Tinitignan ang mahimbing na natutulog na lola sa kama. Kinuha ko ang hibla ng kumot at itinakip sa katawan nito. Inabot ko ang noo at hinalikan. “Kaya natin to lola.Mag-aaral ako ng mabuti.” Pumasok ako sa kuwarto ko at tinignan ang sarili sa salamin. Gusto kong makausap si Manuel ngayon sa kubo. Kung anuman ang namamagitan sa amin hanggang doon nalang iyon. Nabahidan na ang aking inosenteng kaisipan ng dahil sa kanya. Hindi ko na hahayaang lalagpas pa doon. Hindi ko hahayaan ang sarili na umikot ang pag iisip sa ganong bagay. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman lalo na't isang halik lang nito sa akin napapabigay na ako. Si Manuel ay para kay Chloe. Si Chloe ay napakabait. Ayoko maging kontrabida sa buhay nila. Pinuyod ko ang buhok at hindi na nagbihis ng d