Pinigilan ni Erin ang mapaluha nang magtagpo ang mga mata nila ni Caleb. Mga tingin na kay tagal niyang hinanap-hanap. Paanong nangyaring kasama nito ngayon sa ganoong ayos ang best friend niya? Halatang nagulat din si Caleb nang makita siya. Kitang-kita ni Erin ang pagbitaw ng kamay nito na nakahawak sa balikat ni Valentine. His mouth was still hanging open as he stared at her. Ngunit nang makabawi marahil ay dahan-dahang tumikom ang bibig nito. Tiyak ang mga tingin na tumitig ito sa kaniya, kasabay niyon ang unti-unting paglaho ng emosyon sa mga mata nito. Wala na ang dating init, ang pagsuyo. Ang naroon na lamang ay galit, kalangkap ng damdaming hindi niya mawari kung ano. Siguro ay naramdaman din ni Valentine ang tensiyon na iyon. Nagmulat ito at nakitingin sa screen. Nang makita