NANGHIHINANG pumasok ako sa loob ng kwarto ko at ipinahinga ang buong katawan. Ipinatong ko ang braso ko sa ibabaw ng mga mata ko at doon impit na umiyak. Kagagaling ko lang sa hospital, pero emosyonal pa rin ako. Inalala ko ang mga napag-usapan namin kanina ni Dr. Santillan. Magkasalikop ang mga kamay ko habang naghihintay ang pagdating ni Dr. Himamura. Katatapos lang kanina ng check up ko at ito ang kumuha ng naging resulta ko sa ginawang pag check-up sa akin kanina. Mabuti na lang talaga umalis si Mr. X bago ako ineksamin kanina. Umangat ng tingin ko sa bumukas na pintuan at pumasok mula roon si Dr. Santillan. "Kumusta ang pakiramdam mo, Adrian?" Tipid ko siyang nginitian. "Ayos lang ho, Doc." "Here's your result." Iniabot niya sa'kin ang result paper. Nanginginig ang mga kamay kon