"Cassie?"
Nakapantulog na si Bella nang pumasok ito sa kwarto ko, tulog na rin si Eli sa kama ko. Lumapit si Bella kay Eli at hinalikan ito sa noo. Kasalukuyan naman akong nagsusuklay ng buhok.
"Tuwang-tuwa sa binili nating larun kanina, Belle." Nakangiti kong kwento sa kanya.
"Oo nga eh. Mabuti nalang at may nakita akong mura doon, nag-enjoy din siya kanina sa paglalaro doon sa mall kasama ang mga bata." Hinaplos ni Bella ang buhok ni Eli. Binaling nito ang tingin sa akin, "okay ka lang ba?"
Nilapag ko ang suklay sa mesa at umupo sa tabi niya.
"Oo naman." Hilaw akong ngumiti sa kanya.
"Kahit halata namang hindi ka okay?" She's worried. I sighed.
"Masaya akong masaya si Eli," ngumiti ako sa kanya, hinawakan naman nito ang kamay ko. "Thank you kanina." Sinserong sabi ko.
"Walang ano man, Cass. Basta ikaw." Ngumisi ito sa akin. "Matulog na nga tayo, rakrakan na naman bukas sa karenderya." Kinuha nito ang kumot at humiga na sa tabi ni Eli, ako naman ay tumabi na rin kay Eli. Ako sa kanan, si Bella naman sa kaliwa.
"Goodnight, Belle."
"Goodnight, Cass. Magpray pa ako na sana makita ko ulit 'yong engineer." Kinikilig na sabi nito. "Pero, 'yong Eulysis, pogi niya. Bagay kayo." Pang-aasar niya sa akin.
Hindi na ako sumagot pa at pinikit na ang mga mata ko.
"Ate, extra rice daw po doon sa dulong table." Ani Pia kay Bella.
"All right!" Sagot ni Bella.
"Sir, kain po." Rinig kong bati ng ibang kustomer sa bagong dating. Titingnan ko na sana ng nakita kong nagmamadaling lumapit sa akin si Ate Sonya.
"Cassie! Pakikuha ang order ni Engineer. 'Yong nasa gilid na table." Ani Ate Sonya.
Sinundan ko naman ng tingin kung saan nakaturo ang daliri ni Ate Sonya, napatigil ako. Engineer Eulysis.
"Rinig ko siya ang may-ari ng pinapatayong condo. Ang pogi-pogi naman niya!" Parang kinikilig pa ito habang nagkwe-kwento sa akin. "Sinabihan ko na lang na umupo doon, nakakahiya naman kung pipila pa siya." Tumango nalang ako.
"Kunin ko na po order niya." Naglakad na ako papunta sa table na tinuro ni Ate Sonya.
Sa dinami-daming pwedeng kainan ay dito pa talaga siya nagpasyang kumain, pwede naman siyang umorder nalang or magpunta sa mamahaling restaurant aa loob ng mall.
"Good afternoon po. Ano pong order nila?" Magalang na sabi ko. Nakatayo lang ako sa gilid niya at nakatingin sa papel na hawak ko.
Makikita naman niya kung ano ang available pa na mga ulam kase nakasulat ito sa white board, malalaki naman ang sulat at hindi naman ito malayo sa table niya para hindi niya mabasa ang mga nakasulat.
"1 serve of rice, pinakbet and fried bangus, please."
Sinulat ko sa dala kong papel ang order niya, karenderya lang naman 'to bakit kailangan niya pang umenglis?
"Anything else, Sir?" Pagtatanong ko.
"1 coke. Thank you." Sagot nito.
Umalis na ako at binigay kay Bella ang papel na sinulatan ko ng orders.
"Ang sosyal niyo naman sa part na englishan." Natatawang sabi ni Bella.
"Inunahan ako eh." Kibit balikat na sagot ko.
"Nagmukha tuloy restaurant itong karenderya ni Ate Sonya." Aniya habang nilalapag sa tray ang pakbet na order ni Eulysis. "Ikaw nalang din ang magserve doon, baka englishin ako at mahulog ang panty ko." Ibinulong lang nito sa akin ang huling sinabi niya, marami kaseng nakapilang mga kustomer. Mahina ko naman itong kinurot sa braso. "Ouchie, Cass." Maarteng wika nito.
Narinig kong tumawa si Marie na sakto rin ang pagdaan niya pabalik sa kusina.
"Hello, Manong. Ano pong ulam na napili mo?" Tanong nito sa isang kustomer.
Napailing na lamang ako sa sinabi sa akin ni Bella, may pagkapilyo talaga ang babaeng 'yon. Maingat kong hinahawakan ang tray na dala ko nang nakita kong sinasalubong ako ni Eulysis.
"Let me help you." Pag presenta nito.
Hindi na ako umangal pa at ibinigay ko na ang tray sa kanya, kitang-kita ko kung paano kami pagtinginan ng mga taong nandito ngayon. Hindi ko na lang ito pinansin. Pagkarating namin sa table niya ay nilapag nito ang tray.
"Ako na." Ani ko. Hindi naman ito nagsalita ay umupo na lang.
Isa-isa kong nilapag ang mga ni order niya, kulang ng coke kaya kailangan ko pang bumalik.
"Kunin ko lang po ang coke." Ani ko at umalis kaagad.
Habang papalapit ako kay Bella ay nakangiti ito sa akin, "kulang ng coke." Sabi ko.
"Shuta, Girl! Nakakakilig naman 'yon." Aniya habang nakangiti.
Hindi ako umimik. Kumuha ito ng coke at binigay sa akin. Nakita kong ngiting-ngiti rin si Pia at Lyka na nakatingin sa akin. Si Ate Sonya naman ay busy sa pagbibigay ng sukli sa nagbabayad na kustomer.
"Akin na." Pagkakuha ko ng coke ay bumalik na ako sa table ni Eulysis at binigay ang coke niya.
"Magkano lahat?"
Nakatingin ito sa akin.
"Pinakbet 20, fried bangus 35, rice 10 at ang coke ay 20 pesos. 85 lahat." Sagot ko.
Inabot niya sa akin ang isang libong paper bill, kinuha ko naman ito at nagpunta kay Ate Sonya para masuklian ang pera niya.
"85 pesos po, kay Engineer." Inabot ko kay Ate Sonya ang pera.
"915, ayan, Cassie."
Pagkabalik ko sa table niya ay tapos na itong kumain.
"Sukli mo po." Nilapag ko ang pera sa table malapit sa kamay niya.
"Can I have a glass of water?"
Tumango naman ako at naglakad para kumuha ng tubig niya, natigilan ako ng kukuha na sana ako ng cold water. Instead of cold water ay hindi malamig ang kinuha ko at binuhos ko ito sa medyo malaking baso at bumalik na sa table niya.
"You still remember." Aniya habang nakahawak sa baso.
Natigilan naman ako. He slowly smiled. I looked away.
"By the way," aniya nang matapos siyang uminom ng tubig. "Keep the change." Hawak-hawak niya ang sukli niya kanina at inaabot sa akin.
"Hindi po kami tumatanggap ng tip, Sir."
"A small thank you for accomodating me and my men." Aniya habang nakatingin sa akin, seryoso ang mukha nito.
Hindi nalang ako umangal at kinuha ang tip niya, mabilis ko namang binawi ang kamay ko nang makuha ko na ang tip niya dahil naramdaman kong dumaplos ng kaonte ang daliri niya sa kamay ko.
"Thank you." Sabi ko nalang at umalis na.
"Tip." Maikling sabi ko kay Bella at binigay ang pera.
"Wow! Ang galante ni Engineer!" Natutuwang sabi ni Bella. Lumapit naman si Pia at Lyka ng bilangin ni Bella ang pera.
"Thank you po." Magalang na sabi ni Ate Sonya nang makita niyang tumayo na si Eulysis sa kinauupuan niya, nagpasalamat din si Eulysis kay Ate Sonya.
Siniko ako ni Bella kaya napatingin ako sa kanya, "tinitingnan ka ni Engineer." Napalingon naman ako at tama nga si Bella. Nagtama ang paningin namin bago ito tumalikod at lumabas sa karenderya.
Nang maubos na ang ulam na tinda sa karenderya ay naglinis na kami at nagligpit ng mga pinaglagyan ng nga ulam, paminsan-minsan ay tinutukso ako ni Bella kay Eulysis pero hindi ko ito pinapansin hangang sa tumigil nalang ito. Pagsapit ng alas tres ay luto na ang meryendang pansit na luto ni Kuya Bimbo, may mga kustomers na naman dito sa karenderya, ang iba ay kinuha na lang dito at dinadala doon sa ginagawang condo.
Ako naman ay napag-utusang magdeliver ng pansit, nilagay ko ito sa plastic container at nilagay ko naman sa plastic ang kutsilyo at paper plate. Iiwan ko nalang daw doon ang plastic container at ipapabalik nalang after kumain ng mga architect at engineer. Ayaw ko sana pero mapilit si Ate Sonya na ako raw ang magdedeliver, kaya kahit ayaw ko ay sumunod nalang ako sa utos sa akin.
"Para po sa mga engineer." Ani ko sa guard, tumango naman ito at pinapasok ako.
Dumeretso na ako sa nakatayong malaking canopy, may taong nakatayo doon hawak-hawak ang malapad na blueprint. Nang makalapit na ako ay tumikhim ako.
"Nandito na po ang order niyo." Ani ko at nilapag sa mesa ang mga dala ko.
Binaba nito ang blueprint at napatingin sa akin. Tahimik lang itong nakatingin sa akin habang inaayos ko ang paper plate at plastic na kutsilyo. Maya-maya pa ay nagsalita ito.
"How are you, Cass?"
Hindi ako sumagot. Isn't it too late to ask?
"Your Mom is looking for you."
Wow! For what? I smiled bitterly in my mind.
"Cassie."
"Pakibalik nalang ng container after niyong kumain, Engineer." Wika ko.
Nakailang hakbang pa lang ako nang marinig ko ang sinabi niya.
"I'm sorry, Cass."
Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang sinabi niya. Kinuyom ko ang kamay ko. I'm sorry? Hindi ko alam pero para akong maiiyak. Kumurap-kurap ako.
"The kid yesterday, i-is---"
Hindi pa niya natatapos ang sinabi niya nang mabilis akong naglakad papalayo. Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko napansin na may tao pala akong makakasalubong kaya nabangga ko siya.
"Sorry po. Sorry."
"What the--Cassie?" Hindi makapaniwalang sabi nito.
What a small world.
"Sandro." Sambit ko sa pangalan niya.
"Cassie!" Rinig kong tawag ni Eulysis sa akin kaya mabilis akong naglakad para makaalis na.
"That's not mine! Get the hell out of here!"
Habang naglalakad ako ay paulit-ulit ko itong naririnig sa isip ko. 'Yong sakit na naramdaman ko nang araw na 'yon ay unti-unting bumabalik. Napahawak ako sa dibdib ko, ang sakit.