Chapter 2

1738 Words
"Okay ka lang ba, Cassie? Nang isang araw ka pa parang lutang. Mas lalo kang naging tahimik." Ani Bella pagkadating namin sa bahay. Umupo ako sa sofa at napabuntong hininga. "Okay lang ako, Belle." Okay nga ba ako? Pagkatapos ng pagkikita namin ni Eulysis ay hindi na ako naging okay. Mabuti nalang at hindi na kami nagkita pa ulit, wala naman akong balak umiwas sa kanya. Wala akong kasalanan sa kanya kaya walang rason para iwasan or magtago pa ako. Ayaw ko lang talaga na makita siya kase 'yong mga bagay na hindi ko na dapat pang isipin ay unti-unting bumabalik, mas lumala ang mga napapanaginipan ko. Humahagulgol ako kapag nagigising ako nang madaling araw, mabuti nalang talaga at ilang araw ko nang hindi katabing matulog si Eli. Hindi pa talaga ako totally okay, sa loob ng ilang taon, nandito pa rin ang sakit. Hindi ko makalimutan ang mga nangyari sa nakaraan. Ilang ulit ko mang pilitin ang sarili ko na kalimutan ang mga nangyari, pero nabigo lang ako. Masakit pa rin, ngunit hindi na 'yon kagaya noon na halos ikamatay ko. Walang-wala ako, walang karamay, walang matakbuhan at higit sa lahat walang naniwala sa akin kahit isa sa kanila. 'Yong mga taong inakala kong mahal ako ay tinalikuran ako. "Palaging namamaga ang mga mata mo. May problema ka ba, Cass? Pwede mo naman akong kausapin." Pag-aalala nito sa akin. "In time, Belle. Masasabi ko rin lahat sa'yo." Sagot ko naman sa kanya. "I'm home, Mama and Mami." Sigaw ni Eli. Pareho kaming napalingon sa sumigaw. "Mana talaga 'yang bata na 'yan sa'yo, may accent pa ang english niya." Ngumiti lang ako kay Bella. Lumapit sa amin si Eli at humalik sa pisnge namin, kumandong naman ito sa akin at pinakita ang laru-an niyang robot. "Bigay po ito ni Jared, Mama at Mami. Ganda 'no?" Pagbibida nito sa amin. "Gusto mo ba bilhan ka rin namin n'yan, Eli?" Pagtatanong ni Bella. "Next time na Mama Bella, meron naman na ako ngayon." Sagot nito habang nilalaro ang robot niya, pinapalipad niya ito habang hawak ang bewang ng robot. "Nako, Eli! I can buy that for you! I can buy myself and Mami Cassie flowers." Matigas na wika nito sa english. "Mama, you're beautiful and funny." Eli giggled. "Yes, very beautiful indeed!" Taas noong sagot naman ni Bella. "Mami Cassie, are you sad po? May problem po ikaw, Mami?" Inosenting tanong ni Eli sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. "I'm just tired, Eli. Marami kaseng customers palagi sa karenderya. "Aww. Ganoon po ba? Rest ka rin po para di ikaw pagod, okay po?" Pinisil ko ang chubby nitong cheeks, "opo, Sir!" Pinanggigilan ko ang pisnge nitong matambok, meron itong isang malalim na dimple sa kaliwang pisnge at sa kanan naman ay hindi kalaliman. Pagkatapos naming kumain ay naglinis na kami ng katawan at pumasok na sa room namin, si Eli at Bella ay dito matutulog ngayon sa room ko. Sunday na bukas kaya wala kaming pasok ni Bella, napagpasyahan naming igala sa mall si Eli. May nakita kase si Bella doon na children's palyground pero may bayad. 200 per 1 hour daw ang bayad. Doon na rin kami bukas magla-lunch. Hila-hila ni Eli si Bella papasok sa mall dahil excited na raw itong maglaro. "Eli naman! Nakaheels ako, kumalma ka nga!" Reklamo ni Bella sa bata. "Mama, dali na kase." "Sige na, mauna na kayo." Wika ko. Nauna na nga sila ni Bella dahil sobrang excited na si Eli na maglaro, wala namang nagawa si Bella kaya lakad takbo ang ginagawa niya. Pumasok muna ako sa super market para bumili ng tubig namin, naiwan kase namin 'yong dadalhin sana naming malaking tumbler sa kakamadali ni Eli. Pagkatapos kong bumili ng tubig ay nagpunta na ako kung nasaan sila ni Bella at Eli. Naabutan kong nasa labas ng children's playground si Bella. Maraming bata ang nasa loob, kaming mga guardians ay nasa labas lang. May mga staff naman na nasa loob kasama ang mga bata. "Tingnan mo oh, ang cute ni Eli." Ani Bella nang ipakita sa akin ang kinuha niyang picture ni Eli habang naglalaro ng mga maliliit na bola. "Mukhang enjoy na enjoy nga siya dito." Nakangiti kong sagot habang ni scroll ang mga pictures ni Eli. "Saan pala tayo kakain mamaya? Sa jollibee ba?" "Oo, doon ang request ng bata eh." Ani ko habang nakatingin kay Eli na nasa loob. Nakikipaglaro na ito sa isang batang lalaki, maya-maya pa ay naghahabulan na sila. "Wow! Ang ganda talaga ni Eunice." Ani Bella sa gilid ko. Nakatutok ito sa cell phone niya. "Bagay talaga sila ni Sandro. Tingnan mo, Cass." Aniya at pinakita sa akin ang screen ng phone niya. "Ah, oo." Tipid na sagot ko. "Hindi pa naman sila, nakita lang na magkasama sila sa isang restaurant. Sabi pa dito may girlfriend talaga si Sandro at isa rin itong business woman." Sabi pa nito habang binabasa ang isang article na nakita niya sa social media. Lihim akong napangiti. Pareho na silang succesful sa buhay. I'm happy for them. "Gawan na ba kitang f*******:, Cass?" "Hindi na. Wala naman akong gagawin d'yan at wala akong cell phone." "Problema ba 'yan? Edi bibili tayo. Meron namang mga mura na magaganda ang model at anong walang gagawin? Marami kang mababasa at makikita dito. Marami kayang chismis dito." Aniya. "Hindi naman ako chismosa." Sagot ko na ikinasimangot ni Bella. "Kj mo talaga." Hindi rin nagtagal ay natapos na ang isang oras ni Eli, inaya ko na sila munang kumain dahil mag-aalas kwatro na ng hapon at gutom na rin si Eli. "Mami, gusto ko burger at spaghetti, pwede ba 'yon?" Tanong ni Eli sa akin bago pumasok sa jollibee. "Oo naman. May gusto ka pa ba?" Pagtatanong ko habang karga ito, bigla kaseng naglambing kanina na kargahin ko raw siya. Mabuti na lang at hindi naman ito gaano kabigat. "Uhm. Ice cream po?" Nahihiyang sabi nito. "Okay. Buy tayo ng ice cream, burger at spaghetti ni Baby Eli." Nakangiti kong wika, malapad din itong ngumiti kaya lumabas ang dalawang dimples niya. "Ako na mag-oorder, Cass. Hanap nalang kayo ng upuan natin. Anong sa'yo?" Sinabi ko naman kay Bella kung ano 'yong gusto kong kainin. Wala naman kaming problema sa hati-an ng gastos kase may iniipon naman kami para sa mga ganitong bagay. Tuwing sahod namin ay nagtatabi kami para sa pangangailangan ni Eli bukod sa pang araw-araw namin. Para kunware may bibilhin kaming laruan niya or sa labas kami kakain ay may pagkukuhanan na kami, though hindi naman palagi at least may nakalaan na kaming pera para sa mga ganoong bagay. Hindi na namin magagalaw ang budget namin sa pang araw-araw naming pangangailangan. Pagkatapos naming kumain ay naglibot-libot muna kami sa mall, nagpunta kami sa store na puro laruan lang. Napag-usapan namin ni Bella na bibilhan namin si Eli ng laruan na gusto niya. "Baby Eli, buy tayo ng toy mo pero isa lang ha? Okay ba 'yon?" Tanong ni Bella kay Eli. "Talaga po? Pero may toy naman po akong bago na bigay sa akin." Inosenting wika nito. "Okay lang 'yon, 'di ba sabi mo ng nakaraan gusto mo ng car? 'Yong sa construction?" Sabi ni Bella. "Opo. 'Yong malaking truck po na may kargang malilit na construction vehicles po." "Bibilhin natin 'yon ngayon." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tuwang-tuwa naman ito sa sinabi ko. "Pumili ka na d'yan, Baby." Ani ko. Namangha naman ito sa nakita niya, maraming ibat-iba colors ng mga construction vehicles ang nakita niya. Kulay yellow ang pinili niya kase kaparehas daw iyon sa nakita niya sa ginagawang kalsada at building sa TV. Bago kami unalis sa store ay hinayaan muna siya naming maglibot-libot para makapaglaro sa ibang laru-an na nakikita niya. Nagtanong naman kami sa staff kung pwede at sinabi naman nilang may mga toys daw sila na pwedeng laru-in ng mga bata. Isa sa mga natutunan ko kapag ginagala ang bata sa isang toy store ay hayaan mo lang silang maglaro at tingnan ang mga toys, kase mapapagod din naman 'yan sila at sa huli ay hindi na nila ipapabili kase nakalaro na sila. Hindi applicable sa lahat ng mga bata pero kay Eli ay okay lang, hindi naman kase siya 'yong iiyakan ang isang laruan kapag hindi nabibili. Karga-karga ko si Eli ng palabas na kami ng mall, napagod yata ito kakalaro kanina, si Bella naman ang may dala ng binili naming toys ni Eli. "Bella?" "Uy, Architect!" Napatingin kung sino ang kausap ni Bella, si Architect Markos. "Cassie, ikaw pala 'yan." Bati nito sa akin ng makita ako. "Sir." Bati ko. Nakita kong nakatingin siya kay Eli na karga-karga ko. Tulog pa rin ito. "Sir? Markos nalang." Napakamot ito sa batok niya. "Mag-isa ka lang po?" Tanong ni Bella. "Nope, I'm with Engineer Eulysis. Siya rin 'yong may-ari ng bagong pinapatayong condo." Sagot nito. Siya pala ang may-ari ng condo. "Wow! Ang yaman naman ni Engineer!" Ani Bella. "Markos." Napalingon si Markos sa tumawag sa kanya. "Eulysis, si Bella pala at Cassie. Staff doon sa karenderya sa tapat ng mall." Pagpapakilala ni Markos sa amin. 'Yong mga mata niya ay sa amin ni Eli nakatingin. Tila nagulat ito pero mabilis niya namang naitago ang pagkagulat niya. "Hello, Sir. Bella po." Mahinhing wika ni Bella. Doon pa lang nabaling ni Eulysis ang tingin niya kay Bella, nakipagkamay ito at lumapit sa akin. "Oh, right! Na meet mo na pala si Cassie." Ani Markos. He extended his hand to me. Hindi ko naman ito kinuha. Nakatitig lang siya sa akin, parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang sarili niya. "Next time nalang po." Ani ko at mukhang naintindihan naman niya 'yong sinabi ko kaya binawi niya ang kamay niya. "Mauna na po kami, mukhang busy kayo." Ani Bella. "Hatid na namin kayo." Eulysis offered. Napailing ako. "Thank you pero maaabala pa namin kayo." Sabi ko ay nagpaalam na sa kanila. Sumunod naman si Bella sa akin. Nakailang hakbang pa lang ako nang magtanong si Eulysis. "The kid, Cass." Seryosong wika nito. Hindi kaagad ako nakasagot. Nakatikom lang ang mga labi ko, pabaling-baling ang tingin ni Bella sa akin at sa tao sa likod ko. Nag-iba ang tingin ni Bella sa akin nang makita niyang seryoso akong nakatitig sa kanya. "Ah, anak po namin." Sagot nito at hinila na ako, lumingon pa ito sa likod habang naglalakad kami. "Cass?" Nag-aalalang tawag nito sa pangalan ko. "Umuwi na tayo, Belle." Pagod na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD