CHAPTER THIRTEEN
∞Truth∞
"Alam mo Lily, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kapangyarihan mo o matatakot eh." Biglang sabi ni Masha.
"Yeah and I didn't even know that you are more powerful than we are. Even royalties." dagdag naman ni Nexi.
"Kahit ako naman eh," sabi ko at tumingin sa harap ko na puno ng lavender. "Hindi ko rin alam kung matatakot ako sa kapangyarihan ko o hindi but as long as White is mine, I think I can control my power."
"White?" Takang tanong ni Miko.
"Ah yan ang pangalan ng bow ko."
"Sounds familiar," sabi naman ni Gelo.
"White is the name of one of the most powerful weapons in Angel's world," bigla namang sabi ni Kenji kaya kami napatingin sa kanya "It really confused me. That bow of yours came from Angel's world the other dimension of Forbidden World."
"I guess it’s not a coincidence. Sa tingin ko may dahilan kung bakit nakay Lily yun. Gaya ng atin di ba?" Sabi naman ni Naomi at nag nod sila.
"Pero kung mag-wo-wonder lang tayo wala tayong malalaman," sabi naman ni Risa at tumayo. "Tara tanungin natin sila ate Chiaka baka may alam sila tungkol dito."
"Tinanong ko na sya nung nakaraan Risa," sabi ni Naomi. "Wala akong sagot na matino na nakuha kay ate."
"Bakit ano bang sabi sayo?" Tanong ni Kenji.
"It’s for us to know and for you guys to find out" sabi nya saka umirap, "Grabe di ba pahirapan ba daw tayo."
"Hayaan mo na Naomi," sabi ko at saka tumayo "Magsi-CR muna ako ha?" At nag nod naman sila.
Naglakad ako palabas ng hang out area namin, yun yung place na parang paradise at punong puno ng lavender. Napabuntong hininga naman ako ng makalabas ako ng gubat.
Sino nga ba ako?
Malalaman mo din.
White, may alam ka rin?
Lahat alam ko Lily pero hindi ko pwedeng sabihin sayo, ikaw dapat ang makaalam ng lahat.
Napabuntong hininga na naman ako. White. My hair is white and my weapon's name is white. Seriously? Napairap na lang ako sa isip ko. Kung puntahan ko kaya si mommy? Alam kong bawal lumabas pero no choice ako may kailangan akong malaman.
Naglakad ako papunta sa gate at ng hahawakan ko na to pinigilan ako ng guard.
"Bawal lumabas ng academy."
"Pero kuya pupuntahan ko lang po si mommy. May kailabgan akong malaman sa kanya."
"May pass ka ba? Binigyan ka ba ng headmistress?"
"Hindi po,"
"Kung ganun di ka pwede lumabas."
Nakabusangot naman akong umalis sa guard asar naman oh, kailangan ko makausap si mommy hindi ko alam kung bakit ako ganito. Hindi ko alam kung bakit ang lakas lakas ko! Hindi ko alam kung bakit isa akong Chosen.
At dahil matigas ang ulo ko nakita kong may kausap ang guard kaya dali akong tumakbo palabas ng school gate at narinig ko pa nga ang pagtawag nya sakin ng bata eh pero nagulat ako ng mapatigil ako sa pagtakbo.
"Saan ka pupunta?" Tanong ng kinaiinisan kong lalaki, sino pa ba edi si Jared.
"Paki mo ba? Pwede ba bitawan mo ako."
"Hindi kita bibitawan kung hindi mo sasabihin," naiinis na ako sa lalaking to ah masyadong pakielamero.
"Bakit ba? Pakialam mo ba?"
"Im the guard outside the campus right now thats why I should know."
Huminga ako ng malalim at naiiyak na tumingin sa kanya, hindi ko alam kung bakit pero parang lumambot ata ang ekspresyon nya pero imposible yun.
"I need to talk to my mom."
"Then I will go with you,"
Ano pa ba ang magagawa ko? Kahit na naman na hindi ko sya pasasamahin alam kong hindi din sya papayag sa sobrang tigas ba naman ng ulo ng lalaking to. Sus. Tahimik lang kaming naglalakad at walang ni may gustong magsalita sa amin ayoko rin naman sya kausap.
Pagdating namin sa main capital ay agad naman akong naglakad papunta sa bahay ni mommy. Hindi pa ako nakakapunta dito physically, but in my dream nakapunta na ako kaya alam ko. And that’s it, nandito na ako sa harap ng bahay ni mommy agad naman akong kumatok.
"Saglit lang," dinig kong sigaw ni mommy at pagbukas nakita ko ang gulat sa mukha nya "Lily,"
Agad naman akong naiyak ng yakapin ako ni mommy kaya naman niyakap ko rin sya. Pinapasok nya kami ni Jared sa loob ng bahay pagkatapos naming mag-drama sa labas.
"Sino sya, Ly? Boyfriend mo?"
"Yuck ma, ah."
"Bakit? Gwapo naman ah?"
"Gwapo nga arogante naman."
"Anong sabi mo?"
"Wala ho, mahal na prinsipe." sabi ko at umirap.
Bumalik kami ni mommy sa sala at saka ako umupo sa tabi ni Jared. Eh sa walang ibang upuan dito sa bahay na to eh bakit ba siguro sinadya to ni mommy ngayon. Knowing her, she wouldn't want to leave in this small house.
"So, Ly bakit ka nandito? Di ba bawal lumabas ng Academy? Nakakuha ka ba ng pass kaya ka nakalabas?"
"Hindi po ma'-"
"Call me tita," sabi ni mommy at kumindat.
"Mommy!"
"What?" Iritang tanong ni mommy kaya naman napairap ako. "Anyway, bakit ka nandito? Tumakas ka no?" At tumingin namab ako sa kaliwa ko, ayoko sa kanan si Jared makikita ko. "Based on your reaction tumakas ka nga." at sumeryoso si mommy, "so anong dahilan?"
Tiningnan ko si mommy at nakita kong seryosong seryoso sya at hindi ko alam kung bakit ganyan ang itsura nya ngayon.
"Tell me the truth, mom. Bakit ganito ang kapangyarihan ko? Bakit ahead ang kapangyarihan ko sa iba? Even sa royalties at sa Chosen. Bakit kasali ako sa chosen? I’m so confused mom. Hindi ko alam gagawin ko. Hindi ko alam ang dahilan. I saw your records sa Academy pero wala sa powers mo ang nakuha ko," umiiyak kong tanong at napayuko naman ako narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni mommy.
"Listen Ly, Im not your mom.” Marahas naman akong napatingin sa kanya at nanlaki ang mata ko. “Joke. I’m your mom. Listen, Im just an ordinary user not until I met your dad. He had the same ash eyes like yours and a white hair," sabi nya at tiningnan ko sya "We live happily in mortal world and your grandparents are okay with us not until there’s a work that he needed to do. Pinabalik sya and I was a three-month pregnant with you. I was about to deliver that news to him but I can’t dahil nagmamadali sya."
Mas lalo akong naiiyak dahil sa pagkukwento ni mommy mas lalong bumibigat ang dibdib ko.
"Since then hindi na sya nakabalik pa. And now, I didn’t even know kung buhay pa ba sya o hindi na. I would hate him if he's still alive dahil sa iniwan nya tayo and I will hate him if he's dead dahil sa iniwan nya na nga tayo. But, still Im wishing that he's still alive. Kasi gusto ko makilala mo sya, gusto kong malaman nya na mas malakas ka pa sa kanya. I’m sorry hindi ko agad kinuwento sayo."
"Pero mommy wala pa rin dun ang sagot,"
"Hindi ko rin alam ang sagot, Ly. Hindi ko kilala ang pamilya nya ang alam ko lang ang pangalan nya. Pero napag alaman ko rin na peke ang pangalan na ginamit nya. Sorry."
~~*****~~
Pagkatapos ng pag uusap na yun tineleport na ako ni Jared papunta sa office ni ate Chiaka. Kahit nasinesermonan nya ako hindi ko alam kung bakit wala akong naiintindihan.
"You can take a rest now, Lily." nag aalalang sabi ni ate Chiaka sakin.
"Okay po," walang gana kong sabi at lumabas ng office nya.
Dumeretso ako sa kwarto namin ni Jana at nakita kong nandun silang lahat. Wala ako sa mood makipag-usap kaya naman dumeretso lang ako sa kama ko at nahiga pero hindi ko talaga mapigilan hindi maiyak.
"Lily, kung may problema ka pwede mo naman saming sabihin." sabi ni Risa saka ako niyakap kaya naman napahagulgol ako lalo.
Umupo ako at saka yumuko naramdaman ko namang yumakap si Jana sakin mula sa kanan ko.
"Wala din akong nakuhang sagot kay mommy and worst I know kung bakit kaming dalawa lang sa buhay. Iniwan kami ng daddy ko and even his name hindi namin alam. Pineke nya ang name nya ang sakit." at mas lalo akong napahagulgol. "And this is the worst, hindi alam ni mommy kung buhay pa ba sya o hindi na. Nung nakita ko ang mata ni mommy kanina parang gusto kong patayin sarili ko sa pagtatanong sa kanya."
"Sshhh,"
"I hate my hair and my eyes. It’s from my dad." sabi ko pa.
Siguro dahil na rin sa sobrang pagod at sa sobrang pag iyak kaya nakatulog na rin ako ng hindi ko namamalayan.