bc

The Victim's Cry

book_age18+
28
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
second chance
powerful
heir/heiress
drama
bxb
gxg
mystery
loser
campus
like
intro-logo
Blurb

After her heartbreak from his father, Cassandra built a thick wall in her heart, but that thick wall was slowly burnt into ashes when she met Eulysis. When she finally found her happiness, thats when a tragic event happened.

No one believes her. They only blamed her. Who will hear the victims cry?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ano ang kailangan mong gawin para paniwalaan ka nang mga taong akala mo ay nagmamahal sa'yo? Paano mo sila mapapaniwala kung sarado na ang puso at isip nila sa mga paliwanag mo? "Cassie! Cassie!" Sigaw ni Bella. Mula sa pinto ay nakita ko itong tumatakbo papasok sa karenderya kung saan kami nagtatrabaho. Hawak-hawak niya ang kanyang cell phone at isang plastic ng isang kilalang store sa isang mall. "Ano 'yon, Bella? Bakit ka naman tumatakbo?" Pagtatanong ko habang pinupunasan ang mesa. Niligpit ko ang mga plato na pinagkainan ng mga sales lady ng isang mall malapit lang dito at nilagay sa tray. "May naghahanap sa'yo kanina sa bahay." Anito habang nakasunod sa akin papunta sa kusina. "Bella! Late ka na naman!" Wika ni Aling Sonya na nakaupo sa isang mesa. Siya ang may-ari ng karenderya at cashier na rin. Apat kaming nagtatrabaho dito sa karenderya, ako, si Bella, Marie at Kuya Bimbo. Dalawa kami ni Bella sa labas nakatuka, tagalinis at taga serve, si Kuya Bimbo ang cook at si Marie ang tagahugas, kapag tapos na si Marie ay tumutulong din ito sa amin ni Bella. "Si Ate Sonya naman! Nagtext na po ako sa'yo kanina, nagpabili ka pa nga ng kojic mo sa akin." Sagot naman ni Bella. "Akin na nga 'yan! Ang tagal mo naman kase!" Ani Ate Sonya at kinuha ang plastic na dala ni Bella. Napailing ako at pumasok na sa loob para ibigay ang isang tray na mga hugasin kay Marie. "Halika nga rito sa labas," aya nito sa akin at pinaupo ako sa pinakadulong mesa na walang nakaupo. "'Yong naghahanap sa'yo kanina ay de kotse. Tingin ko ay mayaman." Kumunot ang noo ko. Sino naman ang maghahanap sa akin? "Maganda siya, sa tingin ko nasa 40 plus na ang edad niya. Pinakita pa nga niya 'yong picture mo sa akin, sa una ay hindi ko nakilala kung sino 'yong nasa picture pero ng tinitigan ko ng mabuti ay ikaw talaga iyong nasa litrato!" Kwento nito sa akin. Napatahimik ako, may pumasok sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya pero baka nagkakamali lang ako. "Baka magkamukha lang kami." Sagot ko na lang sa kanya. "Hmmm. Parang? Pero..ikaw talaga 'yong eh! Pinabata lang. Mga 6 years ago yata 'yon?" Anito. Napailing ako sa kanya. Imposble ang sinasabi niya, walang maghahanap sa akin. "Magtrabaho na nga tayo, Bella. Late ka na nga tapos inuna mo pa ang chismis. Baka mapagalitan ka na naman ni Ate Sonya." Sabi ko naman na ikinatawa ni Bella. "Hindi yan magagalit sa akin. Ako kaya tagabili niya ng kojic kase takot siya maarawan." Natatawang wika nito. Tumayo na kaming dalawa ng may dumating na kustomer, lunch time na rin kaya unti-unti ng dumadami ang kustomer dito. Malapit lang kami sa isang malaking mall kaya maraming kustomer dito kapag break na nila, sa susunod na buwan naman ay may ipapatayong condo sa gilid lang ng mall kaya nagpaplano na si Ate Sonya na magdagdag ng mga makakasama namin dito para may katulong naman kami ni Bella sa pagserve sa mga kustomers. Habang nakahiga ako sa kama ko ay napaisip ako sa sinabi ni Bella kanina, posible kayang hinahanap niya ako? Ano naman ang dahilan? Napailing ako. Humiga ako ng patagilid, nakita ko ang isang picture frame. Malungkot akong napangiti, bumangon ako at kinuha ito. Hinaplos ko ang frame. "Mami! Mami!" Napalingon ako sa sumigaw. Oh, Eli! Binalik ko ang picture frame at niyakap si Eli. My sweet little boy, Eli! "Malinis na ba ang baby Eli namin?" Malambing na tanong ko. Ngumiti naman ito sa akin. "Oo naman, Mami! Si Mama Bella naglinis sa akin." Aniya. Pumasok naman sa kwarto ko si Bella na nakasimangot at basang-basa ang shorts niya. Humagikhik naman si Eli. "Mami, si Mama Bella nag-ihi." Pilyong sabi nito. "Hindi ako umihi! Binasa ako ng kutong lupa mong anak, Cassie!" Inis na angal ni Bella. Pinisil ko ang pisnge ni Eli. "Ano ang sinabi ko sa'yo, Eli? Bawal ang pasaway, 'di ba?" Pangaral ko dito. "Sorry na, Mama Bella. Peace na tayo." Lumapit naman ito kay Bella at yumakap. Hindi naman na umangal si Bella at yumakap na rin kay Eli. "Goodnight, Mami. Doon muna ako sleep kay Mama Bella." Humalik ako sa pisnge niya at yumakap dito. "Goodnight sa inyo ni Mama Bella mo." Ani ko. Pagkalabas nila ay ni lock ko na ang pinto ko at pinatay ang ilaw sa room ko, humiga ako sa kama ko at pinikit na ang mg mata. "Do you think they will believe you? Tingnan lang natin kung ano ang sasabihin ng Mommy mo!" "Umalis ka! Alis! Alis!" Umiiyak na sigaw ko. "Napakadumi mong babae!" "Cassie! Cassie!" Napabalikwas ako. "Oh my god, Cassie." "B-bella." Nauutal na tawag ko sa pangalan niya. Nanaginip na naman ako. "Ito tubig, uminom ka muna." Kinuha niya ang isang baso ng tubig at binigay sa akin, "kailan ba 'yan mawawala?" Malungkot na tanong nito sa akin. Matipid akong ngumiti kay Bella at nilapag ang baso ng tubig sa mesa na nasa gilid ng kama ko. Bella does not know anything, hindi niya kilala kung sino at kung saang pamilya ako nanggaling. For how many years na magkasama kami ni Bella, hindi niya ako pinilit na magkwento. Hindi siya nagtatanong tungkol sa akin at tungkol sa mga masasamang panaginip ko. Palagi lang siyang nand'yan para sa akin, hindi man siya nagtatanong sa akin, alam ko naman na gusto niyang malaman pero hindi ko pa rin kayang magkwento. "Alam mo namang nandito lang ako, 'di ba? Maghihintay akong magkwento ka." She wiped my tear. Ni hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Ilang taon na ang nakakalipas pero 'yong sakit nandito pa rin. "Sorry, hindi ko pa kaya." Mahinang wika ko. Ngumiti naman ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Gumayak ka na nga at aalis na tayo. Iniwan ko na si Eli kay Tita, humalik na 'yon kanina sa pisnge mo." Napatango naman ako sa kanya ay tumayo na. Pagkarating namin ni Bella sa karenderya ay open na ito at may nagkakape na, binati naman namin ang mga kustomer bago pumasok sa kitchen para iwan ang bag namin sa isang kwarto na nasa labas ng kitchen. Sa likod ng kitchen ay ang bahay na inuupahan nila ni Ate Sonya, kasama niya doon ang tatlong anak at asawa niyang taxi driver. "May bago na kayong makakasama, Hija. Si Lyka, mag-uumpisa na raw kase 'yong ipapatayong condo. Napaaga raw." Ani Kuya Bimbo habang hinahalo ang mga gulay sa malaking kawali. "Nako! Mukhang pagod tayo malala nito!" Sabi naman ni Bella. "May kasama na rin ako dito sa kitchen, tsaka si Lando ay hindi na raw muna magda-drive ng taxi, tutulong na rin daw muna dito. 'Yong panganay na anak nalang daw muna nila ni Sonya ang magda-drive." "Mabuti naman po kung ganoon at para hindi na tayo mahirapan dito, panigurado akong dadagsa ang kakain dito." Sagot ko naman kay Kuya Bimbo. Inaya ko na si Bella sa labas, may nakita kaming bagong nagseserve sa kustomer, nagpakilala ito sa amin bilang Lyka, siya raw ang bago naming kasama, magalang naman siya at mas bata sa amin. 20 years old pa lang daw siya. "Kinakausap daw ni Ate Sonya at Kuya Lando yung isang manager doon sa mall para ma occupy natin ang buong space dito." Kwento ni Bella. Si Ate Sonya lang ang may pwesto dito dahil siya lang ang pinagbigyan ng management ng mall, matagal na rin sila dito nakapwesto at napakaswerti nila dahil wala silang kaagaw dito, meron namang ibang karenderya pero mas malayo sila ng konte sa mall habang itong pwesto ni Ate Sonya ay nasa gilid lang ng mall, ilang lakad lang ang gagawin mo. Matapos ang isang oras ay dumating na ang mag-asawa, may kasama silang isang babae, si Pia daw ito at makakasama rin namin dahil tiyak ay hindi namin kakayanin ang nasa 100 na construction workers na gagawa sa condo na nasa harap lang ng pwesto namin sa kabilang street. Bukas naman daw ay magsisimula ang dalawa pang makakasama ni Kuya Bimbo sa kitchen. Monday na ngayon at maaga kaming pumasok ni Bella sa karenderya, ngayon na magstart ang paggawa sa condo. Marami ngang trabahador ang nakapila na sa kabilang street, ang iba naman ay nandito na nakaupo, nagkakape at umagahan na. 8:00 A.M. pa lang at sa tingin ko ay mapapagod kami ng husto nito. "Cassie! Nako! OMG!" Nangunot ang noo ko kay Bella. Tila kinikilig ito. "Ate Cassie si Bella may crush na engineer, nakita niya kanina sa labas ng ginagawang condo." Pagsusumbong ni Lyka sa akin. "Taga Maynila raw 'yon, Ate Cassie." Ani Pia. "Paano niyo naman nalaman na engineer at taga Maynila 'yon?" Tanong ko naman habang nagpupunas ng mesa. Umupo si Bella sa empty chair sa harap ko at kinikilig na tumingin sa akin, nilaro-laro niya pa ang buhok niya at ngumiti sa akin na parang baliw. "Tinanong ko kanina sa foreman, Cass! Ang gwapo-gwapo niya, bagay kami!" Hinampas ko siya sa balikat, "huy! Para kang baliw d'yan." Ani ko at tinuro ang mga liligpitin naming mga baso sa ibang mesa. Tumayo naman ito ay ngiting-ngiting nagliligpit ng mga baso. Napailing ako kay Bella, ganoon nalang din ang nagawa ni Lyka ay Pia. Alas dos na at kaming lima ay halos hindi na makapagsalita sa sobrang pagod, halos hindi kami magkada-ugaga kaninang lunch time sa sobrang dami ng kustomer. Nagsabay-sabay ang taga mall at construction worker. Mabuti na lang at mababait naman sila at handang maghintay. "Ano mga, Ate? Kaya pa?" Natatawang tanong ni Mark, siya ang bagong kasama ni Kuya Bimbo sa kitchen. "Akina 'yang coke, Mark! Lalaklakin ko." Ani Bella na halos mahiga na sa upuan. Binigay naman ni Mark ang coke kay Bella at isa-isa niya rin kaming binigyan nila Lyka, Pia at Marie. "May meryenda pa mamayang alas tres, turon daw ang niluto ni Kuya Bimbo. Ipiprito na lang." Ani James na kakalabas lang galing sa kitchen. "Kuya Bimbo! 'Wag ka na magluto please lang!" Sigaw ni Bella na ikinatawa naman ni Kuya Lando. "Hello, Ladies and Gents! May meryenda raw mamayang turon?" "Yes, Sir! Turon po, mura lang at masarap!" Sagot naman ni Kuya Lando sa nagtanong, hindi ko ito kilala. Nakita ko itong napatingin sa akin. Tumayo ako para magbanyo. "W-wow!" Mahinang sambit nito. Nagtaka naman ako. "Bakit po?" Tanong ko sa kanya. "You're beautiful." Sagot nito. Namamangha itong nakatingin pa rin sa akin, hindi naman ako sumagot. Seryoso lang akong nakatingin sa akin. "Excuse me." Mahinang sabi ko at umalis na. Nagpunta ako sa banyo at umihi. Pagkalabas balik ko sa kanila ni Bella ay nag-uusap na sila nang lalaki. "Yes, I am from Manila pati na ang mga engineer." Narinig kong sabi nito. Nakangiti ito kay Bella. Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila, isa pala itong architect. Mabait siyang kausap, parang sanay siyang kumausap talaga ng mga taong tulad naming simple lang, halata kase sa pananamit at pananalita niyang may kaya ito sa buhay. Nagsusumigaw ang mamahaling suot nito, simple lang pero alam kung mamahalin base sa tatak ng brand. "By the way, you are?" "Cassie." Tipid na sagot ko. "Ako naman si Marko." Nakangiti nitong pagpapakilala sa akin. Tumango lang ako sa kanya. "Tahimik lang 'yan si Cassie, Sir Marko, pero mabait 'yan." Ani Bella. Nang nakita kong may pumasok na mga kustomer ay tumayo ako, sinabihan ko naman sila Bella na kaya ko na. Hindi rin nagtagal si Sir Marko at nagpaalam na rin itong babalik na sa trabaho. "Crush ka yata ni Architect, Cassie." Tukso ni Bella. "Akala mo lang 'yon." Tipid na sagot ko. Umiwas na ako sa kanila dahil tinutukso nila ako doon sa architect, I don't take it seriously. Naiingayan lang ako sa kanila. 3:30 na at marami ng nagmemeryenda dito, ako naman ay may bitbit na rattan basket. Magdedeliver ako doon sa mga architect at engineer daw, susunod naman daw si Kuya Lando para sa softdrinks. Nagsuot ako ng cap at jacket dahil mainit doon at maalikabok. "Good afternoon po, para po sa mga engineer at architect." Bati ko sa guard. Tinuro naman nito ang isang malaking canopy na may mahabang mesa. "Thank you po." Ani ko at naglakad na papunta doon. "Cassie!" Tawag ni Architect Marko sa akin. Naglakad ito papunta sa akin, "let me help you with that." Anito. "Thank you po." Nilapag nito sa table ang basket, nilabas ko ang paper plate at nilagyan ng dahon ng saging at isa-sang nilagay ang mga turon. "Salamat, Cassie. Mamaya ko na bayaran 'yan, ha?" "You're welcome po. 675 lang daw po lahat, ipapasunod po ang softdrinks at bottled water. Mauna na po ako." Naglalakad na ako papalabas ng bigla akong matalisod, hindi ko napansing may bato pala sa dinadaanan ko. "Okay ka lang ba?" I stiffined. May nakahawak sa braso ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak. "Miss?" Unti-unti kong inangat ang mukha ko at napatingin sa taong nasa harap ko, pareho kaming natigilan. Hinawi ko ng mahina ang kamay niyang nakahawak sa braso ko habang nakatitig sa kanya. "C-ca..cassie?" Nauutal na sambit nito sa pangalan ko. Gulat na gulat ito habang nakatitig sa akin. Hindi na ako sumagot pa at lalagpasan na sana siya ng hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako. "Cassie." Seryosong tawag nito sa akin. "Engineer Eulysis, nandito na ang meryenda." Rinig kong sabi ni Marko. Mabilis kong winakli ang kamay na nakahawak sa braso ko at mabilis na naglakad. "Damn! Cassie, wait!" Mas binilisan ko pa ang paglalakad pero naabutan niya ako, tumayo ito sa harap ko at matamang nakatitig sa akin. "I-I..don't know w-what to say." Hindi makapaniwalang sabi nito. Nakatitig lang ito sa akin, kaya tinitigan ko rin siya. After 6 years nagkita kami ulit. Painful memories started to flow again on my mind. "Then don't say anything." I said and left him.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.7K
bc

OBSESSED WITH MY BILLIONAIRE UNCLE

read
24.4K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
25.3K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
42.1K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
74.4K
bc

The Don's Auctioned Bride

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook