KANINA pa naglilitanya si Donn pero kahit isa sa mga sinasabi nito ay walang maintindihan si Florence. Sinadya niyang hindi makinig dahil abala siya sa kung paano aalisin ang kakaibang inis na nararamdaman dahil hanggang nang mga sandaling iyon ay ayaw pa ring mawala ang imahe ng halikan nina Donn at ng puro fake boobs. Fake dahil kakaiba ang laki ng boobs, hindi normal. Amoy made in China.. “Imbes na tapos na ang problema ko, heto na naman ang isa. Hindi ka na ba talaga titigil sa pagdadala ng gulo sa buhay ko?” sa wakas ay umabot na rin sa pandinig ni Florence ang mga salita ni Donn. “Eh, di, sabihin mo sa kanila ang totoo. Problema ba iyon?” “Hindi ganoon kadali iyon. They have been expecting na makikilala nila ngayon dito ang babaeng pakakasalan ko. Nang sabihin mong ikaw ang fian