Nilihis ko ang kurtinang puti na tumatakip sa malawak na dingding ng aming kuwarto. Dahil kristal ito, pumasok agad ang init na nagmumula sa labas. Binuksan ko rin ang pintuan papunta sa veranda at lumabas. Kaaya aya ang kislap ng dagat. Nakakagaan sa loob ang hangin mula doon ,lalo na sa katulad ko na buntis. Napangiti ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Manuel hug me tight and kiss my hair. "Anong gusto mong break fast?" he asked. Kahapon, nagpacheck up kami. Nalaman namin yung mga pagkain na mas mainam sa buntis at mga bawal. Kakaiba sa pakiramdam, yung kasama mo ang taong mahal mo sa buhay at magkasama kayong dalawa araw araw. Ayoko nang malayo ulit kay Manuel. Hindi ko na nakikita yung sarili kong nawawalay sa kanya. "Gusto ko nang gulay na lomi. Yung may karne