Chapter five

1365 Words
Chapter five LOU Naiilang ako sa titig sa akin ni Terrence, este Zandro pala, kailangan kong masanay na tawagin siyang Zandro dahil kung hindi? Lagot na ako, mabubuko na ako. Kinakabahan ako, ngayon lang kase ako magpapanggap at magsisinungaling ng ganito, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na sinungaling pero nagawa ko ito sa isang iglap lang dahil sa pangangailangan ko sa pera at sa sitwasyon ko. Hindi ko pinapahalata na kinakabahan ako, nagkunwari akong kalmado upang hindi ako mapansin ni Zandro. “ Maiwan na namin kayo, dadalhin ko pa sa lab ito upang itest.” Sabi ng doktor ng makuhanan ng dugo si Zandro. Diyos ko Dok! Huwag mo ko iwan kay Zandro, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag nagtanong siya ng nagtanong. “ Sino ka?” paulit ulit niya yang tinatanong sa akin simula pa kanina pero hindi ko sinasagot, alam naman ng doktor at nurse na nawala ang ala-ala ng pasyente kaya hindi na rin nila ako kinulit pa. “ Ako si Lou.” “ Finacee kita?” pagtataka niya. Oo na pangit ako, at gwapo siya, nagtataka siguro siya kung bakit nagkagusto siya sa isang kagaya ko? Parang nakakasakit naman yung pagtatakahan ka na ikaw ang pakakasalan, kung hindi ko lang alam na nawala ang ala-ala niya malamang kanina ko pa ito nabatukan. “ Oo.” “ Paano ako napunta dito? Anong nangyari sa akin?” tanong niya. Mag isip ka ng mabilis Lou, yung matatandaan mo ulit kapag nagtanong siya ulit sayo, alam kong uulit ulitin niya ang mga tanong niya sa akin lalo at wala siyang maalala na kahit ano. “ Kasama mo kong namamasyal at—” nako po! Nauutal ako. “ At naaksidente ka.” “ Paano ako naaksidente? At saan?” “ Sa motor.” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko parang sasabog sa sobrang kaba, halatang nagsisinungaling ako kapag narinig nila itong kabog ng dibdib ko. “ Motor? Bakit ikaw wala kang galos? Bakit ako lang?” “ Ano kase, nag away tayo at umalis ka bigla sakay ng motor mo, at doon ka naaksidente.” Inaalala niya ang mga sinabi ko, hindi ko nga rin alam kung saan ko napupulot itong mga pinagsasabi ko, gumawa na ako ng sarili niyang buhay. “ Hindi ko talaga maalala na nakasakay ako sa motor, o kahit ikaw, hindi kita maalala.” Napalunok na lang ako sa sinabi niya, wala ka naman talagang maaalala sa akin dahil hindi naman talaga tayo magkakilala. Pumikit ako at bumuntong hininga upang makakuha ng lakas ng loob. “ Alam kong mahirap alalahanin lahat, pero tutulungn kita na maalala mo ko.” Sagot ko. Tinitigan niya ako pero ang kanyang mukha ngayon ay punong puno ng lungkot na para bang maamong aso na nagmamakaawa na tulungan siya. Ngumiti ako sa kanya at bigla rin siyang ngumiti. “ Salamat.” Nakakakonsensya talaga itong ginawa ko, wala ng atrasan ito lalo pa at nagamit ko na ang ibang pera niya. Nagpaalam ako kay Zandro, ang sinabi ko ay bibili muna ako ng makakain pero ang totoo ay uuwi muna ako sa amin tsaka babalik dito, kailangan ko rin magpaliwanag kanila mama at papa. Sinabihan ko yung mga nurse na pakibantayan muna ang nobyo ko, este? Nobyo ko na ba talaga siya? Hindi man lang ako niligawan? Pagkarating ko sa bahay agad akong sinalubong ni mama na magkasalubong din ang kilay. “ Anong oras na Lou! Ganito ba ang uwi ng dalaga?” “ Ma, magpapaliwanag po ako, hindi ba sinabi ng kaibigan ko kung saan ako galing?” “ Sa nobyo mo daw! Aba Lou? Hindi mo pa pinapakilala ang nobyo mo sa amin tapos uuwi ka ng gabi?” “ Nandito na pala ang anak natin, hinahanap ka ng mapapangasawa mo.” Sabi ni papa sa akin. “ Pa, ma, akala ko ba napag usapan na natin ito? akala ko ba ititigil niyo na ang pagpapakasal ko sa matandang yun?” “ Paanong ititigil anak, ni hindi mo nga pinapakilala ang nobyo mo sa amin, sinasabi mo lang na mayaman para itigil na namin ang pagpapakasal sayo.” “ Nagsasabi po ako ng totoo, heto nga oh may dala akong pambayad niyo sa utang para bukas.” Kinuha ko yung pera na hiniwalay ko at binigay kay mama. Nanlaki ang mga mata nila ng makita nila yun. “ Saan ka kumuha nito?” “ Sa nobyo ko.” Takang taka sila sa sinabi ko, nagtinginan pa silang dalawa ni papa. Hindi pa pala nila inaatras yung pagpapakasal ko sa matandang mayaman na inirereto nila sa akin. “ Mayaman ba talaga ang nobyo mo?” “ Opo ma.” “ Anong trabaho niya?” nako po, anong isasagot ko. “ Umm, may negosyo siya sa maynila at sa kalapit bayan.” Napatango sila mama at papa habang tinitignan yung per ana binigay ko, nabawasan na yung pera na nakalagay sa pitaka ni Terrence. Hindi ko pa masyadong nakita yung pitaka niya, mamaya titignan ko kapag nasa kwarto na ako. “ Ipakilala mo muna sa amin yang nobyo mo.” Kundisyon ni papa sa akin. “ Kapag magaling na siya.” “ Bakit? anong sakit niya?” “ Naaksidente siya sa motor at nasa ospital siya ngayon, kaya binabantayan ko siya doon, babalik po ako mamaya sa ospital.” Nag iba ang reaksyon nila mama at papa, halata sa mukha nila ang pag aalala. “ Maayos ba ang lagay niya?” “ Opo ma, maayos na siya, kailangan ko po siyang bantayan.” “ Abay bakit ikaw pa? nasaan ang mga magulang niya?” “ Wala na po siyang mga magulang, patay na po matagal na.” hindi ko naman pwedeng sabihin na buhay pa dahil hahanapin sila nila mama at papa, ganun din si Terrence. “ Ulila na pala ang nobyo mo?” “ Opo.” Sagot ko. “ Sige po, pupunta muna ako sa kwarto.” Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay at huminga ng malalim. Ang dami ko ng kasalanan, kaso ayoko rin na habang buhay na makulong sa pag aasawa na hindi ko naman gusto. Kinuha ko ang pitaka ni Terrence at tinignan lahat ng laman nito, maraming nakaipit na papel, hindi ko iyon tinapon dahil baka kailangan, yun mga cards niya may listahan din dito at may numero pang nakapalagay, hindi ko alam kung para saan ito pero ang alam ko pera ang laman ng mga ito. Nagmadali akong mag ayos ng gamit, nilagay ko sa bag upang hindi na ako pabalik balik dito sa bahay, napaliwanag ko naman na kanila mama at papa ang lahat kaya sigurado papayagan nila ako. Pera lang ang katapat ng pagpayag nila, sana naman iatras na nila ang pagpapakasal ko sa matandang mayaman na yun. “ Ma, pa, aalis na po ako, babantayan ko po ang nobyo ko, huwag kayong mag alala, uuwi rin po ako.” “ Sige mag iingat ka.” Sa wakas pinayagan ako! Ibig sabihin lang nun ay iaatras na nila ang kasalan namin ng matandang yun? At aprobado na rin si Terrence sa kanila, este Zandro pala. “ Huy Lou!” sigaw ni Maribel sa akin. “ Saan ka pupunta? Naglayas ka ba? Bakit ang saya saya mo pa?” “ Baliw, hindi ako naglayas, pupuntahan ko ang nobyo ko.” “ Ha? Nobyo? Pumayag ka na maging nobyo yung matandang yun? Akala ko ba ayaw mo?” “ Sinabi ko bang yung matanda ang nobyo ko?” “ Eh sino?” Lumapit ako sa kanya upang ibulong sa kanya ang sagot ko. “ Yung dinala natin sa ospital.” “ Ha? Paano mo naging nobyo yun?” “ Tsaka ko na ipapaliwanag sayo lahat Maribel, huwag ka munang maingay kanila mama at papa ah, basta kapag tinanong ka ang palagi mong isasagot ay—” “ Wala po akong alam.” “ Magaling!” nag apir kaming dalawa. Mabuti na lang mapagkakatiwalaan ko siya, umalis na ako upang balikan si Zandro, dala ko rin ang pitaka niya upang panggastos sa ospital. Paninindigan ko na talaga ito, wala ng atrasan Lou, mas gusto ko na ito kesa ang habang buhay kong makatabi sa kama yung matandang lalake na gusto nila para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD