May mas mamalas pa ba sa akin sa mundong ito? Lumaki akong walang magulang. Tanging si lola at lolo lang ang meron ako. Ngayon, ay pareho nila akong iniwan. Inintindi ko ang pagkawala nila. Inintindi ko na siguro ngayon nasa langit na sila. Inintindi ko rin yung pag mamahal ng lola sa aking lolo. Namalisbis ang luha sa aking mata habang inaayos ang aking mga damit. Kahapon nilibing si lola. Kasabay ng kanyang pag libing ang pag desisyon ni Senyor at Senyora na akuin ako. Kung meron lang ibang makakatulong sa akin tatanggi sana ako. Sa ngayon,tanging ako na lamang ang makakatulong sa sarili ko. Nilingon ko ang aming maliit na tahanan. Nilulukot ang puso ko, sobra. Malapit lang naman ito dito. Mababalikan koto araw araw at malil