Chapter eight
ELOISA
Nagulat talaga ako ng malaman ko ang nangyari kay Terrence, The day of our married was terrible, walang nakakaalam kung nasaan na ang katawan ni Terrence.
Tanging ang kanyang sinasakyan bago ang kasal namin ang nakita ng araw ding iton, until now I’m still shocked, nasa Palawan parin kami and nakikibalita ako sa parents ni Terrence kung nahanap na ba siya.
Is it possible that Terrence is still alive? Or not.
“ Eloisa, I’m so sorry for your lost.”
“ I’m okay tita.”
“ Napakaunexpected ng pangyayari, akala ng lahat ay magiging maayos ang kasal niyo, pero ganito naman ang nangyari.”
“ Ito na siguro ang kapalaran ko tita.”
“ Your mom and dad are worried about you.”
Nasa kwarto lang kase ako at nagkukulong, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko kasalanan ko yung nangyari kahit wala naman ako sa pinangyarihan ng aksidente.
“ Lalabas na lang po ako mamaya.”
“ Okay sweetie, take care pupunta muna ako sa mommy mo.”
Nakahinga ako ng malalim, gusto ko talagang mapag-isa ngayon, ang daming tumatakbo sa isipan ko na nagawa ko kay Terrence.
Hindi ko alam kung kailan ang schedule ng flight namin pauwi sa Manila, marami pang aasikasuhin sila mommy at daddy sa negosyo nila, kaso nga lang ito ngang nangyari sa kasal namin ni Terrence ay sobrang worst talaga.
Hinahanap parin nila hanggang ngayon si Terrence at mukhang wala pang balita tungkol sa kanya.
May biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. “ Pasok.” Nagulat ako ng pumasok si Cedrick dito sa loob ng kwarto ko. “ Anong ginagawa mo dito?” napalayo ako sa kanya.
“ Dinadalaw ka, bakit? ayaw mo ba akong makita?” palapit na siya ng palapit ngayon sa akin, wala naman na akong aatrasan pa kaya huminto na ako dito sa may gilid ng kama. “ Bakit parang takot na takot ka sa akin Eloisa?”
“ Lumayo ka, baka may makakita sa ating dalawa.”
“ Eh ano naman? I’m your brother in law right? Kapatid ko ang pakakasalam mo kaya ano namang masama kung kausapin kita?”
“ Cedrick tumigil ka, alam mo na nga kung anong nangyari kay Terrence diba? Hindi ka ba nakokonsensya sa nagawa natin? Hindi nga natin alam kung buhay pa ba ang kapatid mo o hindi na.”
“ Hindi mo naman siya mahal diba?” ang seryoso ng pagkakasabi niya nun. “ Ikaw mismo nagsabi nun sa akin, alam nating dalawa kung sino talaga ang mahal mo.”
“ Oo na, pero hindi ka ba nakokonsensya? Naaksidente na ang kapatid mo at hindi mahanap ang katawan niya, tapos ang inaatupag mo ay yung tungkol sa atin?”
“ Eloisa, hindi mo rin ba naisip na malaya na tayong dalawa? Pwede na nating ilantad ang relasyon natin soon, patagalin lang natin ng kaunti at sabihin na natin ang totoo sa mga magulang natin.”
“ Cedrick nag iisip ka ba? Ibubulgar mo kung anong relasyon natin? Ano na lang sasabihin sa akin ng parents mo? Sinunod ang kuya ng mapapangasawa ko sana dahil nawala na siya? Isipin mo rin ako.”
“ Ito naman talaga hinihintay natin diba? Ang mawala si Terrence para makapagsama na tayo ng payapa, bakit ka ba nagkakaganyan ha?”
“ Iwan mo muna ako dito, gusto kong mapag isa, ayoko makipag away.”
Tumalikod ako sa kanya, ayoko muna siyang kausapin kaya umalis na rin siya agad sa kwarto ko, oo may relasyon kami ng kuya ni Terrence na si Cendrick, ang totoo niyan mas nauna kong nakilala si Cedrick kesa kay Terrence.
Nagkataon lang na, si Terrence ang nireto sa akin ng mga magulang niya at hindi si Cedrick, magkaibigan kase ang parents namin kaya ganun ang nangyari.
Mas mahal ko naman talaga si Cedrick kesa kay Terrence, yung ang totoo kaso nga lang, hindi ko matanggihan sila mommy at daddy sa gusto nila, si Terrence kase mas matino kesa kay Cedrick noon pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo.
Kaya natakot ako na aminin ang totoo sa kanila kahit na ang totoo ay karelasyon ko rin si Cedrick habang karelasyon ko si Terrence.
Ang hirap lang sa akin ngayon ang mga pangyayari, gusto namin ni Cedrick na maging payapa ang relasyon namin at hindi patago, kaso nga lang hindi namin magawa yun dahil kay Terrence na patay na patay noon sa akin at pabor na pabor pa ang mga magulang ko sa kanya, kaya naman pinakiusapan ko ng maigi si Cedrick na itago ang relasyon namin kaso nga lang hindi ako makagawa ng paraan para maamin sa mga magulang ko ang totooo, hanggang sa nagpropose nan ga si Terrence sa akin sa harap ng pamilya ko at pamilya niya kaya hindi ako nakatangi.
Nasaksihan iyon ni Cedrick kaya nagkalabuan kaming dalawa ngunit, sinabi niya sa akin na gagawa siya ng paraan upang hindi matuloy ang kasal namin ni Terrence.
Napapaisip nga ako minsan kung may kagagawan ba si Cedrick sa nangyari kay Terrence o wala. Pero iniisip ko rin na close na close silang magkapatid kaya imposibleng mangyari yun.
Hays, guilty talaga ako, nakakakonsensya ang nangyari sa fiancée ko, wala siyang kaalam alam na niloko namin siya ng kuya niya.
Nakakasakal sa pakiramdam tuwing naiisip ko ang mga ito, hindi ako nakakatulog ng maayos tuwing gabi dahil sa konsensya ko lalo pa at hindi namin alam kung patay na ba siya o hindi pa.
Ang akala ng parents ko ay nadepress ako dahil sa pagkawala ni Terrence, ayaw kase nilang tanggapin na patay na siya dahil hindi naman nakita ang katawan niya sa kanyang sasakyan.
Pero ang totoo, guilty ako ako sa mga nangyayari, oo pinagdasal ko talaga na huwag matuloy yung kasal dahil nag aalangan pa ako kay Terrence kaso hindi ko naman pinagdasal na maaksidente siya ng ganun, hindi ko rin ginusto na mawala siya.
Lumabas ako ng kwarto dahil mas lalo akong nasstress kakaisip kapag mag isa ko lang.
“ Are you okay sweetie?” tanong ni mommy sa akin ng makalabas ako sa kwarto, narito rin pala ang parents ni Terrence at si Cedrick.
“ Yeah.” I answered.
“ Eloisa, magpakatatag lang tayo ha?” maiyak iyak na sabi ng mommy ni Terrence. “ Mahahanap din natin si Terrence, kahit yung bangkay lang sana niya.” tuluyan na siyang umiyak sa sinabi niya.
Halos hindi nila matanggap ang sinapit ng kanilang anak nitong mga nakaraang araw, tapos ngayon kahit bangkay lang daw ang mahanap ayos na sa kanila.
Hindi ako umiimik, pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Cedrick, ang sama ng titig niya sa akin kaya umiwas na lang ako sa kanya at umupo malapit sa bintana.
Pinag uusapan parin nila si Terrence.
Wala pa ding balita sa mga pulis.
I hope he’s okay.
I hope he’s alive.
Kailangan ko pa magsorry sa kanya, kailangan ko pang aminin sa kanya ang mga nagawa ko, naging mabait siya sa akin kaya ganito ang pakiramdam ko.
About Cedrick and I? hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang relasyon naming dalawa, ayokong pag usapan muna ang tungkol sa amin at ayoko din munang lumapit sa kanya.
Huwag ko lang malaman na, may kinalaman siya sa aksidente ni Terrence dahil alam kong idadahilan niya ay ako.
Nakakapanghina talaga, wala rin akong ganang kumain, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, nahihiya ako sa magiging mother in law ko.