HALOS TRENTA minuto na yata ang lumipas mula ng dumating kami sa hospital kung saan naka-confine si Adrian. Hindi ko magawang pumasok dahil hindi ko alam kung sino ang ipapakita ko kay Adrian, kung si Mr. X ba o bilang si Jodan. Kung bilang si Jodan ang ipapakita ko kay Adrian baka hindi nito gustohin na makita ako at baka ipagtabuyan niya lang ako paalis. Isa pa, kasama nito si Martin. Kung si Mr. X naman ang gagamitin ko tiyak pagtitinginan ako sa loob dahil may suot akong maskara. At baka magbunga pa ng gulo sa loob ng hospital. "Boss," pukaw sa akin ni Sebastian na isa sa mga nakakaalam ng totoo kong pagkatao. Mula pa noong bata ako siya na ang kasa-kasama ko kahit saan ako magpunta. Tiningnan ko siya mula sa review mirror kung saan nakatingin din siya sa akin. "Sa tingin mo, pap