Tuwing umaga nararamdaman ko ang kalungkutan sa mansyon na ito. Madalang kong makita si Don Juanito. Iniiwasan ko rin magkrus ang landas namin ni Ezekiel. Pero ngayon mukhang hindi ko sila maiiwasan. Nanatili akong tahimik at hindi umimik. Parang wala akong karapatan magsalita. Parang hindi ko dapat iparamdam ang presensya ko sa mansyon na ito. I am the reason why Donya Patricia died. Nasa harapan ko siya mismo nang patayin siya at wala akong nagawa. Hanggang ngayon inuusig ako ng konsensya ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak habang katawagan ko si Manuel sa cellphone, 'ramdam ko rin ang paghihirap sa boses ni Manuel. "Kung puwede lang buhay niya ang ipalit ko sa buhay ni mama Aurora..kung puwede lang." Huling narinig ko na sinabi sa akin ni Manuel. Nakatulogan ko na ang aming pag uus