Danger 5
Na gawan naman nila Ginell at ang grupo niya na macover ang lugar kong saan magaganap ang bidding. Araw na ng sabado at sa gabeng yun magaganap ang bidding. Nag kalat ang mga security guard, pulis at PSG sa lugar. Magaganap ang bidding na yun sa mismong theater ng Resots World Manila, may mga naka handa ring pagkain sa labas na isang buffet style, nag si datingan na din ang ibang bisita at ang iba naman ay hinihintay paren. Hindi basta-basta makaka pasok sa loob dahil doble ang pag check sa katawan at pangalan bago ka mismo maka pasok sa loob ng venue. Marami ding nag kalat na media sa lugar na yun para hintayin pa ang ilang malalaking personalidad.
Magagarang damit, nagkikinangan na alahas na suot ng mga na andoon, mamahaling kotse ang mga naka park sa labas at napaka gandang ayus ng venue na para lamang sa bisita. Dala lang ni Ginell ang kanyang cell phone at dlsr camera dahil bawal daw ang malalaking bag sa loob. Simple lang ang suot niya na dress na kulay asul at doll shoes na puti. Hindi naman niya kailangan mag bonga ng damit dahil hindi naman siya ang reporter ngayun. Ayus na sa kanya na maka sama siya kahit na staff muna, bahagya na ding gumagaling ang pilay niya kahit na paminsan minsan ay kumikirot paren ito.
Pumasok na ang grupo niya sa loob ng theater na mas maraming kilalang tao sa loob. May ilan na silang na interview at nakuhanan ng litrato. Palinga linga si Ginell sa paligid at naghahanap ng banyo para umihi dahil napa rami siya ng inum ng orange juice kanina lamang pagdating nila. "Guys, cr lang ako ah."
Paalam niya sa mga kasama dahil kailangan na niyang umihi bago pa man mag umpisa ang bidding. "Dalian mo at any minute pwede nang mag umpisa," saad naman ni Janice.
"Yes ma'am." Saka siya tumakbo pa labas ng theater. Nahanap niya agad ang banyo at agad na pumasok sa isa sa mga cubicle dun. Siya lang ang tao doon dahil may naka laan na banyo din para sa mga importanteng panauhin sa gabeng yun. Nang matapos naman siya ay agad siyang nag hugas at tinignan ang sarili salamin sandali. Ngunit nang lalabas na siya ay biglang mabilis na black out ang na ganap. Gulat na gulat ang lahat ngunit agad ding nag ka ilaw. Tuluyan nang lumabas si Ginell sa banyo at nakita niyang nagtatakbuhan ang ilang PSG patungo sa control room para tignan kong anu ba ang nangyare.
Nang maka balik siya sa theater may palabas na pinapa kita sa mga manonood habang naghihintay ang iba kaya madilim na sa loob at tanging ilaw na lamang sa screen na puti ang meron doon. Parami na rin ng parami ang tao kaya hindi niya basta nakita ang mga kasama niya nang mamatay naman ang ilaw sa screen. Na hinto siya sa paglalakd at tumingin doon. Madilim na sa buong theater pero bumalik ang ilaw sa screen ngunit isang aninu ng animoy makikita sa likod ng screen dahil nasa likod din ang ilaw.
Naka tayu lang siya doon, "kumusta mga panauhin namin," bati niya sa lahat na maririnig sa buong speaker na sa loob ng theater.
"Baka mag umpisa na," sabe niya sa kanyang sarili saka uli luminga linga sa paligid para mahanap ang mga kasama dahil madilim sa buong lugar alam niyang mahihirapan siyang mahanap ang mga ito.
"Pagsisisihan ninyung pumunta pa kayu sa araw na ito," na tigilan ang lahat sa sinabe ng lalaki sa likod ng puting screen, bawat isa ay may gustong pagtanungan kong anu ba ang nangyayare, may iba naman na taga ibang bansa na hindi naintindihan ang lenggawaheng ginagamit ng lalaki dahil gumagamit ito ng tagalog. Napa hinto rin si Ginell at tumutok sa nagsasalita. "Dahil ang araw na ito kong saan buhay ninyu ang naka taya, dugo ninyu ang kailangan at katawan ninyu ang prowebang mamamatay kayu sa araw na ito."
Kinabahan si Ginell sa kanyang narinig at ang ibang naka intindi sa sinabe ng lalaki. Napa linga si Ginell nang may sumigaw, "buksan ninyu ang ilaw! Buksan ninyu ang ilaw!" Ngunit walang nag bubukas ng ilaw sa mga oras na yun. Iniisip ni Ginell na mali ang nangyare ngayun at pinag darasal niya na sana walang teroristang maka pasok, ngunit nagkaka mali siya.
Agad nang nag si lapitan ang mga pulis, guard sa screen saka ito sinura at nang malaman nila na isa palang manikin ng lalaki ang na andoon. Saka sunod-sunod na putok ang maririnig sa loob, agad na na gulat ang mga na andoon, nagmadaling tumayo at nag si takbuhan papunta sa pinto ngunit naka lock ito sa labas. Umulan ang bala galing sa itaas na bahagi ng theater, maririnig ang ingay ng putok nung baril at sigawan ng nagkaka gulong bisita. Na tumba si Ginell nang may tumabig sa kanya at gumapang gapang sahig kahit na madilim sa buong lugar.
Naririnig paren niya ang ingay at hindi maka adjust ang mata niya sa dilim. Wala siyang makita hanggang sa may tumamang matigas na bagay sa kanyang sikmura para matumba siya at mapa singhal sahig. Hindi pa siya nakaka recover sa nangyare nang hatakin siya ng kong sinu sa buhok ng malakas kaya kahit hindi niya kaya napa tayu siya. "Bitawan mo ako!" Saka niya kinapa kapa ang mukha nito.
Naramdaman niyang may naka harang sa mukha nito na animoy maskara. Hanggang sa tanggalin niya ito at binato sa kong saan. Lalo siyang napa singhal sakit nang hawakan ng madiin ang pilay niya. Hindi niya maintindihan ang sakit na yun hanggang sa ihagis siya sa kong saan para tumama ang ulo niya sa matigas na bagay at mawalan ng malay. Nag hagis naman ang kasama ng lalaking yun at siya ng naka himatay na gas. Nagmadali silang lumabas sa exit ng theater.
Mula naman sa labas ng Resort World Manila ay pinapa alis na ang ilang magiging bisita sa bidding na yun. Agad ding pumasok guard at pulis sa loob. Sinara nila ang lahat ng pwedeng daanan ng mga nang gulo sa venue na yun, patay na rin ang mga tao sa control room at sa labas ng pinto ng theater nang makita nila na naliligo ito sa mga sarili nilang dugo sa sahig. Naghiwa hiwalay ang grupo at ang grupo naman ni Sebastian na isang PSG ay pumunta sa ground floor ng gusali.
Nang makarating sila doon agad nilang nakita ang mga di kilalang lalaki at pinag babaril sila. Kanya-kanya silang nag si tago kahit na may bullet proof ang kanilang katawan sa ilalim ng kanilang mga damit. Nag tago si Sebastian sa isang kotseng at lingid sa kanyang kaalaman may kalaban ding nagtatago doon. Kaya nang mag kaharap sila ay nag ka tinginan pa sila, unang umatake ang kalaban at sinapak siya. Nag kandahilo hilo si Sebastian ngunit agad na umatake siya sa lalaking yun na sinipa niya ito sa pribadong parte ng katawan.
Napa singhal ito sakit at napa hawak pa doon. Kinuha ni Sebastian ang baril niya sa bewang at binaril sa dibdib ang kalaban. Tumalsik pa ang ilang dugo sa puti niyang long sleeve dahil bukas ang itim niyang coat. Lumapit siya sa mga kasama niya na pinag mamasdan na lamang ang papaalis na kotse ng mga kalaban na wala ding plaka kaya mahihirapan silang hanapin ito.
Inis na inis sila at hindi man lang na gawang kunin ang tatlong pang natitira. Bumalik sila sa first floor kong saan ang theater, nagkaka gulo ang mga tao doon at labas pasok ang mga kukuha sa bangkay. Pumasok din ang grupo ni Seb sa loob at doon nila nakita ang iniwan ng mga teroristang naka pasok sa venue. Akala nila magiging successful ang lahat ngunit hindi pala nila nagawa.
Magulo, duguan na katawan at na pilayang tao ang na andoon. Nagkalat na baril, bala at kong anu-anu pa. Unang lumabas si Sebastian, limang taon na siya sa trabaho bilang PSG pero ngayun lang nangyare ang ganitong bagay na hindi niya inaasahan. Pakiramdam niya wala siyang kwentang tao dahil hindi man lang niya na huli agad ang may sala nito.