “D---don Carlos? Teka, huwag niyong sabing iiwanan niyo ako rito?” sunod-sunod nga ngayong sambit ni Eeya na siyang dahilan para mapakunot ang noo ng b