DAHIL wala na kaming stock ng grocery sa bahay kaya sinubukan kong magpaalam kay Mr. X na pupunta kaming grocery mall kasama si Monica, sa gulat ko naman ay pumayag ito. Pero dapat kasama si Martin at ang nanny ni Monica na si Gale. Gusto ko rin kasi maipasyal si Monica dahil palagi rin sakong wala sa bahay. "Kuya, gusto ko rin po ng cereal," sabi sa kaniya ni Monica. "Okay, We will buy that too." "Hmm... Kuya, can I ask you?" Nahinto ako sa pagkuha ng mga gulay mula sa shelf at niyuko si Monica. "Ano 'yun?" "Bakit mo kailangan na may bodyguard po tayong kasama? Kilala po ba nila yung weird na guy na may suot na maskara?" Nilingon ko ang dalawang na lagi lang nakasunod sa amin kanina pa at muling ibinalik sa nakababata niyang kapatid. "Umh, just don't mind them, Monica. And 'yung we