Chapter six

1339 Words
Chapter six LOU Pagbalik ko sa ospital nakaupo na si Terrence sa gilid ng kama, nakatulala siya sa kawalan habang tinitignan ng nurse yung swero niya. “ Nandito na po sir ang nobya niyo.” “ Sige salamat.” Humarap sa akin si Terrence na parang gusto niya akong kilatisin, kami na lang ulit dito sa kwarto niya, kinakabahan talaga ako tuwing tumititig siya sa akin, para kaseng hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Kung sabagay, hindi naman talaga kapanipaniwala ang mga sinasabi ko lalo pa at gawa gawa ko lamang lahat ng pagkatao niya. “ Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko. “ Maayos na, mahapdi lang minsan ang mga sugat ko sa braso at paa.” Hindi ko naman siya matanong kung paano siya napadpad sa tabing dagat, ako na ang gumawa ng mga pangyayari sa kanya. “ Lumapit ka sa akin.” Tinapik niya ang kama upang tabihan ko siya. Sinunod ko lang kung anong gusto niyang mangyari pero hindi ako masyadong dumikit sa kanya dahil naiilang ako, hindi naman talaga kami magkakilala. “ Ba-bakit mo ko pina—” tatanungin ko palang sana siya kung bakit niya ako pinalapit ay bigla niyang ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko, para akong nakuryente ng isang segundo dahil naramdaman ko ang emosyon niya ngayon, para kaseng pagod na pagod na siya kakaisip ng tunay niyang pagkatao. “ Pwede ko naman gawin ito diba?” sabi niya sa akin habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko, nakapikit din ang kanyang mga mata at mas lalo niyang inilapit ang kanyang katawan habang nakaupo kaming pareho. “ Nahihirapan na ako.” Ngayon lang ako nakaranas ng ganito, ni minsan wala pang lalake na dumikit sa akin ng ganito kalapit kaya nauutal ako habang nakasandal siya sa balikat ko. “ Pwe-pwede naman.” Nanahimik kaming pareho, hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya, baka kase may mabanggit ako na iba at mabuko ako. “ Nakakaginhawa sa pakiramdam ang ganito.” Sinilip ko ang kanyang mukha, nakangiti siya habang nakapikit, nakasandal parin ang kanyang ulo sa balikat ko. Napapalunok na lang ako ng laway dahil talagang tanggap na niya na nobya niya ako. “ Sir?” naitulak ko tuloy siya ng wala sa oras dahil may pumasok na nurse. “ Halla, pasensya na.” “ Aray ko!” reklamo niya dahil nasagi ko yung sugat niya. “ Hindi ko sadya, nagulat ako.” Ang totoo niyan hindi lang dahil sa gulat kaya ko siya naitulak, hindi lang ako sanay na may nanlalambing sa akin ng ganito tapos makikita ng ibang tao, naiilang ako lalo pa at hindi ko naman talaga siya nobyo. “ Ayos lang naman ako.” Mabuti na lang mabait siya, hindi niya ako sinigawan. Nagtaka yung nurse ng makita kaming dalawa, nilapitan niya agad si Terrence at inayos ang kanyang pagkakahiga. Lumayo na ako at pumunta sa gilid kung saan may mauupuan ako. Ang lakas ng t***k ng puso ko hanggang ngayon, nagkanobyo ako ng wala sa oras ng dahil sa desisyon nila mama at papa sa akin na ipakasal ako sa matandang mayaman. “ Mabilis pong gumagaling ang mga sugat niyo, mukhang mapapaaga din po ang pag uwi niyo.” Paliwanag ng nurse sa amin. “ Maraming salamat.” Sabi ni Terrence. “ Magpagaling po kayo.” Nakasandal na ngayon si Terrence, may telebisyon naman dito kaya nanunuod siya, naalala ko yung sinabi ng nurse sa akin, malapit ng makalabas ng ospital si Terrence, saan ko naman siya dadalhin? Iuuwi ko siya sa bahay? Ano na lang ang sasabihin nila mama at papa sa akin? Eh hindi pa naman kami kasal? Pero ang sabi ko kay Terrence ay ako ang pakakasalan niya, kailangan ko mag isip ng paraan plano nito bago pa siya makalabas sa ospital. “ Mabaho ba ako?” “ Ha?” “ Hindi ka kase lumalapit sa akin.” “ Ah eh, anong gusto mong kainin, may prutas dito.” Napapansin niyang hindi ako malambing sa kanya, ang mga magkasintahan naman kase talaga ay naglalambingan kaso hindi ko yun kaya gawin kay Terrence lalo pa at wala pang bente kwatro oras kaming magkakilala. Pinagbalat ko siya ng prutas at tsaka sinubuan. Ayoko naman na maramdaman niya na nagsisinungaling ako sa mga sinasabi ko, lalo ang pagiging nobya ko sa kanya, kailangan masanay akong maglambing kaso unang beses ko lang gagawin yun sa lalake. Nasa gilid na ako ngayon ng kama niya at sinusubuan siya ng prutas, may swero kase ang kabilang kamay niya at ang isa naman ay may benda, may mga sugat din kase kaya nahihirapan pa siayng gumalaw. “ Miss, may kailangan kang bilhin na gamot.” Sabi ng nurse na nakasilip sa may pinto. “ Sige papunta na.” nilapag ko ang hawak ko. “ Lalabas muna ako.” “ Bumalik ka agad.” Ngumiti lang ako sa kanya. Ang sarap naman sa pakiramdam na may naghahanap sayo agad, yun bang gusto kang pabalikin agad dahil gusto ka niyang makasama. Umiling iling ako, iba nanaman nasa isip ko, kailangan kong bumili ng gamot. Binigay sa akin yung reseta na bibilhin ko. “ Maam mga magkano po kaya ito?” tanong ko sa nurse. “ Ito pong dalawang gamot mahal po aabot po ng anim na libo siguro.” “ Ha? Anim na libo?” “ Opo miss.” Agad kong kinua yun pitaka ni Terrence at binilang ang perang nakalagay doon, nako po kukulangin na ito, mga ilang araw pa siya dito at kakailanganin ko ng magagamit na pera. Nakita ko yung mga card na nasa loob. Paano kaya gamitin ito? “ Maam alam mo ba kung paano gamitin ito?” tanong ko sa nurse, pinakita ko yung card na nakalagay sa pitaka ni Terrence. “ Kailangan ng pin niyan or password, alam mo ba kung ano?” tanong ng nurse sa akin. Pin? Password? May nakita akong listahan dito, pangalan ng card tapos may numero sa gilid, kaso medyo basa, sana naman hindi mapunit. “ Teka lang.” Dinahan dahan kong buklatin ng maayos yung papel, may mga nakasulat dito at nagpaturo ako sa nurse, sinamahan niya ako sa labas kung saan may ATM machine. Tinuruan niya akong pumindot, takang taka pa siya sa akin dahil hindi ako marunong, hindi naman kase ako gumagamit ng ganito. Nasa gilid ko lang siya habang tinuturuan ako, ko yung nakakakita kung ano ang pipindutin, pagkatingin ko ng numero kung magkano ang laman ng isang card napanganga ako bigla. Milyon? “ Salamat sa pagtulong mo, makakaalis ka na.” Pinaalis ko na agad yung nurse baka makita niya ang laman ng card, sinulat niya sa papel yung pipindutin ko at yun lang din ang sinusundan ko. Kumuha ako ng pera gamit yung card ni Terrence. Ang laki ng halaga nito, hindi ako makapaniwala na nasa pitakang ito ang sagot sa paghihirap namin! Pero hindi akin ito, kay Terrence ang perang ito, ibabalik ko kaya? Paano kung maalala niya itong pera niya? edi maaalala na rin niya ang kanyang nakaraan? Nanginginig ang kamay ko dahil ngayon lang ako nakakita ng ganun kalaking halaga. Mayaman si Terrence, milyonaryo siya, pero bakit kaya siya napadpad dito sa amin? Baka taga kabilang bayan lang siya? Binili ko na agad yung mga nasa reseta, may natira pang pera na hawka ko, bumalik na ako agad sa kwarto ni Terrence. “ Ang tagal mo naman.” “ Marami kasing bumibili.” Nilapitan ko siya at inilapag yung gamot sa mesa, inaayos ko yung mga pinagbalatan ng prutas kanina ng hilain niya ako paupo sa gilid ng kama. Niyakap niya ang bewang ko. “ Dito ka lang.” Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kilig na may halong konsensya dahil nilalambing niya ang taong akala niya ay tunay na mahal niya pero ang laki ng panlolokong ginagawa ko ngayon sa kanya. Kanina ng makita ko ang pera niya tuwang tuwa na ako, pero ngayon, nakakaramdam ako ng konsensya, malambot naman talaga ang puso ko, ang lambing niya masyado kaya ganito na lang ang pakiramdam ko ngayon. Nakakapanghina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD