CHAPTER 2

1627 Words
CHAPTER TWO ∞The Academy∞   Alas syete na ng umaga pero eto pa rin kami ni mommy sa bahay, grabe talaga to si mommy ang tagal kumilos.   "Mom!"   "Oo na,"   Ano ba naman yan, panigurado marami nang masyadong tao ngayon sa school 7:30 pa naman ang start ng class. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa malaking salamin na nasa sala. Ang tagal naman kasi ni mama gumalaw mas matagal pa ata sakin.   Bagay naman sakin tong uniform, perfect para sa buhok ko, pero sasabihin ng mga taga dun sa school na hindi to bagay sakin. I push aside that thought dahil nandito na si mommy pababa na.   "Lily make sure na hindi ka magsasabi ng kahit anong detalye ah? Basta sabihin mo pina-transfer kita sa Mint Academy at nakapasa ka sa mga exams nila."   "Yes mommy,"   Lumabas kami ng bahay at hinintay ko si mommy na kunin ang kotse sa garahe nya. Actually, I hate it, pinagtitinginan kasi ako. My white hair fits perfectly to my uniform right now, like what I said earlier. Kung sabagay minsan lang manguha ng students ang Mint Academy at sa 100% na nag eexam sa kanila only 0.1% lang ang nakakapasa. In short, dalawa o tatlo lang ang nakakapasa sa maraming examines.   Pagdating ni mommy dala ang kotse ay agad akong pumasok mahigit bente minuto ang pagpapatakbo ni mommy at ng makarating kami sa harap ng school ay pinark nya ito sa labas hindi na nya pinasok sa loob.   "Sumama ka. Dali."   "May magagawa ba ako?"   "Wala,"   Minsan mas isip bata pa talaga tong si mommy kesa sakin. Pagbaba pa lang ni mommy pinagtinginan na sya, natural maganda si mommy hindi ko lang alam kung anong nangyari sakin. Pagbaba ko naman ay literal na napanganga sila sa nakita nila.   Yung freak na kinilala nila ngayon ay nakasuot ng uniform na hinahangaan nila, even Magi. Nakita nya ako at nagulat sya pero hindi ko sya pinansin. Pagdating namin sa office ng principal ay agad na ngumiti ang principal sa amin.   "Wow. Luna. Long-time no see!"   "Oh goodness sissy!"   Napairap naman ako sa pagkabagets nilang dalawa akala mo naman mga nasa eighteen pa rin. Hello nasa thirty na kaya sila.   "No wonder kung bakit malakas ang kapangyarihan ni Lily, sya pala yung anak mo akala ko namamalikmata lang ako. Ang laki nya na."   "Haha pasensya na hindi ko naman alam na ikaw pala ang magiging principal not until kahapon sana pinabantayan ko pa sya lalo."   "Haha ako nga may kasalanan di ko inakala na malakas kapangyarihan nya kahit na nararamdaman ko yun. Di pa kasi gising ang kapangyarihan nya at kahapon lang nagising. Anyway, mas okay yan na naging desisyon mo na ibalik sya sa Twelve Academy."   "Yeah. Lily, labas ka muna may pag uusapan lang kami"   Nag nod naman ako at lumabas. Wala daw klase ngayon dahil sa may meeting daw ang mga teacher kasama ang director ng school pero hindi ang principal yun. Habang dumadaan ako sa hallway ay pinagtitinginan ako.   "Oh em gy, nakapasok sya sa Mint Academy?"   "Baka dahil lang sa pagkafreak nya kaya sya tinanggap."   "That girl! Ako dapat ang nakasuot ng uniform na yan! Nag aral ako mabuti para sa Mint Academy pero hindi ako pumasa."   "Magi kalma,"   Hindi ko sila pinansin at pumunta ako sa garden. Natulala naman ako dahil sa walang katao tao dito, okay na rin to at least wala akong masasaktan.   "Look," napatingin naman ako sa nagsalita.   Yung grupo kahapon na nakita ko na kalalabas lang sa Mint Academy nandito at nakatitig sakin. Napalunok naman ako ng lumapit sila sakin.   "Hi." bati ng isang babae.   "He-hello." pagbati ko naman pabalik.   Napahagikhik naman ang mga babae at napailing naman ang mga lalaki.   "Bago ka lang sa Mint Academy kaya siguro ganyan reaksyon mo. Galing. Sayang di ka namin magiging ka school mate T.A kasi kami."   "Naomi,"   "Ow ow. Sorry na Risa."   "Twelve Academy?" Pagbabanggit ko.   Sandali silang napatigil at napatulala sakin saka ngumiti at napabuntong hininga naman sila.   "Kailangan na naming umalis." sabi naman ng lalaki.   "Bye,"   Mag nod maman ako at ng makalabas sila ng school gate ay halos mapalundag ako sa gulat.   "Freak!"   "Magi…"   "May kasalanan ka pa sakin pero kakalimutan ko yun pag pinakilala mo ako kahit sino sa mga lalaking yun."   "Hindi ko sila kilala."   "Ano? Pero kinausap ka nila! Magsabi ka!"   "Hindi ko nga sya kilala!" sabi ko naman. Hawak hawak nya ang braso ko.   "Ngayon alam ko na kung bakit ka nasaktan ng anak ko. Ang lakas din naman ng loob mong ipakita sa mismong nanay nya yang ginagawa mo." napatingin naman kami sa babaeng papalapit sa amin.   "Mommy!"   "Bitiwan mo anak ko. Never ko pa syang nasaktan kaya wag mong tatangkaing saktan sya dahil kung hindi," lumapit si mommy sa tenga ni Magi at natulala naman si Magi at niyaya na ako ni mommy.   Nagdrive si mommy habang tahimik naman akong nakikinig sa radio sa sasakyan. Okay sana ang buhay ko kung di lang ganito ang kulay ng buhok ko pero hayaan na maganda naman tingnan sakin.   Ipinakita ni Mama ang isang papel sa guard at pinapasok naman kami, napanganga naman ako sa ganda ng loob nito. Ang lawak. Pero hindi tumigil sa pagdadrive si mommy. Oo nga pala sa Twelve Academy ako hindi sa Mint Academy.   Bakit feeling ko naeexcite ata ako? Hindi naman ako ang klase ng babae na sobrang energetic, nasanay kasi ako mag isa kaya mahinhin ako at bihira tumawa.   May malaking gate at ng lumabas kami doon ay isang gubat ang bumungad samin.   "Alam mo bang dito nakatayo ang Twelve Academy two years ago?" Sabi ni mommy ng makarating kami sa isang malawak na field. "Pero dahil sa digmaan inilipat ito ng Reyna.."   "Reyna?"   "Oo. Pero hindi dito sa mundo natin. Sa ibang mundo."   Inilabas nya ang papel na pinikita nya sa guard kanina at inihagis saka may binanggit na salita take note salita na hindi ko man lang maintindihan at nagkaroon ng portal. Literal na napanganga ako sa gulat pero imbis na makapagkumento pa ay hinila na ako ni mommy.   Para akong malulula dahil sa bilis kaya naman ay pinikit ko ang mata ko ng maramdaman kong hindi na gumagalaw ay napadilat ako. Akala ko nasa isang lugar na kami hindi pala. Nasa loob pa rin kami ng portal at ang paligid ay parang mga bituin. Ang ganda.   "Alam mo bang ang portal na to ay gawa ni Maya? Her power makes this possible."   "Power?"   "Yes, and I know malalaman mo rin kung anong meron ka pag nasa Twelve Academy ka na."   Hindi na ako nagsalita pa baka kasi makagulo pa sa isip ko ang sinabi ni mommy. Mahirap na.   Maya maya ay nagfade na ang paligid at tumambad sa amin ang isang gate na may arko at nakasulat na Twelve Academy. Huminga ako ng malalim at saka binuksan ni mommy ang pinto at pagpasok ko mas lalo akong namangha.   Ang school ay napakaganda, mas maganda pa sa Mint Academy, sa kaliwa ay may arkong nakasulat na Dormitory. Nganga nga ang ganda at sa likod ng dorm ay isang palasyo.  Palasyong halatang matanda pa kay kopong kopong pero maganda pa rin at halatang matibay.   "Ito ang Forbidden World kung saan pinangangalagaan ng Reyna ang kapayapaan." sabi ni mommy sakin.   Pumasok kami sa loob ng building at nadadaanan naman namin ang ibang classroom. Lahat siguro ng magiging students at mga students dito ay sobrang lalakas.   "Hi, Head Mistress," nakangising sabi ni mommy at napataas naman ang kilay nung tinawag ni mommy na Head Mistress.   "Dont call me by that ate Luna." at napairap naman to at dumako ang tingin nya sakin "Wow ang Lily! Ang laki mo na."   "Kilala mo po ako?"   "Oo naman! Ninang mo kaya ako," at mahina naman syang tumawa.   Ang maganda, maotoritado, at mukhang malakas na babaeng to ay ninang ko? Napanganga na naman ako at napatawa naman silang dalawa.   "Kayo na bahala kay Lily ah?" Sabi ni mommy na ikinakunot ng noo ko "ang mga memory nya mawawala lang ang seal nya pag narealize nya na lahat"   "Ma?"   "Sige Lily, sa labas lang ako ng school titira bawal ako dito eh. Mag iingat ka ha? Alam ko marami kang tanong pero tinatamad na ako sumagot eh. Ba-bye."   NGANGA. Nawala bigla si mommy kaya naman nagpanic ako at natawa naman si Head Mistress sakin kaya naman nahihiya ako na nagpapanic, bigla ba namang mawala si mommy.   Hinatid na ako ni Head Mistress sa dorm ko at iniwan nya na rin ako, may ilang sinabi lang sya sakin at umalis na. May isa pang kama dito pero wala namang tao, maayos ang kama.   This room is simple yet elegant. Is this really where I live from now on? Wala bang magiging problema dito? I don’t want to be called FREAK again, not with this school but if it’s just a normal school. I hope so, but, as what my mama said… Its look like it’s not a normal school.   After I unpack my thing, I decide that I need a fresh air, I wanted to breath a clean and fresh air. Not that this room had a polluted air but I feel like I am having a hard time to breath. Feeling ko na-so-suffocate ako sa isang presensya.   Paglabas ko ang dorm building ay hinayaan ko ang sarili ko na pumunta sa kung saan and I was fascinated to what I've discover, it’s like a lavender field, paano nagkaroon ng lavender field dito sa school?   Lumingon ako sa likod ko at halos mapanganga ako, what the hell?! I am in the end of the forest and near at the cliff? What the world is this? Im just walking and then-- oh well this place is absolutely breathtaking.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD