Matapos bilhin ang napiling singsing ay tinungo na ang coffee shop kung saan sila magkikita ni Mr. Harrison. Mabuti na lamang siya at on-time siya sa usapan nila. Nasa early fifties na ito at minsan na niya itong nakausap ng personal. Pagdating sa pina-reserve na mesa ay saktong dating rin ng kaniyang kausap. Hindi katulad ng tipikal na businessman si Mr. Harrison. Hindi ito katulad ng ibang negosyante na makikita mong naka-three piece suit o formal suit. Kung titignan mo nga ay para siyang karaniwang tao at hindi isang CEO ng isang malaking kompaniya. Nang makita siya nito ay agad na ngumiti. Bakas dito ang pagiging positibo nito sa buhay bagay na gusto niya rito. "Good to meet you again, Mr. Mauritius. Oh, is that for your wife?" anito ng makita ang maliit na paper bag kung saan ay na