CHAPTER 11

1911 Words
CHAPTER ELEVEN ∞The demon Miss Professor∞   After ng ilang oras ay pinayagan na din naman akong umalis ng clinic and now I am aware na ako kung bakit marami sa classmate ko ang gusti magpadala sa clinic. Gwapo kasi ni sir.   Seven na ng gabi and done na rin ako kumain. Hinihintay ko na lang si Jana para naman makatulog na. I am not comfortable if the door wasn't lock and I don’t know why. Kakatapos ko lang din mag half bath kaya naman sumalampak na ako sa kama at binasa ang notes na binigay sakin kanina ni Jana.   It’s all about how to control the powers, how to control the gravity, and so on, pero wala akong interes dito so kaya naman sinara ko yun.   "May quiz next week sa powerology hindi ka ba magrereview?" tiningnan ko kung sino ang nagsalita at saka ako ngumiti.   "Saka na wala pa ako sa mood Jana. Anyway, saan ka galing?" Tanong ko at sumimangot naman sya kaya nacurious ako “hoy,"   "Pinagalitan kami ng Reyna dahil sa ginawa namin sayo but not totally sa amin. Kay Jared lang natuon. Pero hindi naman galit ang Reyna."   "Alam mo Jana ang gulo mo kausap. Sabi mo nagalit pero hindi nagalit ano ba talaga?"   "Haha. Inalisan ng kakayahan na magalit ang Reyna kaya naman hindi sya magagalit pero kaya naman nyang manermon at sa normal na tao at gaya natin para na rin syang galit kahit kalmado lang ang mga sinasabi nya."   "Aah…"   Nagpaalam na syang maghahalf bath kaya naman niligpit ko ang notes nya saka nahiga at natulog.   ~~*****~~   Sabay kaming lumabas ni Jana sa dorm namin and swear para kaming mangangagat dahil sa pag iwas sa amim ng mga students. Like, hello? Mukha ba kaming aso? Pero imposible eh, kahit hindi ko kasing ganda si Jana sigurado naman akong maganda ako. Halata din naman sa mukha ni Jana na naiirita na sya.   "Pakshete! Pag kayo hindi tumigil swear tatanggalin ko yang mata nyo!" Inis na sabi ni Jana.   "Oh em what a famewhore and attention seeker." napairap naman si Jana sa sinabi ni Ana.   "Excuse me? Are you talking to yourself?" Mapang asar at mataray na sabi ni Jana kaya naman napataas ang kilay ng babae. "Hindi porque nakakilay goals ka na eh maganda ka na, excuse? Compare samin wala yang panama and excuse me again we still have a class so you better get going na rin." and hinila ako ni Jana.   Nang makalayo layo kaming dalawa ay nagkatinginan kami saka kami sabay na tumawa, akalain mo yun na may makakasundo ako dito?   "Goodness," napatingin kami sa nagsalita.   "Hi Risa, Masha, Nexi and Naomi." bati ko pero nakatingin lang sila sa amin "may peoblema ba?" Tanong ko at ngumiti sila.   "Finally, dumating na rin ang taong makakasundo mo sa lahat ng bagay." sabi ni Risa at umirap lang naman sa kanya si Jana.   "Oh, come on Jana hindi mo na kailangan pang mag solo." dagdag naman ni Masha sa sinabi ni Risa.   Huh?   "Oo nga naman Jana nanjan na si Lily and I know na makakasundo mo talaga sya. Magkaiba nga lang kayo ng ugali."   "Anong gusto mo palabasin Nexi?" Mataray na tanong ni Jana.   "Hindi ko talaga alam Jana kung bakit minsan nawawala ang mga logic reasoning mo," natatawang sabi naman ni Lily at saka tumingin sakin "thank you."   "Huh? Thank you saan? Wala ako maintindihan ah," inis na sabi ko at natawa naman sila.   "Wala yun, Jana may pakner in crime ka na." at pumasok na sila sa loob ng classroom.   Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na nagsenyas ng nababaliw na ang apat kaya naman natawa na naman kami. Hindi na namin pinansin ang mga nagtitinginan sa amin dahil hindi din naman sila titigil sa kakaganyan.   Napahilamos naman ng mukha si Jana gamit ang kamay nya ng bigla na lang may nag announce sa speaker ng school at ng tingnan ko ang itsura ng mga classmate ko eh na-e-excite samantalang tong mga new friends ko eh ang aasim ng mukha.   "To all Section Legendary Class Special, please proceed to open area for your weapon confirmation. Miss Jaja will be there in five minutes, for those who will be late will have a corresponding penalty. I repeat, to all Section Legendary Class Special please proceed to open area for your weapon confirmation Miss Jaja will be there in five minutes, for those who will be late will have a corresponding penalty. Starts now."   Nakita ko namang nagkalasan ang mga classmates ko kaya naman napataas ang kilay ko at napatingin sa mga kaibihan ko.   "May problema ba?" Mahinang tanong ko.   "This is insane! Malayo ang open area and even if five minutes mo syang takbuhin hindi mo sya mararating ng ganun kabilis." nafufrustrate na sabi ni Risa.   "And for sure maraming ma-le-late. Kay ate Jaja even a second is precious as gold. Kaya kung hindi tayo iisip ng paraan swear mapaparusahan tayo!" Napaatras naman ako sa sinabi ni Gelo kaya naman nag isip kami ng paraan.   Base sa mga narinig ko eh hindi magandang malate, shet three minutes na lang pero nakatunganga pa rin kami dito.   Two minutes...   Ano bang meron kami para agad na makapunta dun? Isip Lily, isip. Matalino ka di ba? Isip!   "Ang kapangyarihan ni Nexi at Masha makakatulong iyon." dinig kong sabi ng boses na nasa isip ko.   "Guys, bakit hindi natin gamitin ang power ni Nexi at Masha?" Bahagya silang napatigil at napatingin sakin.   "Ah s**t bat di natin naisip yun!" Agad na sabi ni Kenji.   Nagugulat na lang ako sa pagbabagong ugali ni Kenji at ni Gelo nakakagulat.   "Nexi and Masha go gawa na kayo ng portal!" Utos ni Miko.   "Hindi kaya magagalit si ate Jaja nito?" Tanong naman ni Risa.   "Hindi. Wala naman syang sinabing bawal gumamit ng kapangyarihan eh and isa pa for sure na ang classmate natin na speed and teleportation na kapangyarihan ay nandun na." pagsagot naman ni Jana.   "Guys paki bilis one minutes na lang." nafufrustrate na sabi ni Naomi. "Done. Lets go." sabay na sabi ni Nexi at Masha.   Pumasok kami sa portal na ginawa ng kambal at parang nakaramdam ako ng hilo kaya naman pinikit ko ang mga mata ko at bigla na lang umingay ang paligid at ayun na nga nasa open area na kami.   "Ten... Nine... Eight... Seven... Six... Five... Four... Three... Two... One... Lahat ng nahuli at hindi nalagyan ng circle five hundred laps sa oval."   "What?"   "Bakit aangal kayo? Kasalanan nyo yan babagal bagal kayo! Ngayon na alis!"   Napatingin ako sa ibaba ng paanan ko at nakita kong isang nalaking circle ang nakapalibot sa barkada.   "Good at least twenty students lang ang matuturuan ko." sabi ni Miss Jaja.   Napatingin naman ako sa mga classmate ko at nakita ko ang takot sa mukha nila. Hindi naman nakakatakot si Miss Jaja ah?!   "Now. I will tell you na hindi ako kagaya ng ibang instructor nyo. I will be the most terror." kinilabutan ako sa boses ni Miss Jaja, nakakatakot nga "Walang exempted pagdating sakin kaya pumila na kayo. Four columns five rows. MOVE."   Parang isang rules ang sinasabi ni Miss Jaja na kailangan mong sundin kaya naman agad kaming napapila.   "Count one and two. Team one goes to right and left team two, counting start now." Agad na namang nabilang at may nagkamali "Matuto kang making. Hindi yung tutulog tulog ka. Maaga kang mamamatay sa ginagawa mo! Again, from you."   Nag matapos ang bilangan ng one and two agad naman akong pumunta sa right. Kasama ko dito sila Masha, Naomi, Risa, Nexi and Jana. May lima pa kaming kasama pero hindi ko naman sila kilala except kay Ana. Ana the bully.   Nasa kabilang grupo naman sila Miko, Kenji at Gelo. May tatlo din silang babaeng kasama kaya naman kilig na kilig ang mga to kami naman dito kulang na lang ay mapairap sa kaharutan nila.   "Pinag-grupo ko kayo hindi para makipaglandian." nanindig ang mga balahibo ko sa boses ni Miss Jaja, grabe nakakatakot nga talaga! "You have five minutes to figure out kung paano nyo magagamit ang powers nyo and if not then you must do it on your own."   Kinikilabutan talaga ako sa aura ni Miss Jaja ngayon, alam kong kasama sa kakayahan ko ang makakita ng aura pero kahit na pure white ang aura nya na may bahid ng itim dahil sa kapangyarihan nya.   "Listen to me kiddos," at gaya ng sinabi nya ay nakinig nga kaming lahat "Concentrate and feel your weapon and pag naging isa na kayo may mangyayari, if you fail then you will fail this test."   Grade conscious ako since then, dahil sa ako nga lang mag isa and also nasanay na ako na lagi akong nagtatop pero ngayon mukhang mahihirapan ako. The Chosen are all smart kaya hindi ko alam kung mapapang ilan ako but at least dapat nasa top five ako.   Tama.   Humanap ako ng komportable na lugar saka ako umupo pero nasa right side pa rin ako at ginawa ko ang sinabi ni Miss Jaja, ipinikit ko ang mata ko dahil nakita kong nag-co-concentrate na sila. I also concentrate.   'Paano kita mapapagana?'   "Lily"   'ikaw na naman?'   "Yes, wala nang iba."   'Bakit ikaw ang nakakausap ko?'   "Dahil ako ang weapon mo at kahati ng kapangyarihan mo. Wala na pa lang oras. Makinig ka Lily, itulak mo ako papunta sa bow,"   'Okay'   Mas lalo pa akong nag-concentrate at wala na ngang mas hihirap pa dito, naririnig ko ang hiyaw ng pagkadismaya at pagkasaya kaya I concentrated hard. I push this person into my bow.   Feeling ko nanlalamig ako dahil sa ginawa ko, I open my eyes and I saw how my bow glow and overflowing with this power all their eyes are gaze into me and I gulp, mali ba ako?   'No. Hindi ka nabigo Lily nagawa mo akong itulak papunta dito'   Anak ng.   Hindi ko sya sinagot dahil narinig ko ang pagsigaw ni Miss Jaja at ito mismo ang unang nagpakilabot sa akin.   "Wow! Ganyan ba kayo kahina? Ang chosen’s lang at tatlo sa inyong normal Legendary ang naka-activate ng weapon? Mahina kayo," nananahimik lang kami sa panenermon samin "For now, pagbibigyan ko kayo, siguraduhin nyong next meeting ay magawa nyo na ang pinapagawa ko." at umalis na sya.   Lumapit sa tabi ko sila Naomi at saka napaupo, nakita namin kung paano umiyak ang iba naming classmates kaya naman naawa ako sa kanila. Napahiga ako dahil nakaramdam ako ng panginginig ng kamay at paa ko.   "Naiiyak ako sa pagod," sabi ni Masha at nahiga din sa tabi ko.   Nakaupo naman ang boys sa likod namin. Tama si Masha nakakaiyak nga ang pagod na ito.   "Minsan iniisip ko kung kapatid mo ba talaga sya Jana." nanghihinang sabi ni Gelo.   "Oo nga ang layo," sabat naman ni Kenji.   "Sa pagkakaalam ko hindi ganyan si ate Jaja pag labas sa arena, nagiging demon nga lang pag nagtetraining." sabi ni Jana.   "Kaya nga minsan ayaw sya makalaban o makapartner ni kuya Renji eh," sabi naman ni Masha.   "Kaya siguro si ate Rika ang nakakalaban nya lagi." sabi naman ni Risa.   Hindi ko alam pero wala na ako sa mood makipag kwentuhan sa kanila kaya naman kahit ayaw ko ay unti unti akong napagod lalo at saka nakaramdaman ng matinding antok. Antok na di ko na kayang labanan kaya naman I close my eyes and go with the flow.   "Kaya siguro tinawag syang the living demon Miss Professor." mahinang sabi ni Nexi at wala na akong narinig.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD