“SIS, PUWEDENG humingi ng pabor?” Nabitin si Florence sa pagsubo ng pagkain nang bigla na lang sumulpot na naman sa opisina niya si Kent. “Wala akong pera.” “Mas mayaman ako sa iyo. Hindi ko kailangan ng pera mo.” “Ah, ganon? Good. Then, puwedeng umalis ka na? Iniistorbo mo ang moment ko with my beloved baked mac courtesy of Manang Tasing—“ “Can you buy me some clothes?” Ibinaba ng kakambal ang credit card nito sa table ni Florence. ‘Yung medyo formal. Alam ko maganda ang taste mo sa fashion.” “Okay. Pero mamaya na. Kakain lang ako.” Hindi niya magawang maasar kay Kent dahil pinuri naman nito ang fashion sense niya. “Bakit nga pala hindi na lang ikaw ang bumili?” “Busy pa kasi ako sa mga ipinapagawa ni Papa.” “Ganoon? Busy ka pero may time ka pang makipagkita kay Anette?” Nakangit