KINABUKASAN AY nakatanggap ng balita ang pamilya ni Florence na nasa ospital si Kent, hindi sa pagkain ng may amag na hopia, kundi dahil naaksidente ito sa motorsiklo. “Kahit kailan talaga napakatanga niyang si Kent!” litanya ni Florence habang papasok sila sa ospital. “Ilang beses nang pinagbawalang huwag magpapalipad ng motorsiklo sa kalsada, sumige pa rin.” “Esmeralda, huwag ka nang umiyak,” alo ng Papa ni Florence sa kanyang ina na walang tigil ang pag-iyak mula nang matanggap ang balita sa nangyari sa kapatid. “Sinabi na ng mga doktor na ligtas si Kent. At balat-kalabaw ang batang iyon kaya huwag ka nang mag-alala.” “Naaksidente na nga ang anak mo, nagagawa mo pang magbiro ng ganyan. Anong klase kang ama?” “Hindi sa ganoon, mahal. Kaya lang, siniguro na sa atin ng doktor na ligta