PAGKAMULAT ko ng mga mata ay agad akong napangiwi nang maramdaman ko ang sakit sa katawan ko. Sapo ko ang aking tiyan nang marahan akong bumangon. Nagtataka pa ako kung bakit ako nasa clinic ng paaralan, muntik ko ng makalimutan ang dahilan ng pananakit ng buo kong katawan. Ngiwing sinapo ko ang noo ko na ngayon ko lang napansin na may bendang nakapalibot sa ulo ko. Biglang bumigat ang pakiramdam ko nang maalala kong si Adrian ang nagplano ng pambubugbog sa akin. Pero kahit na ganu'nn ay hindi ko makuhang magalit sa kanya dahil alam kong gumaganti lang siya-sila sa akin dahil sa mga nagawa ko sa kanila. "Don't push your self." nabaling ang tingin ko kay France na may bitbit na supot ng drugstore. "Binilhan kita ng gamot." aniya na inilapag ang supot sa lamesang nasa gilid ng kama. "Na