"Babalik ako kaagad kapag natapos ang trabaho ko doon." Mabining hinaplos nito ang aking pisngi. "Ang mayordoma ang bahala at mag aalaga saiyo. Tatawag ako araw araw." Tumango ako at binaon ang mukha sa kanyang leeg. "Mahal kita Aurora. . . " bulong nito at pinatakan ng halik ang aking buhok. Nagkaroon ng guwang ang aking dibdib. Alam kong marami siyang gagawin sa Manila at aayusin. Alam kong gumagawa siya ng hakbang para maparusahan si Chloe. Hindi niya 'yun sinasabi sa akin pero narinig ko silang nag uusap ni Don Juanito nong kailan. “Babalik ka kaagad?” Tiningala ko siya at nagkatitigan kami. Huminga siya ng malalim at ngumiti. Alam kong hindi umabot sa kanyang mga mata ang ngiting 'yun. Simula nang sinaboy sa dagat ang abo ni Donya Patricia naging tahimik ang mansyon. Gangis ng