Chapter seven
LOU
Araw araw akong pabalik balik sa ospital at sa bahay, ang hirap pala ng may pasyente lalo pa at wala siyang maalala ni isa sa pagkatao niya, nahihirapan din akong magdahilan at gumawa ng kwento tuwing magtatanong siya sa akin.
“ Oh Lou, magaling na ba ang nobyo mo? Kailan namin siya makikilala?”
“ Kapag nakalabas na po siya sa ospital ma.”
“ Mag iisang linggo nay an diyan hindi pa ba siya magaling?” tanong ni papa.
“ Ang alam ko po ay malapit na siyang lumabas sa ospital, yun kase ang dinig ko na sinabi ng doktor sa kanya.”
Tumango lang si papa sa sinabi ko. “ Kung hindi mo pa ipapakilala sa amin yan, hindi namin iaatras ang pagpapakasal mo sa kaibigan namin.”
“ Mama naman, bakit hindi niyo pa inaatras?”
“ Aba syempre, naniniguro lang kami anak.”
Napakunot ako ng noo, ang akala ko maayos na ang lahat, ng akala ko inatras na nila mama at papa ang pagpapakasal ko sa matandang yun, naniniguro talaga sila na mayaman ang ipapakilala ko sa kanila, hays.
Hindi na ako umimik pa, hindi ko naman sila madidiktahan sa gusto nilang gawin, basta ako paninindigan ko ang tungkol sa amin ni Terrence, wala ng atrasan yun dahil kapag binago ko pa ang plano ko ay baka ipakulong pa ako ng lalaking yun.
Kumuha lang ako ng damit at makakain dito sa bahay, ayokong ubusin ang laman ng card ni Terrence nakakakonsensya kase, yun din ang ginagamit ko sa gastusin niya sa ospital, napakamahal ng mga gamot niya kaya yung pera sa card niya ay halos nakakalahati ko na.
Wala pa doon yung babayaran ko mismo sa ospital at doktor, ilang araw na siya doon sa ospital at malaki ang babayaran namin doon.
“ Aalis na po ako.” Paalam ko kanila mama at papa, hindi nila ako nilingon o kinausap na, marami silang ginagawa lalo si papa dahil inaayos niya ang kanyang bangka.
Pagbalik ko sa ospital wala ng swero si Terrence at nakatayo na rin siya habang nakadungaw sa bintana ng kanyang kwarto.
“ Bakit nandiyan ka?”
“ Napakasarap ng simoy ng hangin, kitang kita rin ang dagat mula dito.”
Lumapit ako sa kanya at tinignan din kung ano yung tinititigan niya, ang lalaking ito walang kamalay malay sa mga pinaggagawa ko sa kanya.
Bigla niya akong inakbayan habang nakatanaw siya sa bintana, pinapalapit niya ako sa kanya at tsaka siya pumunta sa bandang likuran ko.
Hindi ko mawari kung ano ba ang gusto niyang gawin pero niyakap niya ako mula sa likuran ko kaya para akong nanigas na yelo dito sa kinatatayuan ko.
“ Salamat.” Bulong niya sa akin, “ Salamat dahil hindi mo ko iniwan at pinabayaan.” Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan, ano bai tong ginagawa mo Terrence, naiilang ako, hindi ako makagalaw dahil ang akala naman talaga niya ay nobya niya ako kaya nilalambing niya ako ng husto.
Hindi pa nga pala ako naligo dahil malamig ang tubig dito sa ospital pero inaamoy at hinahalikan niya ang ulo ko.
Ang sarap sa pakiramdam na may isang tao na tumatanggap sayo, ngayon ko lang naramdaman ito kahit na peke ang pagpapakilala ko sa relasyon namng dalawa.
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Terrence at pumunta sa kanyang gilid, mahirap na baka mahulog ang loob ko sa kanya, hindi ko pwedeng gawin yun dahil iba naman ang ibinigay kong pagkatao sa kanya.
“ Mahiga ka na at magpahinga, baka mabinat ka pa.”
“ Magaling na ako, sabi ng doktor sa susunod na araw ay maaari na akong makalabas.” Tuwang tuwa niyang sinabi yan sa akin.
“ Lalabas ka na?”
“ Oo, hindi ka ba masaya para sa akin?”
“ Hehehe masaya naman.”
Ito na ang kinakatakot ko, paano ko siya ipapakilala kanila mama at papa, saan ko siya patutuluyin? Hindi ko siya maaaring ipatira sa bahay dahil hindi naman kami kasal, alangan magtabi kami sa kwarto ko? Napakaliit lang ng aming bahay.
Hindi nanaman ako makakatulog nito kakaisip kung saan ko pwedeng itira si Terrence, ang naiisip ko talagang paraan ay ang mangupahan kaming dalawa, hindi ko naman siya pwedeng pabayaan mag isa dahil wala siyang maalala, paano na lang kung may manloko sa kanya.
Hays, kung sabagay ako nga na kasama niya ngayon niloloko na siya tapos matatakot akong maloko siya ng iba? hay nako Lou wala ka talagang isip minsan.
May oras pa ako para makahanap ng titirahan namin, bukas na bukas din ay hahanapan ko siya ng matutuluyan na malapit lang din sa amin, hindi naman kami maaaring magsama na ng tuluyan, siguradong ipapakasal na ako agada gad nila mama at papa kapg ganun ang ginawa ko, masyadong istrikto sila mama at papa at gusto ng makasigurado para sa akin kaya yun ang alam kong gagawin nila.
Kinabukasan naghanap ako ng matitirahan ni Terrence, nagpaalam ako sa kanya na uuwi muna sa bahay pero wala na kase akong oras para pumunta sa bahay, ang hirap maghanap ng matitirahan niya, kailangan komportable din siya doon.
Mabuti na lang at may alam si Maribel na maaaring matuluyan ni Terrence. “ Lou, ang laking gulo ng ginagawa mo ngayon, paano kung bumalik ang ala-ala niya?”
“ Imposible na yun mangyari, yung kwento ko sa kanya ngayon ang pinapaniwalaan na niya.”
“ Nagsasabi lang ako ng maaaring mangyari Lou.”
“ Ah basta, ang mahalaga ay yung alam niya ngayon, kailangan kong panindigan yung mga sinabi ko sa kanya, bahala na kung anong mangyari sa mga susunod na araw.”
Alam ko namang nag aalala lang sa akin si Maribel kaya siya ganyan pero tinutulungan parin niya ako. “ Magsabi ka lang sa akin kung anong kailangan mo, huwag lang ako madamay kapag makukulong ka na ah.” Biro niya sa akin.
“ Hahaha wala akong idadamay sa gulong ginawa ko kung hindi ako lang.”
Sa wakas nakahanap na ako ng matutuluyan niya, bukas na bukas din ay maaari na siyang lumipat dito, binigyan ko si Maribel ng pera upang mabilhan ng mga gamit si Terrence dito sa bago niyang bahay, nagtaka pa siya kung saan ko kinuha yung pera, sinabi ko na lang na si Terrence ang nagbigay nun.
Ayoko naman sabihing may pera sa wallet ni Terrence, nakakakonsensya man pero kailangan ko rin kaseng gamitin.
Sakto naman pagbalik ko sa ospital ay naroon yung doktor at pinapaalala niya kay Terrence lahat ng kailangan niyang gawin, ang gusto ng doktor ay maalala pa niya lahat ng mga nangyari sa kanya sa nakaraan, pero kung ako ang tatanungin, sana nga hindi na niya maalala, itong bagong buhay niya bilang si Zandro ang tanggapin niya dahil siguradong magiging tama ang hinala ni Maribel sa akin.
Makukulong ako kapag bumalik sa dati si Terrence.