Danger 4

811 Words
Danger 4 Isa-isa dumaan ang convoy sa kalsada sakay ang mga malalaking personalidad sa buong mundo na dadalo sa bidding na magaganap sa sabado. Ngunit hindi nila alam na may mga snipper na gustong sirain ang gulong ng mga kotseng yun para mapatay nila ang isa sa mga bisita. Mula sa pinaka rooftop ng isang lumang gusali naka pwesto ang isa sa mga snipper. Ilang minuto na lang hinihintay na lamang niyang dumaan na mas malapit pa ang mga kotse. Isang long range na baril ang gamit niya na kahit nasa malayu siya ay magagawa niyang mapa hinto sa isang putok lang. Ang gusali ding yun ay may limang palapag, wala nang salamin ang mga bintana at madilim sa bahaging yun kaya hindi mapapansin kong may tao ba doon. Malapit nang dumaan ang convoy sa gusaling yun nang isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong gusali at natumba din ang snipper sa kanyang puwesto. Naka higa na ito sa paanan ng isang lalaking naka full gear. Naka long sleeve itong itim, pants na kupas at rubber shoes. May helmet na suot ang lalaki na ang likod ng helmet na yun ay may maliit na camera na hindi mahahalata. Makikita naman kong may darating na kalaban sa kanyang likod sa pamamagitan sa maliit na lcd sa harap ng helmet na suot. Marami din siyang dalang bala at baril naka suksok kong saan bahagi ng katawan niya. Nag soundtrip din ang lalaking yun naka bluetooth na headphone sa saliw ng centuries nang fall out boys. Lumagpas na ang convoy at takang taka ang bantay sa baba na kasama ng snipper na wala namang natamaan na kahit isa, saka sila na alerto na kailangan nilang pumunta sa puwesto nang snipper. May limang lalaki na unang umakyat sa rooftop at ginulat sila ng sunod-sunod na putok ng baril galing sa lalaking naka helmet. Lahat ito ay may tama sa iba't ibang parte ng katawan at wala nang malay. Na alerto lalo ang mga iba nilang kasamahan at saka bumunot ng dalawang baril sa likod nito. Hindi pa nakaka lapit sa kanya ang mga ito nang pangunahan na niyang tamaan ang mga ito. Pa salit-salit ang puwesto ng kamay niya na may hawak na baril, kanan at kaliwa kong saan may lumabas na kalaban niya. Nang wala nang bala ang baril niya agad niyang binato ito sa isa pang paparating sa ulo, pinilipit ang kamay patalikod at saka niya pina ikot ang ulo para mamatay. Sinipa naman siya ng isa pang kalaban sa likod para siya ay mawalan ng balanse ngunit malaki ang katawan niya at hindi basta matutumba sa simpleng sipa. Lumapit siya sa lalaking yun at mabilis na kinuha ang baril nitong hawaka saka pinag babaril sa dibdib. May limang natitira nakipag suntukan siya doon, kamay sa kamay at saka naman niya binunot ang baril ng isang naka suksok sa bewang nito saka pina putukan ang apat sa ulo na agad na tumba sahig at saka niya hinuli ang nag iisa na may tama na din sa ulo. Dahil malapit lang sa kanya ang lalaking yun, may ilang dugong nag talsikan sa kanyang helmet na suot saka niya ito pinunasan na hindi paren na tatanggal sa ulo niya. Hingal na hingal siya at kasabay ng pag tapos ng tugtog ang pagkatapos din niya sa pakikipag laban. Narinig niya ang ring ng cell phone niya sa pamamagitan ng suot niyang bluetooth headphone sa tenga. Agad niyang kinuha ang cell phone sa bulsa at pinindot ang tawag na yun. "Code B," sabe niya habang naglalakad siya pababa ng gusali. "Code B," aniya naman ng napaka gandang boses ng babae sa kabilang linya. "Kumusta ang trabaho, tapos na ba?" Nasa labas na ngayun ang lalaking naka helmet at doon mismo sa likod ng gusali naka park ang kanyang big bike. Parang walang nangyareng kong anung bagay nang maka labas siya doon. "Tapos na, babalik na ako sa underground." "May problema tayu para sa araw ng bidding?" Na hinto ang binatang yun nang marinig niya ang salitang 'problema.' "Anu yun?" Walang ka emo-emosyun na tanung niya sa kabilang linya. "Kulang ng limang gaganap na PSG na sasama sayu sabado," wika ng babae. "Kaya ko na ang sarili ko at dati ko nang trabaho toh. Isa lang naman akong part time agent sa inyu. Mas trabaho ko ang pagiging PSG, hindi ko na kailangan ng tulong ng kahit na sinu." "Ok. Job well done, you can go back here para madiscuss sayu kong sinu ba yung bago mong target." "Ok then." Namatay na ang tawag na yun, agad na pina harurut ang big bike niya kahit nasa eskinita palang siya at hanggang sa umabot na siya sa kalsada. Na daanan pa niya ang kotse ni Ginell na bilang huminto nang dumaan siya. Halos mag ka untog-untog ang ulo niya sa manibela. "Bwisit," bulalas niya saka muling nag maneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD