"RAIJIN, about Adrian's information that you gave me yesterday. Are you sure about this?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Raijin pagkarating ko sa opisina. "Hindi pa ako nagkamali sa mga inpormasyon na nakukuha ko, Jodan." "I-I know, pero hindi lang talaga ako makapaniwala na hindi siya anak ng mag-asawang Amado at ang tungkol sa kalagayan niya." Muli kong pinasadahan ng tingin ang papel na hawak ko at doon ko muling naalala ang nakaraan. "Simula ng makaisip ako, hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng mga magulang ko. Yes, they give me everything I need. But they never hug or they never told me how much they love me," mapait na tumawa si Adrian, bakas sa mga mata nito ang hinanakit para sa mga magulang. "Noong minsang nasugatan ako, imbis na gamutin nila ang sugat ko binungangaan pa