Prologue - Chapter 1

1578 Words
Miko the Mind Phantom.   Risa the Blue Fire Wilder.   Kenji the Great Techno.   Masha and Nexi the Gemini Twin of Dimension Portal.   Naomi the Great Spell Caster.   Angelo the Soul Manipulator.   Jana the Poison Dark Air Goddess.   They are the most powerful when their sisters and brothers are not included. The prophesy will lead them into mess. They will become powerless.   Not until she came into the view.   The girl they thought useless, the girl they protect, the girl that had a pure heart.   She will save them.   . . . . . .   Lily...  will save them. CHAPTER ONE ∞The start∞ Lily's POV   Ang sakit. Ang sakit na hindi ka tanggap ng karamihan dahil lang sa physical appearance mo. They called me freak dahil sa all pure white ang buhok ko.   "Freak umalis ka sa dadaanan ko."   Agad naman akong tumabi.   Dito sa school ko feeling ko di ako welcome. Simula pa lang ng ipasok ako dito ni mama two years ago wala na agad. Akala ko magkakaroon ako ng kaibigan, akala lang pala.   Kumakain ako mag isa, umuuwi ako mag isa, nag aaral mag isa. Wala akong kaibigan pero dahil dun ako naman ang number one sa academics. At dahil din dun sila mas lalong nagiging bully.   "Hoy freak akin na lang yang chocolate ice cream mo."   Magi, ang Queen bee ng school na to. Sya ang nangunguna sa pang-bu-bully sa akin.   "Ano? Wala ka na bang bibig para magsalita?" Akma na nyang kukunin ang ice cream ko ng ilayo ko to, ayoko na pagod na ako "Hoy freak! Gusto mo ata masaktan ngayon ah! Lumalaban ka na!"   Agad naman syang nakakuha ng atensyon at sinabunutan ako, ganyan naman sya eh sanay na ako. Gustong gusto nya na sya ang bida kahit na kotrabida pa ang labas nya. Walang emosyon akong nararamdaman. Bakit?   "Hoy freak! Pag sinabi kong ibigay mo sakin ibibigay mo sakin naiintindihan mo ba ako?"   Bakit ganun parang hindi ako ang nasa katawan ko? Bakit parang may kumokontrol?   "Freak! Matuto kang gumalang sa mas maganda sayo!"   "Maganda? Sino?"   Ako? Ako ba ang nagsabi nun? Pero hindi ako yun! Bakit nasa kadiliman ako? Bakit hindi ko alam ang nangyayari? Bakit?   "Aba marunong ka nang sumugot!"   Nakikita ko si Magi nakikipag away sakin! Nakikipag sagutan ako! Bakit? Bakit? Hindi ko maintindihan! Hindi ako to!   "Yun ay dahil lagi mo na lang syang sinasaktan!"   Nanlalaki ang mata ko, di lang ako pati na rin si Magi at lahat ng tao dito sa school. Nagkaroon ng kulay ang kamay ko at bumalot ito kay Magi.   Teka anong nangyayari? Anong meron? Unti unting nanghihina si Magi at nabitawan nya ang buhok ko saka napaupo at kinakapos ng hininga.   "Itigil mo to! Hindi tayo dapat nananakit!" sigaw ko. Para akong timang dito.   "Hindi pa yan sapat sa ginawa nila sayo! Lagi ka na lang umiiyak kapag naaapi ka nya."   "Okay lang sakin yun. Please, ibalik mo na ang katawan ko."   "Sige, pagbibigyan kita ngayon pero sa oras na saktan ka pa ulit nila ako na ang lalabas at papatayin silang lahat."   "Freak anong ginawa mo kay Magi!?" sabi ng isa nyang alalay.   Ibinaba ko ang kamay ko at agad namang nahimatay si Magi. Nanginginig na tiningnan ko ang kamay ko, ano yun?   "Freak ka nga talaga!" sigaw pa ng isang babae "Umalis ka dito! Sasaktan mo lang kami!"   "Hi-hindi ko yun sinasadya…"   "Sinadya mo yun! Umalis ka na dito! Nakakatakot ka!"   Tiningnan ko ang paligid, lahat nga ng mukha nila sinasabing natatakot sila sakin and at the same time nagagalit.   "Anong nangyayari dito?!"   "Ma’am tingnan nyo po ginawa ng freak na yan dito kay Magi! Papatayin na nya kanina si Magi!"   Pati teacher ko nabalot ng takot. Isinama nya ako sa Principal’s Office at yun ang unang pagkakataon na makikita ko sya.   "Principal, muntik na mapatay ng batang to si Magi!"   Tiningnan ko na muna ang Principal at saka ang teacher ko, ang teacher ko takot at galit ang nasa mukha nya samantalang wala namang emosyon sa mukha ng Principal.   "Paanong muntik na mapatay?"   "Hindi ko po alam Principal pero sabi ng mga students sa canteen na muntik nya na patayin si Magi."   "Hindi ka dapat nag aakusa base lamang sa narinig mo Ms. Margaret hindi porket anak mo si Magi kakampihan mo na sya. Hindi mo man lang dininig ang kwento ng isa."   "Pero Miss…"   "Go. Ako na kakausap sa kanya."   "Dapat sa kanya paalisin dito! Hindi sya dapat dito! Isa syang halimaw!"   "At sinong nagsabi sayo na dapat syang paalisin dito? Na hindi sya dapat dito at isa syang halimaw? Ikaw sa inaasal mo ikaw ang hindi dapat sa posisyon mo!"   Galit na tiningnan ako ng nanay ni Magi at saka umalis ng padabog. Ang luha na pinipigilan ko ay bumuhos na lang bigla.   "Ikaw ba ang may gawa nun?"   "Opo pero maniwala po kayo hindi ko po sinasadya yun." sabi ko at saka nya ako tiningnan sa mata kahit na parang gripo ang mata ko sa pagbuhos ng luha walang tigil.   "Sabi na nga ba. Naramdaman ko yun Lily." nagulat ako sa pagbanggit nya ng pangalan ko "isa kang gaya ko Lily, isa kang Effigies."   "Effigies?"   "Yes,"   "Hindi ko po maintindihan…"   "Papuntahin mo mama mo dito bukas."   "O-okay po."   "Sa ngayon ay umuwi ka na at maghinga."   "Opo,"   Buti na lang pala start na ng klase at wala na akong nakikitang estudyante sa hallway at sa labas ng building. Paglabas ko ng school ay napabuntong hininga naman ako.   Ano bang nangyayari sakin? Anong meron sakin? Bat nangyari yun kay Magi? Hindi ko naman sya hinawakan.   Napahinto ako sa paglalakad ng may makita akong isang grupo na kakalabas lang sa isang school. Mint Academy. Pangarap kong makapasok sa school na yan pero hindi ata kaya ng utak ko ang katalinuhang meron sila.   Tinitigan ko ang magkakaibigan at sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng inggit. Nakasuot sila ng Mint Uniform at base sa lining ng uniform nila at porma nito nasa high rank sila, nakakainggit.   Napatigil sila sa paglalakad at lahat sila napatingin sakin. Nanlaki naman ang mata ko at napayuko saka nagsimula nang maglakad. Ng nasa harap ko na sila gumilid naman ang iba and this time sila naman ang nararamdaman kong nakatingin kahit na nakayuko ako habang naglalakad.   Nakahinga naman ako ng maluwag ng makarating ako sa bahay, wala si mommy dito nasa trabaho. Mamayang four pa ng hapon ang uwi nya, magagalit kaya sya pag sinabi kong pinapatawag sya? Never pang nagalit si mommy sakin dahil never pa rin akong gumawa ng kalokohan.   Napahiga naman ako sa kama ko ng makapasok ako sa kwarto ko at tiningnan ang mga picture na nasa side table ko. Ako kayang nangyari noong grade six ako at wala akong maalala.   Sabi ni mommy na naaksidente daw ako habang papunta ang bus na sinasakyan ko sa isang field trip, sa totoo lang wala naman akong makalap na balita na totoo ang sinabi ni mommy pero ng sinabi ko sa kanya yun ngumiti lang sya sakin at sinabing minor lang iyon kaya hindi ibinalita pero nagdulot ito ng shock sakin kaya nawalan ako ng memory.   Yun ang sabi ni mommy sakin.   "Ang aga mo naman ata nakauwi," napatingin naman ako kay mommy at ngumiti. Lumapit naman si mama sakin at niyakap ko sya.   "Mommy hindi ko po sinasadya."   "Bakit may ginawa ka ba?"   "Mommy muntik ko nang mapatay ang bully sa school mommy. Hinawakan nya ko tapos, tapos bigla na lang syang nanghina at kinakapos ng hininga. Mommy!"   Niyakap naman nya ako at pinatahan. "Kailangan na ata kitang pag aralin sa ibang school. Hindi ka nila sasaktan dun tatanggapin ka nila."   Napatigil naman ako sa sinabi ni mommy napakalas ako sa pagkayakap at tiningnan sya.   "Mommy?"   "The fact is, you and me are not belong here. Lumalabas na ang kapangyarihan mo, even if I sealed your memories like what Rika said."   Napatigil ako. Rika? Bakit parang pamilyar ang boses nya? Bakit parang narinig ko na ata ang boses nya?   "Mommy pinapatawag ka ng principal namin."   "No need nakausap ko na ang principal nyo ngayon mag impake ka na."   "O-okay po."   Nag impaki ako gaya ng sabi ni mama at marami rami ang natawag sa cellphone ko na puro unknown number tinanggal ko sim card ko at binuksan ang Wi-Fi ko.   Freak.   Lahat yan ang nakapost sa fb ko at may video din kung ano ang ginawa ko kay Magi. Napabuntong hininga na lang ako at dineactivate ang facebook ko. Wala din naman matutulong yun eh wala din naman akong kausap doon kahit isa. Hindi ko nga alam kung bakit ako gumawa nun. May kumatok sa kwarto ko at niluwa naman si mama.   "Here is your uniform. Pansamantalang uniform lang yan." sabi ni mommy.   Halos mapanganga ako sa nakita ko, uniform ng Mint Academy.   "Mom! Hindi naman ako nag entrance--"   "Hindi ka naman sa Mint Academy mag aaral. Bago ka makarating sa Twelve Academy kailangang pumasok muna sa Mint Academy. Alam na ng mga high official ng Twelve Academy ang situation mo kaya naman ibinigay nila yan. Pero bago pupunta tayo bukas sa school mo at may ibibigay ako sa principal."   Pagkasabi ni mommy nun ay umalis na din sya agad. Tiningnan ko ang uniform na nakabalot sa plastic at nakatupi ng maayos. I can’t believe this!   I never expect na makakasuot ako ng ganitong uniform. Ngumiti ako at saka inihanger at natulog na. Bukas, bukas magbabago ang buhay ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD