CHAPTER 12

1157 Words
CHAPTER TWELVE ∞Mr. Vinle∞   Napabangon na lang ako ng makaramdam ako ng masakit sa likod ko. Ng bumangon ako nakita ko ang bow ko na nadaganan ko.   'Masakit yun ah' sabi nya sakin kaya naman kinuha ko sya.   "Sorry ah?"   'Okay lang. Ikaw okay ka na ba kaya mo na ba?'   "Oo naman kaya ko na"   "Sin-"   "Tipaklong ka," sabi ko dahil sa gulat.   Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Jana nakatayo sa harap ng banyo kaya naman ngumiti ako sa kanya.   "Sino kausap mo?" Tanong nya sakin saka tumingin sa bow ko. Mapagkakamalan nya kaya akong baliw pag sinabi ko?   "Ah kinakausap ko lang tong bow ko. Hindi mo ba napapansin na kapag kinakausap sila eh naggoglow sila?"   "Napapansin, ganyan din ang akin eh," sabi nya saka nagsalita ulit "Nakakausap ko rin ang weapon ko." at saka sya naglakad papunta sa salamin saka nagsuklay. "Mag asikaso ka na Lily baka mamaya ma-late tayo ayoko malate kay kuya Vinle ang astig pa naman ng ituturo nun sa atin." sabi nya pa at nag nod ako.   "Dito ka muna ah," sabi ko sa bow ko at nag glow naman sya.   Tumayo ako at naglakad papunta sa closet ko at saka kinuha ang uniform saka dumeretso sa CR. After kong maligo at magbihis pumunta na ako sa may salamin at inayos ko ang sarili ko saka ko niyaya si Jana na umalis na.   Habang naglalakad kami di pa rin ako nasasanay sa mga tingin na binibigay sakin. Hindi to ang tingin na nakasanayan ko, hindi to yung tingin na minamaliit ako instead ito ang tingin na gusto kong makuha ang hindi ako minamaliit.   "Hindi ka ba naiilang?" takang tanong sakin ni Jana kaya naman napatingin ako sa kanya.   "Saan?"   "Sa mga tingin nila. Even if they always look up to us, I still can’t use to it. I mean were student also here."   "Ah, hindi naman sa hindi ako naiilang natutuwa lang ako, they aren't looking down at me like I used."   "Ah," and ayun di na naman sya nagsalita.   Hindi na kami nagsalita pa ni Jana habang naglalakad at di na rin namin pinansin ang mga tinginan at mga bulungan daw na rinig na rinig naman namin. Dumeretso kami sa technology department sabi ni Jana nandun daw kasi silang lahat ngayon pati classmate namin and nandun din daw ang Royalties. Tsk, makikita ko na naman ang supladong si Jared   Hindi ko naman talaga sya kakainisan kaya lang sa mga ginawa nya sakin? Naiinis na talaga ako sa kanya. HIndi ko naman sya ginawan ng masama eh pero kung sabagay yung mga nang-bully nga sakin eh ginawan ako ng masama kahit hindi ko sila inaano, sya pa kaya na may pagdududa sa kakayahan ko.   "Saan ka pupunta?" napatigil naman ako sa paglalakad at tiningnan si Jana.   "Akala ko ba na sa tech department sila ngayon?"   "Oo nga at ito na ang tech department," sabi nya sabay turo sa building na nasa gilid namin.   "Ay sorry."   "You look occupied, ano ba iniisip mo?"   "Ah, inisip ko lang kung bakit ganun kasungit ang lalaking pula na yun."   "Ah, hindi naman talaga masungit si Jared."   "Sus, di daw."   "Hindi naman talaga ako masungit hindi ka lang talaga mapagkakatiwalaan." tiningnan ko naman ang nagsalita.   "Coming from you? Wow. Arrogant Prince." tapos nauna na ako sa kanila.   Ah, nakakainis talaga. Pumunta na ako sa room assign namin at nakita kong nandun na sila Miko kaya naman umupo ako sa tabi nila ngumiti naman sila at tumango lang ako. Wala ako sa mood pasensya sila sinira kasi ng pulang yun.   "Okay nandito na ba ang lahat?" tanong ng isang lalaki sabay upo naman sa tabi ko si Jana at sa harap ko naman ang pulang yun. Sumagot naman kami ng yes. "Okay, great. I’m Vinle and I'm here to tell you something. May bago akong inimbentong gamit na pwedeng maging storage ng mga weapon nyo and I even test it and it's useful and very handful lalo na kung magta-travel kayo ng maraming dadalhin." tapos may lumabas na hologram saka lumabas ang isang chip "This chip can store not onkt your weapon."   "Kahit maliit lang yan sir?" tanong ni Anna at nag nod naman si Sir.   "Yes. This are made by me and Rika, Rika can summon different kind of weapon by herself and we use her blood to make this, and also, I use my knowledge about summoning. So, lets test it." inilibot nya ang tingin nya at saka bumanggit ng pangalan "Angelo come here" at lumapit naman si Gelo sa kanya.   Ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nilang dalawa talagang magkapatid nga sila. May mga nariringi pa akong bulungan pero di ko na lang pinansin kaya nagfocus na lang ako sa demonstration na nasa harap.   "I-pa-pa-demo ko muna kay Angelo ang mga kailangan ninyong gawin saka nyo sya gagawin mag isa. Now, Gelo get that knife." at kinuha naman ni Gelo ang kutsilyo na walang reklamo. "Cut your wrist," napa-gasp naman kami at saka ako literal na napanganga. "You need to cut your wrist and use your own blood to make it more effective, you should drop your blood into your weapon and to this chip." ginawa naman ni Gelo ang sinabi ni Sir Vinle and then after that nagliwanag ang weapon ni Gelo saka naging maliit na bilog at pumasok sa chip. Wow. tapos nun ang chip naman ang nagliwanag at dumeretso sa sugat nya, hindi ba masakit yun? "Those chips will heal the cut wound in your wrist," at pinakita sa amin ni Gelo ang pulse nya wala na nga ang cut nun "Now, this will be distributed to you and I will now sit here and observe."   After ipamigay ang chip tumayo kami at nagkaroon ng maliit na table sa harap namin huminga muna ako ng malalim at saka tiningnan ang kutsilyo. Tiningnan ko muna ang mga kasamahan ko at lahat sila naiiyak sa ginawa nila. Hinimas ko muna nag wrist ko para hindi gaanong masakit at saka ko to hiniwa. Magkalapit lang ang bow at ang chip pero una kong pinatakan ang bow ko saka ko sinunod ang chip.   Napatingin ako sa mga royalties at nakita kong may kanya kanyang kulay ang mga weapon nila kahit ang mga chosen may mga kulay din kaya naman tinry ko na rin gawin ang akin.   Napanganga naman ako ng nagiba iba ang kulay ng bow ko saka ito naging puti na malaking bilog at takte napapikit na lang ako sa sobrang liwanag at nang mawala yun ay napanganga na lang ako dahil kahit ang liwanag ng chip di ko rin nakita at napatingin ako sa wrist ko wala na dito ang sugat ko pero may mala pakpak na tattoo.   Teka, parang nahihilo ata ako. Napahawak ako sa mesa sa harap ko pero parang hindi ko rin nahawakan at wala akong makita blangko ang paningin ko at saka ako may narinig.   "You really are troublesome."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD