NAHIMASMASAN si Devey nang biglang nabuhay ang puso ni Ella. Normal na ulit ang heart pintig nito. Hindi siya kaagad nakakilos dahil si Dario at Zyrus ang nag-apurang nag-asikaso sa asawa niya. Kumislos lamang siya nang utusan siya ni Dario na buksan ang salaming kinalalagyan ni Ella. “Hindi na nakakahawa ang virus dahil immune na tayong lahat, Devey. Ikabit mo sa kanya ang isang bag ng dugo!” ani Dario. Tumalima naman siya. Nasa critical pa rin si Ella, pero mas kampanti na siya dahil lumakas na ang puso nito at tinatanggap na ng katawan nito ang sinasaling dugo, hindi katulad noon na inilalabas ng ilong at tainga nito ang dugo. Makalipas ang ilang sandali ay payapa na ang buong kuwarto. Pinag-aaralan na lang nila ni Zyrus ang estado ng virus at vaccine sa katawan ni Ella. Hindi na siy